Kabanata 3
Band
The moment we've been waiting for. Finally, it's Saturday. Tutugtog na ang banda mamaya sa Solarr at sana magustuhan kami ng mga tao. Lalo na ng may-ari ng club. Ever since, we really want to perform in front of a huge crowd. Slowly, we are doing something to make the band's dreams possible.
"Gusto ko pag sumikat na tayo, tutugtog tayo sa harap ng maraming maraming tao. Yung buong Araneta ay puno at parang langgam na lang ang lahat sa sobrang dami nila." malapad pang binuksan ni Peachy ang mga braso niya at kumaway sa ere para kunwaring nasa harapan ng maraming manonood.
Lunch break ngayon at nasa rooftop kami ng school. Pinag-uusapan ang mga pangarap namin bilang isang banda. Kahit high school pa lang kami ngayon ay napakalayo na ng mga gusto naming marating.
"Kakasimula pa lang ng banda, Peachy. Ni pangalan ay wala pa nga tayo." sabat ni Owen na siyang lead guitarist namin.
"Ang nega mo naman mag-isip, Wen! Pasalamat ka at sinabi ni Ms. Emi na may potential ang grupo natin. Buti na lang din at nagustuhan niya yung performance natin sa subject niya. Isasali niya raw tayo sa music club!" palakpak ni Peachy.
"E totoo naman. Marami pa tayong kailangan pagdaanan. We can't rush success." seryosong sabi ni Owen.
"We can't rush it. Yeah, that's true. But we can take all the possible chances to help us be successful. We need to take risks for the sake of our band. Maraming pagkakataon tayong makukuha dahil bago pa lang. Let's just grab all those opportunities. Kaya natin 'to. Sisikat tayo, guys! Balang araw." pagsali ko sa usapan nila.
"Alam niyo bago tayo sumikat ay mag-isip na muna tayo ng pangalan ng banda." Jigs suggested.
Lahat kami ay sumeryoso sa sinabi ni Jigs. Parang may equations kami na hindi masagutan dahil biglang tumahimik ang maiingay na bibig namin. Tanging pagaspas ng hangin at tunog ng mga sasakyan sa siyudad ang naririnig.
"Alam ko na!" binasag ni Peachy ang katahimikan nang nagtatalon ito.
Lahat ng mga mata ay dumapo sakinya para antayin ang suggestion.
"The Band." seryoso niyang sabi.
"Alam mo pandak tumahimik ka na lang. Umupo ka nga rito." mapang-inis na sambit ni Owen at hinala pa-upo sa sahig si Peachy.
"Bakit? Maganda naman a!"
"Shut up," iling pa ni Owen.
"Cntrl Z?" bulong ni Jigs pero sapat para marinig naming lahat.
"Huh?" takang tanong ko.
"Cntrl Z." mas nilakasan niya at sigurado sa kaniyang sinabi.
"Hindi ba sa computer 'yan?" takang tanong ko.
"Oo. Keyboard shortcut for undo."
"Anong connect?" maarteng tanong ni Peachy. "Ano 'yan? Z for Zav, ganon? Favoritism ka! Crush mo si Zav 'no?" pagbibigay niya pa ng malisya saamin.
"Shut it, Peachy! Listen to Jigs." saway naman ni Owen.
"Keyboard shortcut ang 'Control Z' para sa undo. Since si Zav ang bokalista natin siya ang may kayang i-express ang musikang p-perform natin dahil sakaniya mangagaling at siya ang kakanta sa mga lyrics. But that doesn't mean that we won't have a work here. Si Owen, Peachy, at ako ang nakacontrol sa musical arrangements at tutugtog sa mga instrumento kaya may kontrol tayo kung paano natin gustong kantahin ni Zav 'yon." isa-isa niya kaming tinignan bago magpatuloy. "All of us are in charge to control the music we want to play. Zav is good on expressing the mood so it will not be hard for her. We are hitting many things with one stone. We are enjoying, we are expressing our talents, we might get paid for this, and with our music, when can help the listeners to undo all their problems and help them to be happy."
YOU ARE READING
Enthralled by Chances (Sweet Lies Series #2)
RomanceSWEET LIES SERIES 2: ON HOLD ii