Chapter 1

98 15 4
                                        

Aya's POV

I was sitting on a bench near the oval while reading a book when someone sat beside me. I sat here, in the first place to have peace. Ngunit pambihira nga naman ay may tumabi sa akin. Hindi ko talaga gusto na may taong gumagalaw malapit sa akin na nakikita ng peripheral vision ko kasi madali akong madistract. Na-coconcious din kasi ako.

Gustong-gusto kong paalisin yung taong iyon dahil hindi ako makapagbasa ng maayos. Nagbabasa ako, oo, ngunit hindi pumapasok sa utak ko yung binabasa ko dahil nadedestruct ako nitong taong katabi ko. Masyadong magalaw parang kiti-kiti.

Takot ako sa magiging reaksyon niya pag pinaalis ko siya. Takot ako na baka magalit siya at isumbat sa akin na ako ba ang may-ari ng upuan para paalisin ko siya.

All my life ay hindi ko pa nagawang magalit sa ibang tao, hindi ko pa nagawang tumanggi, at hindi ko pa nagawang ipagramot ang mga bagay na meron ako kahit na gustong-gusto kong ipagdamot ito. Hindi ko pa nagawang manalo sa isang argumento dahil takot at mahina ako.

Lahat ng ginagawa ko ay iniisip ko ang magiging reaksyon ng mga tao. Lahat ng mga iniuutos saakin ng mga tao ay gingawa ko kahit pa na alam ko na ito ay mali. Hindi ko gustong gawin ang mga bagay na iyon ngunit wala akong magawa kasi takot ako na makarinig ng mga sumbat na ganito lang ako kaya hindi ako puwedeng umayaw. Pangit ako kaya kailangan maging utusan at alipin.

Masakit sa akin ang lahat ng aking ginagawa na labag sa loob ko ngunit wala ako magawa kasi nakakulong ako sa takot at mahina kong sarili. Mahirap kumawala sa kulungan na ikaw mismo ang gumawa. Hindi ako pinalaking ganito ngunit ito natutunan ko sukli on how my environment interact with me.

Nadestruct ako sa aking pag-iisip ng may dumikit na balikat sa balikat ko. Napatingin ako sa balikat ng nagmamay-ari niyon, iyon ay ang lalaking tumabi sa akin. Tinitigan ko siya sinasabi sa isip na paalisin siya kasi ayaw ko na nandiyan siya ngunit hindi ko magawa. Mataman niya akong tinitigan kaya napayuko ako.

"Palagi kitang nakikitang mag-isa, poste kaba?" Napatawa siya sa kaniyang sinabi.

Ako naman ay nakayuko parin at hindi gumagalaw.

"Poste kaba talaga? Ba't ka nabato?" Sabi niya na natatawa parin.

Hindi ko talaga alam kung paano makipag-usap sa mga taong hindi ko kilala.

He bump me using his shoulder kaya nahulog ako sa upuan at nadapa sa mabatong lupa.

Tatayo na sa akong mag-isa ng may mag-alay sa akin ng kamay. Napatingin ako sa may-ari nito. Nag-squat siya at ang kanang kamay ay marahan na nakalapat sa aking likuran at ang kaliwa naman ay nakalahad, naghihintay natanggapin ko.

"Sorry, sorry hindi ko sinsadiya. Napalakas. Are you hurt? Did you get wounds?" Nag-iisteriko niyang saad.

First time kong may nagsorry sa akin dahil may nagawang kasalanan. Kadalasan kasi ay ako ang gumagawa kahit ako pa ang nagawan ng kasalanan.

First time kong may mag-alala sa akin na para bang napaka-importate ko at hindi puwedeng masaktan.

Kinabig ang puso ko ng akto niyang iyon kaya napahagolgul ako ng iyak.

Hindi ako madaling umiyak, nasanay na sa mapang-aping mundo na aking ginagalawan. Higit sa lahat ay hindi ko pa naipapakita sa kahit na sinuman ang aking kahinaan.

"Hala bakit ka naiyak? Nasaktan kaba? Saan banda? Sorry, sorry talaga. Hindi ko sinasadya." I can see sincerity in his eyes that I can hardly see on people around me.

Hindi na niya hintay na tanggapin ko ang nakalahad niyang kamay bagkus ay siya na kismo ang kumuha sa aking kamay at tinulungan akong tumayo.

Nagtaka ako habang pinupunasan ang aking mga luha when he squat again.

Pinagpagan niya ang aking balat at damit na may kumapit na dumi. Napaatras ako sa kaniyang ginawa. Hindi ako sanay sa ganun because I'm aloof to people.

"Sorry talaga hindi ko sinasadya." He said sincerly looking straitly in my eye.

Hindi ko matagalan ang kaniyang titig kaya napayuko ako.

"No, its okay. I know that you didn't intend to do that." Sabi ko saka ngumiti.

"Thank you for helping me stand up. That was the first time that someone help me to get up when I stumble. I always get to do it all by my self." Malaman kong sabi sa kaniya.

"Raven." Payak na pakilala niya.

"Aya, it was nice meeting you but I need to go." Tugon ko saka dali-daling iniligpit ang aking mga gamit.

"Let me help you."

"No thanks, I can manage"

Tumakbo na ako agad matapos kong iligpit ang aking gamit. Gusto ko mang manatili doon at patuloy na makipag-usap sa kaniya ngunit malapit na akong mahuli sa aking klase.

Buti na lamang ng makarating ako sa aming silid ay hindi pa dumating ang aming guro. Umupo na ako sa aking upuan at kinuha ang kuwaderno na angkop sa asignatura namin ngayon.

Hindi nagtagal ay dumating na ang aming guro. Sa halip na makinig ay binuksan ko ang aking kuwaderno sa likurang bahagi. I absentmindedly doodled the name Raven. When I got back to my senses I didn't help to keep my self silent.

"Oh My Gosh!" Napasigaw ako kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat.

Takot at hiya ang rumehistro sa aking mukha.

"Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong ginagawa Binibining Cardona?" Nanunuyang saad ng aming guro.

Nangatog ang mga tuhod ko ng hampasin ng aming guro ang mesa sa harapan.

"Hindi ka nakikinig sa aking klase! Walang kwentang estudyante!"

"Paghindi mo nasagot ang dalawang tanong ko ay palalabasin kita at hindi ka makakapasok hanggat hindi pa natatapos ang klase ko!" Striktong saad ng aming guro kaya konti nalang ay maiiyak na ako.

"Ano ang pangalan ni Simoun sa naunang nobela ni Jose Rizal na pinamagatang Noli Me Tangere" tanong ng aming guro.

"Juan Crisostomo Ibarra po." Magalang na sagot ko.

Walang kompirmasyon na nakuha mula sa aming guro at tinignan lamang ako.

Ng nagpatuloy siya sa kaniyang ikalawang tanong ay doon nakumpirma na tama ang aking naging sagot.

"Sino ang nakasagutan ni Simoun doon sa bapor tabo ng mga naunang kabanata?"

"Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo po"

"Sana lahat ng estudyante ay gaya ni Cardona na hindi nakikinig ngunit may naisasagot."

"Maaari ka ng umupo ngunit huwag mo na uulitin ang iyong ginawa, nakakadesturbo ka sa klase." Our teacher said pertaining to me.

Natapos ang aming klase at naka-uwi na ako sa aming bahay. Nasa kuwarto na ako nakahiga at handa ng matulog.

Hindi ko na ulit pa nakita si Raven ng pauwi na ako. Napangiti ako ng maalala ang nangyari kanina. Siya ang kauna-unahang tao na naging mabait sa akin.

I will surely treasure him, I said to my self before going to my sweet slumber.







Darling, don't forget to VOTE. COMMENT. AND SHARE. LOVELOTS. MWUAH.

Pretty's On The Inside Where stories live. Discover now