Kabanata 2
Ready
"Zeya, anak, gising na." rinig kong pinatay ni Mama ang alarm sa cellphone ko at siya na mismo ang nanggising saakin.
"Five minutes po," inaantok kong tugon.
"Gising na anak. 'Wag makulit." ramdam ko ang pagtapik niya ng mahina sa pisngi ko.
"Wala na po kaming pasok ngayon, Ma." and I want to sleep.
"Limang minuto lang Zeya at bumangon ka na r'yan. Aayusin ko lang ang mga maruming damit para malabhan na."
"Hmm,"
After Mama tried to wake me up, si Iska naman ang sumubok. Siniksik niya ang kaniyang sarili saaking leeg at inamoy-amoy ako. Sa sobrang kagustuhan kong matulog pa ay nagtalukbong ako ng kumot. It didn't work though, because Iska climbed up to my tummy and she jumped there. Rinig din ang malakas na tahol niya kaya unti-unti akong nagigising ang diwa ko.
Bumangon na lang ako sa kama at nginitian si Iska.
"Istorbo naman ang baby ko," buhat ko sa kaniya at hinalikhalikan siya na sinagutan niya ng tahol.
I chuckled when she kept on licking my cheeks. Ang kulit kulit ng isang 'to.
"Good morning, Mama!" I shouted to my Mama who's inside our bathroom.
"Good morning, anak!" sigaw niya pabalik.
"Ako na po mag-aayos niyan mamaya. Ang aga aga nagkikilos po kayo. Baka mapano puso niyo dahil sa pagod."
"Okay lang ako,"
Nasa mid 40's pa lang si Mama pero ang dami ng komplikasyon sa katawan niya. Ilang beses na rin kaming pabalik balik sa ospital noon dahil sa paninikip ng dibdib niya. Based on the Doctors, parang ngayon lang nagsilitawan ang mga posibleng sakit na dapat ay dati pa. She is not that healthy back then when she's working in Japan because she always skips her meal and she's not taking herself because she needs to work. Binugbog daw ni Mama ang sarili niya para sa trabaho ayon kay Auntie Amor dahil hindi naman sila gano'n kayaman.
Si Mama ang naging bread winner sakanila no'n dahil panganay rin siya. So she made sure to sustain her family even though she didn't get anything in return. Itininakwil din siya ng Lolo't lola nang nalamang pinagbuntis ako ni Mama. Good thing Auntie Amor is with her when everyone left my Mama.
She helped Mama from the start when she needed someone, to the start of her pregnancy, until now that both of them have different families. Sa kanilang bahay kami tumutuloy at hati kami sa expenses. Auntie Amor served as my second mother dahil hindi niya rin ako pinabayaan at tinuring rin na tunay na anak.
Both of them are special to me kaya sobra ko silang mahal. Even Peachy, they are my family kaya kung kailangan kong gawin ang lahat para sakanila ay gagawin ko. Hindi man kami sobrang yaman at sagana sa pera ay sagana kami sa pagmamahal bilang isang pamilya.
"Zav, kanino 'to?" natigil ako sa pag-iisip ng kung ano nang narinig si Mama.
"Ang alin po?" tayo ko kama at pinuntahan siya sa banyo.
Sa bukana ng pintuan ay nakita ko ang litong ekspresyon ng ina habang palipat-lipat ang tingin saakin at ng itim na t-shirt na hawak niya.
Heck, yung t-shirt ni bullet haired guy!
I felt my sweats on my forehead. Pinalis ko kaagad ang mga 'yon habang nag-iisip ng maaring palusot.
"Uh, e, k-kay Owen po. Oo tama, kay Owen po 'yan." iwas ko ng tingin. "Pinahiram niya po ako nung pumunta kami sa Solarr dahil nasukahan ako ni Peachy." damn, Zav.
YOU ARE READING
Enthralled by Chances (Sweet Lies Series #2)
Roman d'amourSWEET LIES SERIES 2: ON HOLD ii