SIMULA

51 7 2
                                    

Simula

Chances are given for those person who truly deserves it. At hindi lahat ng tao ay maswerte para sa pagkakataong hinahangad. You can not easily throw some random chances to everyone na parang candy na isasaboy sa sahig para pag-agawan ng mga may gusto. If you want to get a chance, make sure you're worth it and you must earn for it.

"Ang kulit mo naman kase Zav! Puntahan na kasi natin yung nakitang raket ni Jigs. Sayang naman 'yon. Pandagdag sa panggamot ni Auntie Francia. Plus, pangarap nating apat nila Jigs at Owen 'to diba? Makapag perform sa harap ng maraming tao." umagang-umaga ay nag-iinarte na si Peachy.

"Hindi ko pa nasabi kay Mama ang tungkol d'yan at hindi ko rin alam kung papayag siya. Alam mo naman si Mama, whenever it comes to performing sa clubs or bar medyo mahihirapan tayo r'yan." nag-aalinlangan kong sagot kay Peachy.

Hindi ko talaga alam kung papayag si Mama, pero, sana...

"You didn't ask yet about it with her so we don't know her decisions. Itanong mo na!" kumbinsi niya.

"Ang alin anak?" pagsali ni Mama sa usapan matapos manggaling sa kusina.

"Wala po, Ma." maikling sagot ko at kinagatan ang pandesal.

"Balak po kasing magpaalam ni Za--."

"Peachy!" pinandilatan ko siya ng mata at sinuway ang walang prenong bibig ng kaibigan.

"Ano ba 'yon, Zav? Sabihin mo na bago ako magsimulang maglaba." lumapit siya sa lamesa kung nasaan kami ni Peachy at pumagitna saaming dalawa.

"Ma, bakit ka maglalaba? Paano pag napagod ka? Wala pa po tayong nabiling gamot. Ako na po maglalaba mamaya. Magpahinga ka na sa taas." diretso kong sabi sakaniya.

Bumuntong hininga siya at umiling. "Zav, hindi baldado ang Mama. May sakit lang ako, kaya kong gumawa ng mga gawaing bahay. Isa pa, nakakabagot sa itaas. Ano nanaman ang gagawin ko ro'n?"

"Auntie, tama po si Zav. Hindi po dapat ni la-lang ang sakit niyo. Pahinga na lang po kayo. Tutulungan ko na po si Zav sa labada. Kami na po ang bahala."

Kung may bagay na nagkakasundo kami ni Peachy sa mga ganitong pagkakataon 'yon.

"Pinagtulungan niyo nanaman akong magkaibigan." tawa niya saamin.

"Nako Francia, napakatigas din naman kasi ng ulo mo. Hayaan mo na ang mga bata sa ganiyan." si Auntie Amor na sumulpot galing sa taas.

Ano ba naman ang mga tao rito sa bahay, bigla bigla na lang lumilitaw kung saan.

"Good morning Ma!" bati ni Peachy sa ina.

"Magandang umaga sainyong lahat." masayang bati niya at umikot-ikot pa. "Anong kaguluhan ang nangyayari rito?" dagdag niya.

"My, tanda niyo po yung naikwento kong raket na sinabi ni Jigs? Ayaw pa rin pumayag at magpaalam ni Zav, e siya ang bokalista namin." bungad ni Peachy sa ina matapos ay bumaling silang lahat saakin.

"Gusto ko rin naman subukan dahil bukod sa magagawa ko ang isa sa mga bagay na gusto ko ay makakatulong pa ako para sa mga gamot ni Mama." sumulyap ako sa ina na nakikinig ng mabuti saakin. "Kaso baka hindi pumayag si Mama e."

"Ano ba 'yang raket na 'yan Zav?" si Mama.

"Uh..."

"Tutugtog po ang banda namin, siguro mga next week? Kung magustuhan po ng mga tao at ng may-ari ng club ay maging regular po kami ro'n." si Peachy ang sumagot para saakin.

"Club? Ano ba 'yan? Bakit sa club?" nag hihisteriyang tanong ni Mama.

This is what I am talking about. She's going to freak out.

Enthralled by Chances (Sweet Lies Series #2)Where stories live. Discover now