Click
Click
Click
Sunod-sunod ang pagpindot ko sa camera ng phone ko para magkaroon ng copy ng report nila Casey. Hindi si Casey ang nagpipindot sa laptop, kundi si Rico na kagrupo rin nya.
"Teka," nahihiya kong sabi. "H-hindi pa ko tapos sa isang slide."
"Ang bagal kasi eh." Reklamo ni Rico habang binabalik ang slide na Hindi ko nakuhanan ng picture.
Tumayo si Casey at naglakad papunta sa harapan. Hinawakan nya ang kwelyo ni Rico at galit itong pinaalis. Kumuha sya ng upuan at umupo sa tabi ng mesa kung san nakapatong ang laptop.
Ang liwanag ng monitor ay tumatama sa buong katawan at muka ni Casey. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mahaba nyang buhok, ang seryoso nyang muka, at ang maganda nyang tindig.
"San ka na?" Galit na tanong ni Casey. Napalingon ako sa likod ko pero walang ibang tao.
"A-ako?"
"Oo ikaw." Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang dibdib ko, bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil ba sa pinansin ako ng taong gusto ko.
"Wala ka bang sasabihin sakin Laurene?" Tanong sakin ni mama habang kumukuha ng maliit na parte ng kanin at ulam sa plato nya. Napatigil ako sa pagnguya, napatingin naman si kuya at Dianne sakin.
Nagtataka akong tumingin Kay mama.
"Ma, ano po ang dapat kong sabihin?" Nakangiti kong tanong.
"Aattend ka sa party ng dati mong kaklase?" Tumingin ako Kay papa kasi sya lang ang sinabihan ko tungkol dun. "Huwag mong sisihin ang papa mo. Kung magpapaalam ka lang rin lang naman ng pasekreto siguraduhin mong hindi ko maririnig."
Napayuko ako at napasubo ng pagkain. Narinig pala ni mama.
"Hayaan mo na sya mahal, 27 na si Laurene hindi na sya bata." Sabi ni papa.
"Bakit may sinabi ba Kong pipigilan ko sya? Basta, huwag ko lang malaman laman na napapabayaan nya ang tungkulin nya bilang isang guro." Ngumiti ako dahil sa narinig ko.

YOU ARE READING
Memories With Casey (Lesbian Love Story)
Romanceposible bang makalimutan ka ng taong minahal ka ng sobra? posible bang makalimot ang puso? Si Laurene ang babaeng nagpabago sakin. Sya ang umintindi, at nagmahal sakin pero bigla nalang syang nawala na parang bula. Ilang taon na rin magmula ng iwan...