LAURENE
Kararating ko pa lang ng bahay nang biglang tumunog ung phone ko.
"Hello Dianne."
(Hello ate, nasa bahay ka na ba ngayon?)
"Kararating ko pa lang, bakit?"
(Ate sorry, can you please bring here my math book? I forgot kasi.)
"San mo ba nilagay? Kukunin ko."
(Inside my drawer ate. Pwedeng pakibilis ate kasi ilang minutes nalang darating na ung prof namin.)
"Sige, kukunin ko lang tas didiretso na rin ako dyan."
(Thank you ate.)
"Ok."
-
Paakyat na ko sa 2nd floor papunta sa room ni Dianne nang makasalubong ko sila Rosemarie, Joan, at Vanessa.
"Laurene? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Vanessa.
"Ihahatid ko lang ung librong naiwan nung kapatid ko. Kayo? Dito ba kayo nagtuturo?"
"Oo haha. Dito pala nag-aaral ung kapatid mo?" Tanong ni Joan.
"Oo, senior high school na nga eh."
"Wow." Sagot ni Joan.
"Ehh san kayo pupunta?" Tanong ko kasi muka silang nagmamadali kanina.
"Sa office ng principal, pinapagalitan kasi si Casey." Sagot ni Rosemarie.
"Walang lesson plan na ginawa." Dugtong ni Vanessa.
"Sige Laurene una na kami ah."
"Ok." Ngumiti sila sakin at ganun din ako sa kanila. Bigla naman akong nag-alala Kay Casey. Ayos lang kaya sya?
Ilang sandali lang ay natatanaw ko na si Dianne na nakatayo sa may corridor ng room nila. Mukang kanina pa sya nag-aantay.
"Ate!" Sigaw nya nang makita ako.
"Here." Sabi ko sabay abot ng libro sa kanya. "Next time, check your things before you go to school para hindi ka natataranta."
"Noted ate." Ngumiti sya tsaka nya ko niyakap. "Thank you!"
"Ohh sya alis na ko."
"Ok, ingat ka." Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot.
-
Naglalakad ako sa hallway nang makita ko sila Rosemarie na nag uusap-usap kasama si Casey.
"Bakit kasi hindi ka gumawa?" Rinig kong bulyaw ni Joan kay Casey.
"Malay ko ba na ngayon ipapasa yun. Tsaka tinatamad ako."
"Ano ka ba bakla?! Gusto mo bang matanggal sa trabaho?" Sabi ni Rosemarie.
"Gumawa ka na ng lesson plan ha. Huwag ka na munang mag-inom." Dugtong naman ni Vanessa.
"Di ko alam. Bahala na." Para namang nanlanta ung tatlo nang marinig ung sagot ni Casey.
"Ako nalang ung gagawa." Singit ko sa usapan nila.
"Laurene." Nakangiting banggit ni Vanessa sa pangalan ko.
"Yun naman pala eh." Sigaw ni Joan. Lumapit naman si Rosemarie sakin, at kumapit sa braso ko.
"Buti nalang nandito ka."
YOU ARE READING
Memories With Casey (Lesbian Love Story)
Lãng mạnposible bang makalimutan ka ng taong minahal ka ng sobra? posible bang makalimot ang puso? Si Laurene ang babaeng nagpabago sakin. Sya ang umintindi, at nagmahal sakin pero bigla nalang syang nawala na parang bula. Ilang taon na rin magmula ng iwan...