Kabanata 1

22 3 0
                                    

Kabanata 1

Music

Second year in college is finally done. At summer break na kinabukasan. Ang pinaka-aantay ng bawat estudyante ay maipapasakamay na nila, finally.

"Kuya Dude, magkano po lahat 'tong saakin?" tanong ni Peachy sa tindero ng mga street foods dito sa harap ng university.

This is the last time for this school year na kakain kami ng mga kwek-kwek at kung ano-anong street foods after class.

"Trenta pesos lahat, Peachy. 'Wag kayong mag-alala sagot ko na mga palamig niyo." sagot niya.

"Ayun naman pala o!" excited na sabi ni Owen.

Simula nang college ay suki na kami ni Kuya Dude dito sa mga paninda niya dahil never kaming pumalya na bumili sakaniya t'wing uwian. Nakaclose na rin namin siya at minsan nga'y tinutulungan pa namin siyang magtinda.

Busy ako na lantakan ang fishball nang siniko ako ni Peachy.

"Hmm?" maikling sagot ko.

"Sa Sabado na raw tayo babalik ulit sa Solarr. Ano, ready ka na?"

Nasamid ako sa tanong niya dahil kailangan nga pala naming bumalik roon. Patuloy ako sa pag-ubo hanggang sa inabutan ako ng bottled water ni Jigs mula sa bag niya. Kaagad kong ininom ito at nahimasmasan.

"Lover boy to the rescue!" kantyaw ni Peachy na ginatungan din ni Owen.

"Siraulo ka," sagot ko habang hinihimas ang lalamunan ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Jigs na mukhang nag-aalala.

"Salamat." nginitian ko siya.

I pulled Peachy away from them para hindi nila kami marinig kung ano ang pag-uusapan namin at may binulong ako sakaniya.

"Paano pag nando'n ulit yung lalaki?" kinakabahan kong tanong.

"O edi mag hello ka." walang kwenta niyang sabi.

"Nakakahiya Peachy. Mukhang lagi pa naman 'yong nando'n."

"Ba't hindi ka nahiya nung nakipagsex ka sakaniya kahit 'di mo siya kilala?"

"Ang ingay mo!" hila ko sa buhok niya at nagreklamo naman siya. "Lasing kami noon! Hindi namin alam mga kilos at ginagawa namin sa mga oras na 'yon."

"Edi malabo rin na maalala ka niya kasi lasing kayo pareho. Ayos lang 'yan! 'Di naman kayo magtitikaman ulit pag nagkita kayo sa club na 'yon. Kakanta ka lang sa harap ng mic." tumigil siya saglit at ngumisi ng nakakaloko. "Pero it depends kung anong mic ang gusto mong kaharap at hawakan." humalakhak pa siya bago ako tuluyang iwan sa gilid.

Napasapo ako sa aking noo dahil sa kahihiyan na tinamo mula kay Peachy at naalala ang nangyari pagkatapos ng gabing 'yon.

"Fuck!" utas ko at napasabunot sa sariling ulo.

Kaagad akong tumayo mula sa malambot na kama at tinignan ang buong paligid.

Wait...

Hindi sa bahay 'to!

Dahil bukod sa magarbong palamuti sa paligid na sumisigaw ng karangyaan ay wala rin ang picture frame namin ni Mama sa silid. Isa pa, halatang lalaki ang tumutuloy sa kwarto na 'to dahil halos gray at navy blue ang kulay.

Napapikit ako nang naramdaman ang sakit ng ulo. Parang bibinibiyak sa sakit. Fuck, I will not drink again!

I heard some drips of water from the bathroom so I am sure that man with a mullet hairstyle is taking a bath. I need to go home!

Enthralled by Chances (Sweet Lies Series #2)Where stories live. Discover now