Chapter 2

54 12 13
                                        

Naalimpungatan ako ng may humiga sa bandang dibdib ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakitang si Yana iyon. Isang Japanese bred na aso, bigay si Yana ng aming kapitbahay, hindi kasi pwede na may aso sa kanila kasi hika-in yung anak niya.

Si Yana ang kaagapay ko sa lahat ng bagay. Kapag malungkot ako, tinatawag ko lang siya at hinahagod ang kaniyang balahibo habang inilalabas yung bigat sa dibdib ko.

Minsan na akong napagalitan ni mommy dahil kay Yana. Kesyo daw nagkalat yung balahibo ng aso kahit saan, at kinakagat yung sofa at mga unan namin kaya simula noon ay hindi ko na pinalabas ng kuwarto si Yana at pinapadalhan nalang kay Yaya Muring ng pagkain dito sa kuwarto si Yana.

Napatingin ako sa alarm clock na nasa gilid ng aking kama, nakapatong sa lamesa malapit rito. 6:30 na at 7:00 ang klase namin kaya napabalikwas ako ng bangon. Tumalon si Yana pababa sa kama ko at pumwesto sa kaniyang higaan.

'Bakit kasi hindi ako nagising?'

'Sira na ba 'tong alarm clock ko at hindi tumunog kaninang ala sais?'

Mabilis ang kilos kong inayos ang aking higaan at pumasok sa banyo at dagliang naligo. Parang hindi ko nga naayos ang pagligo dahil sa pagmamadali. Paglabas ko ng banyo ay nakahanda na sa higaan ko ang susuoting uniporme.

5 inch above the knee ang sukat ng palda namin na kulay navy blue at long sleeve na white naman ang pang itaas na sinamahan ng necktie. May nakatatak sa nectie na 'STIS' which is the acronym of our school's name, Sto. Tomas International School.

Lumapit ako sa full-body length mirror malapit sa dresser ko. Sinilip ko ang aking kabuuan at napangiti ng makontento sa aking porma. Kinuha ko na rin ang eye glasses ko na nakalagay sa lamesa kaharap ng aking kama.

Bumaba na ako dumeretso sa hapag kainan. Nadatnan ko si Ate Kylie na kumakain doon. Mabilis niyang tinapos ang pagkain ng makita akong paparating. Hindi na bago sa akin ang kilos niyang 'yon at nakasanayan ko na nga.

Hindi ko nalang 'yon inintindi at nagpatuloy paglapit sa hapag at naghukad ng makakain. Binilisan ko na lang rin ng pagsilip ko sa aking relo ay 6:45 na.

Tinakbo ko na ang garahe at sumakay sa kotse ko. 18 na ako kaya may lisensya na. Mabilis ko itong pinatakbo at ng makarating sa eskuwelahan ay mabilis rin itong ipinarada at bumaba.

Napatingin ako sa aking relo habang lumalakad takbo. 6:55 na, sampong minuto ang ibinyahe ko mula sa bahay bagay na ikinagulat ko. Kinse minutos pataas kasi ang kadalasang pagitan ng aming bahay at ng eskuwelahan, ngayon lang ako umabot ng sampung minuto lang.

Nakarating ako sa aming silid saktong ala syete at kung sinusuwerte nga naman ay wala pa ang aming guro. Mathematics ang unang paksa namin sa umaga at si Miss Dalisay ang guro namin sa paksang iyon. Ayaw na ayaw sa lahat ni Miss Dalisay na may nahuhuli sa kaniyang klase at kung mamalasin ka ay hindi ka na makakapasok sa kaniyang klase at ipapatawag pa ang magulang mo. Kaya ganoon na lamang ang pagmamadaling ginawa ko.

Umupo nalang ako sa upuan ko at kinuha ang libro ko sa math. Magbabasa na sana ako ng may kumatok sa pinto ng classroom namin.

*knock*knock*

Pumasok sa silid namin yung taong kumatok at pumunta sa harapan. Nang matignan ko ng maayos yung taong nasa harap ay doon ko lang napagtanto na ito pala ay ang department president namin.

"All eyes on my please! Good morning everyone, Ma'am Dalisay asked me to tell you this. Get your one whole sheet of paper and then open you book in math on page 39. Answer Activity 8: Do you remember me? Copy and answer. Tomorrow nalang daw niyo yan ipass so that will serve as your asignment." Ang lahat ay tahimik na nakinig sa anunsyo.

Pretty's On The Inside Where stories live. Discover now