."Second day."
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising. Pangalawang araw ko na sa Porsha Academy bilang estudyante. Hanggang sa mga oras na ito ay may part parin sa akin na hindi naniniwalang nandito rin si Enzo, at classmate ko pa! Iba talagang maglaro ang tadhana. Gusto ko tuloy'ng malaman kung ano ang kapangyarihan niya?
Napabuntong hininga nalang ako at bumangon para maligo. Wala namang unusual na nangyari sa akin kahapon maliban sa pag-aaral.
Well, mabuti naman kung ganoon.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng dorm ng hindi man lang nag-aagahan. Hindi naman ako nagugutom kaya okay lang. Saktong pagkabukas ko ng pinto ay bumukas rin ang pinto na nasa harapan ko at iniluwa no'n si Jhea na nakangiti.
"Sabay na tayo?" Aya niya. Tumango lang ako kaya nauna na siya.
Kagaya ng inaasahan, isang malalim at puno ng panghuhusgang titig ang natatanggap ko habang naglakakad kaming dalawa ni Jhea patungo sa hallway. Nang lumiko kaming dalawa ay nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at walang pakalat-kalat na estudyante malapit sa aming room.
Nang nakapasok kami sa classroom ay naroroon na ang mga lakaki at mukhang sakto lang ang dating namin dahil nang makaupo ako ay tsaka dumating si Ma'am Trecia.
Wala sa sariling napatingin ako sa aking kanan. Only to see a vacant chair. Wala na naman 'yung lalaki.
Nang sinimulan na ni Ma'am ang pagtuturo ay binuksan ko ang drawer para kumuha ng notebook. Akmang kukunin ko na sana ang kwaderno nang may napansin akong isang rosas na kulay-wait, sky blue? Hindi ko itinuloy ang balak na magsulat at kinuha 'yung bulaklak. Pinikit ko ang mga mata at pilit na hinahalungkat sa aking isip kung saan ko ito nakita.
Then I remember that weird dream of mine.
W-what the? So totoo talagang may ganoong lugar? Na hindi lang sa panaginip ko 'yon nag-e-exist? Hell?
Tsaka ko lang napansin na may kasama pala itong papel na nakatupi.
"Good morning." - Z.B
Napakunot ang noo ko. Sa paraan ng pagkakasulat nasisiguro kong sa lalaki naggaling ito. Whoever he is, I admire his nice penmanship. Pero I felt creepy, tho. Sino ba naman kasi ang maglalagay ng rosas na kulay sky blue at good morning message sa drawer ko?
And who the hell is Z.B? Wala akong kakilalang lalaki na nagsisimula ang pangalan sa letter Z. Sino ba 'to?
Tiningnan ko isa-isa ang aking mga kaklase. Tahimik lamang silang nakikinig sa guro. Wala namang kahina-hinala sa kanila. Binalik ko ulit ang aking tingin sa bulaklak at sulat. Sino kayang nagbigay nito? Don't tell me pangalawang araw ko palang sa klase ay may nanti-trip na sa akin?
Napabuntong hininga nalang ako at binalik sa drawer ang bulaklak at sulat. Sa kabila ng mga iniisip ay ginawa ko nalang magfocus sa pakikinig kay Ma'am. Sa gitna ng pakikinig ay bigla nalang akong nakaramdam ng kilabot na sa tingin ko ay naramdaman rin ng mga kasama ko sa loob. I saw them stiff and gaze towards the closed door.
A-anong meron?
Parang isang sirang plakang paulit-ulit na nag-e-echo sa loob ng classroon ang isang nakakakilabot na tunog na nagmumula sa speaker. Nanatili lamang kaming nakaupo at sa tingin ko ay dinaramdam ng mga kasama ko ang paligid dahil sa hindi nila pagkilos. Maya maya pa ay bigla nalang nawala 'yong tunog at napalitan ng matinding katahimikan ang buong paligid.
BINABASA MO ANG
Porsha Academy: School of Magic
FantasíaStatus: Completed "A forgotten memory, an undying charm, a sacred heart, a lonely soul, and a cruel life." Welcome to Porsha Academy: School of Magic, where people who have charms and ability suits for. --- Language: Tagalog/English Genre: Fantasy B...