A/N: Grammatical and typographical errors ahead!
New day means new pain. 'Pag nasa bahay ako, palaging usapan nila ay ang darating na birthday ni ate. 'Pag nasa school naman ako, ewan magulo. Hindi constant ang mga pangyayari.
As usual, kaninang umaga ako na naman ang pinasagot ni Elese sa assignment namin for the same reason. Pero naiintindihan ko naman siya, syempre, hindi rin madali ang mag-artista. Nakakastress. Don't get me wrong, hindi ako artista base lang sa mga nakikita at nababasa ko.
Nung recess naman, hindi ko na ulit nakita si Coby, ewan ko kung tatawagin ko siyang kuya o hindi. Kasi naman alam namin pareho na mas matanda talaga siya sa akin ng mga ilang taon.
Class go on until nag-announce na naman na halfday. Kaya andito ako ngayon sa library reading a book about organic chemistry. Hindi naman sa mahilig ako sa science o ano pero nakuha lang talaga ng libro ang curiousity ko.
It states that, Organic Chemistry is a division of chemistry that involves a scientific approach to structure and application of organic molecule and compounds.
Maraming meaning ang Oragnic Chemistry ngunit iyan lang ang sinulat ko sa aking notes kasi mas precise and brief siya.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa at natigil ng may umupo sa aking harapan. Napatigil lang ako pero hindi ko tinignan ang taong umupo sa harap. Hay, ayaw ko talaga ng may tumatabi sa akin o malapit sa akin kasi nadedestruct ako.
Kakabasa ko lang nitong libro pero 'yong meaning lang siguro ang naintindihan ko. Sayang!
Itiniklop ko nalang ang libro at tumayo para isauli ang iyon ngunit may pumigil sa kamay ko, iyong taong umupo sa harapan ko. Si Drake.
Napayuko nalang ulit ako at nanlamig. Parang kinakabahan ako at natatakot na maka-usap siya ngayon matapos marinig ang mga sinabi niya kahapon.
"I'm sorry," 'yan pa lang ang sinabi niya pero nag-uunahan na tumulo agad ang mga luha ko.
Walang ingay akong umiyak hindi dahil nasa library kami kundi dahil walang lakas ang bibig ko para kumawala ni maski hikbi.
"I'm really sorry dahil sa mga nasabi ko kahapon." Hinila niya ako upang mapa-upo ulit.
"I'm sorry din, naiyak ako."
"Don't be, sabi ko naman diba? 'Wag mo sabihin ang five letters in one word kapag wala kang kasalanan." Bumalik ang malumanay na boses ni Drake na ikinasaya ko.
"Akala ko kasi friends na tayo eh. Nagpahatid ka pa sa condo mo." Pahina nang pahina na wika ko.
"We can be friends... and friends help each other right?" Tumango ako.
"You see... I lack in english. Ma'am English recommended you to me. Sabi niya na kung pwede ay maging tutor kita?" Seryoso akong tumitig at tumingin sa kanya.
"Uh, wait. Sana hindi mo isipin na nakipagkaibigan ako dahil may kailangan ako sa'yo which is true but I mean it. Ang makipagkaibigan sa'yo. I also want to apologize dahil sa inakto namin ng mga kaibigan ko kahapon sa cafeteria. I hope na maintindihan mo ako." Nakinig, inintindi, at isinapuso ko ang mga sinabi niya. I will trust him.
"Oo, naman." Ngumiti ako.
Tumingin ako sa aking relo, "Maaga pa, pwede natin simulan ngayon ang pagtuturo ko sa'yo."
"Really?" Masayang tanong niya.
"Oo, naman!"
"Let's go!" Tumayo siya at sumigaw.
"Shhh!" Sabi ng mga kalapit namin.
Mahinang napatawa na lamang ako. Hindi naman mali ang magtiwala diba? Susubukan ko lang naman. Ibibigay ko sa kanya ang tiwala ko at sana ay hindi niya sayangin ang pagkakataon. Pero nasa kanya parin 'yon kung itatapon niya o ikekeep.
