A/N: SORRY SA SUPER DUPER LATE UPDATE! MAY NAGBABASA PA BA DYAN? HAHAHAHAHAHAHA
Kakarating ko lang sa eskuwelahan at pinaparda na sa garahe ang sasakyan. Huminga ako ng malalim at timingin sa salamin. I ended up crying all night kaya namamaga ang eyebugs ko. Sigurado, ako na naman ang trending sa school ngayon.
"Ugh! I hate this life!" Hinamapas-hampas ko ang steering wheel hangang maramdaman ang sakit sa mga kamay.
"Why? Why? Why?!" Pinigilan ko ang maiyak dahil tiyak kong mamumula na naman ang ilong ko.
Huminga ulit ako ng malalim, "Parte talaga ng buhay ang gano'n. I need to be strong kaya dapat hindi ako umiiyak."
Saglit lang ay bumaba na ako sa kotse at papasok na sa eskuwelahan nang mamataan ang dalawang taong naghahalikan. Nabigla ako sa nakita at napatakip ng bibig.
'It's Drake!' Nungit hindi ko kilala ang kahalikan niya. Hindi rin maipagkakaila ang kagandahan ng babaing iyon kahit nakatagilid lang sa gawi ko.
Napatitig ako sa kanila, halos idikit na nila masyado ang kanilang mga mukha dahil sa halikan. Kapwa nila kinakagat ang kanilang mga labi. Agad kong nasampal ang sarili.
"What are you looking at, Aya?!" Mahinang bulong ko sa sarili, kalaunan ay natulala. Napahawak sa mga labi at saglit na naalala ang pinagsaluhang halik nilang dalawa kahapon.
Napalingo-lingo, "Really, Aya? Really? Iniimagine mo 'yan ngayon?"
Nagdabog ako ng mga paa at saglit uling tumingin sa gawi nila Drake at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa classroom. Pagkarating ay marami na rin ang mga kaklase ko na nasa lood. Dumeretso ako sa aking upuan.
Akmang iidlip na sana ay lumapit sa akin ang isa kong kaklase. Kataka-taka.
"Aya? Mabuti at hindi ka tumuloy sa pagtulog. Hehehe" animo'y nababalisa dahil pabaling-baling ang mga mata at dinikit-dikit ang dalawang hintuturo.
"Ba't?" Naiilang na tanong ko.
"May 'ano' ka na diba?" Kinakabahang ani niya.
Hays. Andito na naman tayo sa 'ano' na 'yan!
"Anong 'ano'?"
"'Yong ano... 'sagot'?"
Ano ba talagang tinutukoy nito? Pati ako ay nalilito.
"'Yong sa 'ano,' 'yong ibinilin kahapon." Ngiti niya.
Dahan-dahan nagsink in sa akin ang nais niyang ipahiwatig. Napatango-tango pa ako.
"Wait, hahanapin ko lang 'yong notebook ko." Ikling ngiti ko at hinanap na ang sinabi.
"Here," ngumiti ulit ako, "paki ingatan na rin."
'Naturingan pa namang top 5 sa ranking ngunit ayun at kinokopya ang mga sagot ko.' Hays, ganito talaga ang buhay estudyante. Sometimes, you need to cheat in order to survive.
Iidlip na ulit sana ako ngunit may kumalabit na naman sa akin. Elese, actress ng isang kilalang entertainment company na bali-balitang kanila. Dahil nga ay actress, maganda ang maamo niyang mukha. Masasabi mong perpekto kung ang panlabas lang na anyo ang pagbabasehan.
Nangalumbaba siya at tumaas ang kanang kilay. Inilapag niya sa aking harapan ang isang notebook at kinagat-kagat ang kaniyang kuko.
"I'm sure tapos ka na sa assignment kaya 'yong akin naman ang sagutan mo." Sabi niya na nasa ibang gawi ang paningin ngunit ako ang kausap.
"Ah, Elese... Matutulog kasi sana ako. Oo, naman. Papakopyahin kita, intayin mo nalang na matapos si Bianca kasi kinokopya niya pa 'yong akin."
"Bakit? Hindi ka ba natulog kagabi? Pumunta ka ba ng bar?"