Chapter IV

6 1 0
                                    


CASEY

"Lasing ka nanaman kagabi!" Sigaw ni mama nang makababa ako ng kwarto. "Hindi ka na ba magbabago?!"

"Anong almusal natin ma?"

"Anong almusal? Anong oras na oh, alas dose na."

"Ma nagugutom ako, may naluto na po ba kayo?"


"Hayy naku talaga." Napangiti ako nang magsandok si mama. "Ohh! Kumain ka. Ano bang oras pasok mo ngayon?"



"12:20 po ma."



"Eh bakit Hindi ka pa nag-aasikaso ni hindi ka pa nga naliligo."




Pareho kaming napatingin ni mama nang bumaba si papa mula sa hagdan, tinigil ko ang pagkain ko tsaka umalis.


"Hindi ka na ba talaga magbabago?" Mahina pero may galit sa boses ni papa. Tumingin ako Kay mama.


"Maliligo lang po ako ma."



"Sige anak."



"Huwag kang bastos Casey!" Sigaw ni papa.



"Ano ba un?"


"Ano ba un?" Galit na ulit ni papa sa sinabi ko. Lumapit sya sakin at sinampal ako.



"Honey!" Awat ni mama Kay papa.



"Lumalaking walang patutunguhan tong batang toh! Umayos ka Casey!"



"Wala kasi kayong alam!" Sigaw ko. "Hindi nyo alam ang pinagdadaanan ko!" Agad akong umakyat papuntang kwarto.


**

Nang makarating ako sa school na pinagtatrabahuan ko ay agad akong dumiretso sa classroom ni Joan. Nag good morning sakin ang mga batang palabas ng classroom, kakadismissed lang kasi ng klase nya.



"Oh Casey bakit ngayon ka lang? Nag-aantay sayo ung mga estudyante mo." Umupo lang ako sa isa sa mga upuan na nandun.



"Ikaw ba ung iniyakan ko nung party?" Tanong ko.


"Huh? Hindi ka naman umiyak nung party nakipag-away ka lang."



"Alam ko may sinabihan ako ng problema ko, tas umiyak ako... Hindi ba ikaw un?"



"Hindi, Baka si Laurene buhat buhat ka kasi nya papuntang resort, nagpasama ka daw tas nakatulog."



"Laurene?"



"Classmate natin nung college. Grabe bakla ang ganda ganda na nya. Muka ngang model eh tas nag-aaral pa sa law school. nakakahiya nga kasi nadumihan mo pa ata ung mamahalin nyang suit." Bigla ko namang naalala ung nangyari dahilan para mapasigaw ako.



"Bakit?"



"Akala ko ikaw ung nasabihan ko ng problema ko." Tawa naman sya ng tawa, natigil lang un nang may magulang na galit na pumasok sa classroom nya.



"Good afternoon ma'am. Ano pong kailangan nila?" Tanong ni Joan.



"Ikaw ba  si Joan?"


"Opo, ako nga--"


"Sino ka para ibagsak ang anak ko? Kilala mo ba kami ha?! Malaki ang donasyon na ibinibigay namin sa school na toh tas ibabagsak mo lang si Donny." Agad naman akong tumayo.



"Teka lang po... Hindi nyo naman po kailangang sumigaw." Singit ko.


"Ehh sa gusto Kong sumigaw eh."



Memories With Casey (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now