Kakaparada ko lang ng aking sasakyan sa sariling garahe ng mamataan na hindi na bakante ang garahe na para lamang sa mga bisita. Nagulat ako ng makilala ang mga sasakyang nandoon, kina lolo ito.
Hindi ko alam ang mararamdaman, kung kakabahan ba ako o sasaya dahil nandito sila. Pumasok na lamang ako sa bahay at nagpakatatag. Dahan-dahan akong pumasok at palingon-lingon. Ng marating ko na ang bungad ng sala ay huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanila.
"Magandang gabi po," bati ko sa kanila at yumuko pa ngunit parang wala lang sa kanila at nagpatuloy sa kanilang pag-uusap. Nanlamig ang mga kamay ko, isa-isa ko silang nilapitan, una sa mga tita at tito ko hanggang kina lolo at lola.
"Mano po," magalang na saad ko kay lolo tinignan niya lang ang kamay kong nakalahad at nag-iwas ng tingin bago ako pinamano.
"Bakit ngayon ka lang umuwi Aya? Anong oras na, ah?" Tanong ni Tito Sonny, kapatid ni daddy.
Apat sila magkakapatid, si daddy ang panganay, sunod si Tito Ricky, tapos si Tito Sonny, at bunso si Tita Mae.
"Normal pa ba sa dalaga na umuwi ng ganitong oras?" May bahid na galit na tanong ni Tito Ricky dahilan para mangatog na rin ang tuhod ko.
"Ah, may binili lang po sa mall," nakatungong saad ko.
"Kailangan talaga ganoon katagal para makauwi ka ng ganitong oras?" Seryosong tanong ni lola, hindi na ako nakasagot dahil sa pagkapahiya at yumuko na lamang. Takot na makasalubong ang kanilang mga tingin.
"Palibhasa, hindi nag-iisip. Basta masaya siya sa ginagawa niya, go lang. Parang walang uuwiang bahay, ah?" Parinig naman ni Tita Mae.
"Pumasok ka na sa kwarto mo at mag bihis," biglang saad ni lolo. Laking pasalamat ko dahil makakaalis na ako sa mga pangunguwestyon nila.
Yumuko akong ulit tanda ng paggalang at tumalikod na, tinatahak ang daan patungo sa hagdan. Papaakyat na sana ako ng marinig at boses ni Ate Kylie.
"Lolo! Lola! Nandito pala kayo," masayang sigaw ni Ate Kylie.
"Apo, halika dito. Umupo ka sa gitna namin ng lolo mo." Ramdam ko ang saya sa boses ni lola kahit pa hindi ako nakatingin sa kanila. Nakayuko lang ako sa hagdan.
"Saan ka galing, apo? Bakit ngayon ka lang?" Malumanay na tanong ni lolo.
"Ah, doon lang po sa bahay ng kaklase ko, may project kasi kaming ginawa kaya natagalan ako ng uwi. Sorry, po." Paliwanag naman ni Ate Kylie.
"Ano ba, okay lang apo basta alam namin na nagsisikap ka sa pag-asral mo."
"Salamat po, lola!"
Nagtaas ako ng tingin para sana magpatuloy na sa pag-akyat ng makita ko si Yaya Delia. Mabilosan kong pinunasan ang aking mukha at ngumiti kay yaya.
"Magandang gabi po, yaya," bati ko.
"Magandang gabi rin, ija," malungkot na saad ni yaya at dagling napating sa sala bago ibinalik sa akin ang tingin.
Bumaba siya ng mga ilang hakbang at tinapik ako sa balikat. "Pumunta ka na sa kuwarto mo at magbihis," nginitian ulit ako ni yaya. Tumango lang ako.
Humiga ako sa kama matapos kong maghalf-bath. "Hays, wala naman akong masyadong ginawa pero bakit parang pagod na pagod ako?" Kinuha ko ang bag ko at tinignan lahat ng kwaderno kung mayroon bang assignment.
"Nasagutan ko na pala lahat kanina sa classroom," maayos kong ibinalik ang pagkakasalansan ng mga gamit sa akin bag.
Humiga ulit ako sa kama at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.