Chapter I

51 2 0
                                    

LAURENE

Patuloy ang pagtingin sa relo at cellphone ng ibang mga estudyante. Bakas sa mga muka nila ang pagka-inip sa klase. Ilang sandali pa ay tumayo na ako para magpa-alam, agad rin silang nagtayuan.

"GOODBYE MA'AM GUZMAN!" sabay sabay nilang paalam sakin.

"Ok you may go." agad na kinuha nila ang mga gamit nila at nag-unahan palabas ng classroom. Hinayaan ko naman ang limang estudyante na manatili sa classroom, malamang ay gagawin lang nila ang project para sa ibang subject.

Umupo ako para ayusin ang mga papers, at ilang saglit lang din ay muli akong tumayo.

"Bye ma'am." Sabi sakin ng isang estudyante.

"Umuwi na rin kayo pagkatapos nyo dyan."

"Opo." ngumiti ako tsaka tuluyang lumabas.

Naalala ko tuloy sa kanila noong nag-aaral pa ko sa high-school. Kagayang-kagaya ako ng mga estudyanteng un, kung kinakailangang magpagabi para matapos lang ang pinapagawa ng teacher ay gagawin ko.

Pababa na ko ng hagdan nang may mga estudyanteng nagtakbuhan pababa. Agad kong iniligtas ang sarili ko mula sa kanila. Tumigil ako sa paglalakad at agad na gumilid.

"Ma'am excuse." nagmamadaling sabi ng lalaki. Kasunod nya ang isang babaeng estudyante na may hawak na notebook. Nag excuse ito sakin tsaka muling hinabol ang lalaki.

"Hoy Philip! Akina yang ballpen ko, humanda ka sakin kapag naabutan kitang hayop ka!"

Napabuntong hininga naman ako dahil sa kanila tsaka ngumiti.

-

Habang hawak ng kaliwang kamay ko ang mga papel ng estudyante ko ay tulak-tulak ko naman gamit ang kanang kamay ko ang pinto ng faculty.

"Tulungan na kita dyan ma'am." Sabi sakin ng kapwa ko teacher, si Angelo. Classmate ko sya dati pero hindi kami magkaibigan.

Kung tutuusin gwapo sya, clean haircut at formal kung manamit. Maganda rin ang katawan nya, ung huling pagkakakita ko sa katawan nya ay may abs sya.

P.E namin un nung college at naghubad sya habang nagpapahinga ang lahat, siguro dahil sa puno ng pawis ang damit nya that time, tas un nakita ng whole class ung mala-pandesal nyang pangangatawan.

Pero, kahit gwapo at matalino sya ay wala pa rin syang nagiging girlfriend hanggang ngayon. Bakit? Di ko rin alam ang tunay na dahilan pero siguro dahil un sa pagiging focus nya sa goal nya kagaya ko.

"Thank you." Ngumiti ako sa kanya at ganun din sya sakin. Pagkapasok namin sa loob ay nag kanya-kanya kami ng landas papunta sa mga table namin. Pangatlo ako sa kanang dulo, at dulo naman sya sa kaliwa. Puno ng tawanan ang silid nang makapasok ako, nanggagaling ito sa mga katabi  ko na Sina sir Joshua at ma'am Katherine.

"Hello sir, hello ma'am!" bati ko sa kanila. Nag'hi' sila sakin pero tawa pa rin sila ng tawa.

"mukang masaya kayo ah anong meron?"

"wala naman, pinag-uusapan Lang namin ung mga old crushes namin."

"Itong si sir Joshua mukang unggoy daw ung mga nagustuhan nyang lalaki dati grabe noh?" Tumawa lang ako habang inilalagay sa messenger bag ko ang mga papers ng mga estudyante ko. Sa bahay ko nalang siguro toh titingnan.

Kinuha ko rin ang phone ko at tiningnan ang oras. 12:45 pm. 2:00 pm ang klase ko mamaya, kailangan ko ng umalis ngayon para Hindi ako malate.

"Eh ikaw ma'am?" Napalingon ako kay Joshua. "Nagka-crush ka na ba?"

"Mukang wala pa noh." Singit ni Katherine. "Pansin ko kasi busy ka sa mga goals mo sa buhay." Natahimik naman ako ng ilang sandali tsaka sumagot.

"Syempre nagka-crush na ko."

"Ehh hanggang ngayon crush mo pa rin ba?" Natahimik naman ako sa tanong ni Joshua.

"Oo naman."

"Yieee si ma'am Guzman..." Tukso ni Joshua.

"Sino yang lalaking yan?" Natawa naman ako. Kinuha ko na agad ung bag ko tsaka tumayo. "Una na ako sa inyo ma'am sir baka mahuli pa ko sa klase."

"Di mo pa sinsagot ung tanong." Dumila lang ako sa kanila.

"Ang daya!" Kunyaring pagkainis ni sir Joshua.

"Ingat ka nalang ma'am sa pagpunta sa school mo." Sabi ni ma'am Katherine.

"Thank you." Sincere Kong pasasalamat.

"Sana all Law student." Biro ni sir Joshua. Tumawa lang ako tsaka tuluyang nagpaalam sa kanila.

Umuulan. Hawak hawak ko ang bag ko gamit ang kaliwang kamay ko samantalang hawak naman ng kanang kamay ko ang payong na sumasalag sa buhos ng ulan.

Habang nag aantay ako ng masasakyan ay agad kong naalala ung tanong ng co teacher ko.

Sino daw ang lalaki na crush ko? Natawa naman ako. Lalaki?

'Hindi lalaki ang nagustuhan ko, kundi isang babae.'

Memories With Casey (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now