Chapter II

25 1 0
                                    

LAW SCHOOL

Ilang sandali pa ay natapos ng magsalita si ma'am Ramirez. Naghabilin sya ng iilang bagay bago kami tuluyang idismissed.

Nagsitayuan na ang lahat. Karamihan ay agad na lumabas samantalng ang iba naman ay nanatili lang. Inilagay ko ang notebook at ballpen ko sa messenger bag ko tsaka isinabit ang bag sa balikat ko. Magpapaalam na sana ko kela Lalaine, Migo, at Matthew pero nakita ko silang masayang nagkikwentuhan. Napangiti nalang ako tsaka naglakad palabas ng classroom.

Ang hallway ay puno ng mga estudyante na papasok at palabas. Siguro isa sa dahilan kung bakit nagustuhan ko ang pagtuturo ay dahil ayokong mawala sa paningin ko ang larawan ng paaralan, at mga estudyante.

Paliko na ko ng hagdan nang may tumawag sakin. Lumingon ako, at nakita ko si Lalaine na tumatakbo papunta sakin.

"Laurene!" Inayos nya ang maiksi nyang buhok dahil medyo nagulo ito nang tumakbo sya. Kasunod nya sila Matthew, at Migo. "Gusto mong sumama?" Tanong ni Lalaine.

"Saan?" Nakangiti Kong tanong sa kanya.

"Pupunta kaming bookstore ngayon." Tinaas nya ang kamay nya para hawakan ang dibdib nya. Hingal na hingal kasi sya. Napangiti ako sa ganda nya. Maiksi ang buhok nya na gaya ng sa lalaki pero babaeng babae ang muka nito. Singkit ang mga mata nya, dahilan para magmuka syang masungit. Pero, mabait sya sakin never nya pa kong pinagsungitan.

"Hindi na siguro. Marami pa kong gagawin ei." Sabi ko sabay tawa.

"Ganun?"

"Oo haha."

"So una ka na?" Tanong nya. Ngumiti ako tsaka tumango. Nag paalam ako sa kanilang tatlo tsaka nagsimulang maglakad pababang hagdan.

"H-hatid na kita!" Lumingon uli ako sa kanya. I saw Migo looking at Lalaine when she said na ihahatid nya ko.

Ilang buwan na rin kaming magkakasama sa klase at napansin kong may gusto sya kay Lalaine. "Dala ko ung kotse ko, hatid na kita para Hindi ka na maglakad pauwi. Umuulan pa naman."

"Akala ko pupunta kayong bookstore?" Pagpapaalala ko sa dapat na pupuntahan nila.

"Oo nga,pero kung gusto mo ihahatid muna kita." Para namang masusuka si Matthew kaya hinampas sya ni Lalaine. Babae ang kilos ni Lalaine kaya maski ako hirap sabihin kung lesbian rin ba sya o caring na kaibigan lang. Natawa naman ako sa naisip ko. Ako rin pala babaeng babae pero babae rin ang gusto.

"Thank you Lalaine pero susunduin ako ng kuya ko ngayon pero salamat talaga." Binigyan ko sya ng napakagandang ngiti tsaka muling nagpaalam sa kanila.

**

LALAINE

Papunta na kami ngayon sa parking lot nila Migo, at Matthew. Share kami ng payong ni Migo, while si Matthew naman ay mag isang hawak ang payong.

"Failed si sungit." Pang-aasar ni Matthew sakin Tiningnan ko sya ng masama.

"Happy ka?" Inirapan ko sya tsaka pinindot ung susi ng kotse para mabuksan ung kotse.

"Ikaw ang bait bait mo Kay Laurene samantalang sakin ang sungit sungit mo."

"Ehh nakakainis ka eh. Kung gumaya ka kaya kay Laurene, tahimik at mabait."

"Yoko nga!"

"Di wag." Hinampas nya ko ng payong nya tsaka sya tumakbo papuntang kotse nya dahilan para mabasa ako. "Shit ka Matthew!" Dinilaan nya lang ako. Parang bata. Akala mo hindi nakapagtapos ng bachelor degree kung umasta. Akala siguro highschool pa rin kami.

Inalis ko ang tingin ko Kay Matthew na kasalukuyang nasa loob ng kotse, tsaka binuksan ang pinto ng kotse ko.

"We're not going to the bookstore because Laurene is not coming?" Seryosong tanong ni Migo. Ngumiti ako tsaka pumasok ng kotse. Naiwan syang nakatayong mag-isa sa labas.

Memories With Casey (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now