V

44 2 2
                                    

After that day na pinuno ako ng flash backs and everything, naging okay naman ang mga sumunod na araw, linggo at buwan. Iniiwasan ko na lang ang mga bagay na pwedeng mag paalala. Linilibang naman ako ni Ian e at natutuwa ako sa effort nya.

Hindi ko na rin namalayan na December na pala. Kaya pala malamig na sa labas at bawat kanto na may convenient store e maririnig mo na ang mga popular songs ni Jose Mari Chan. Ang malamig nyang boses kasi ang hudyat na mag papasko na. 'Sing lamig ng paligid.

Hindi rin nag paawat si Tita Lyn sa pag lagay ng mga Christmas decorations sa bahay. Mula umaga syang naglinis at sa hapon nama'y sinimulan nyang itayo ang Christmas Tree. Dahil sa hindi naman ako mahilig sa pag decorate e inako ko na lang ang pag luluto para naman pagkatapos nyang mag pakabusy e kakain na lang sya. Nag luto ako ng tinola na tamang tama sa malamig na gabing iyon.

Ang sarap ng luto ko! Paano ko nasabi? E nakakailang kanin  na ata si Tita, sa pag kakaalam ko diet sya, pero sa luto ko hindi uso ang diet.

"Pwede ka na mag asawa Ey!"

"Tita naman wala nga akong boyfriend e, asawa agad."

"Edi mag boyfriend ka!" Sabay ngiti.

Heler tita di pa nga ako makapag move on e. At ayoko naman manggamit ng ibang tao. Sana nararamdaman mo ako noh.

Pag katapos namin kumain matik na ang susunod na pangyayari, ako maghuhugas. Kaya naman inayos ko na ang mga pinag kainan namin. Pero nagulat ako ng inako ni tita ang pag huhugas.

"Ey, wag na ako na nyan. Ayusin mo na lang gamit mo."

"Ayusin gamit? Bakit po?"

Kinabahan ako bigla sa sinabi nya. Yung kabang may kirot, na hindi ko alam kung bakit.

"Uuwi tayo sa probinsya. Mag impake ka! Yun ang gusto kong sabihin."

"Tita bakit tayo uuwi? Bakit pa tayo nag decorate kung uuwi tayo?"

Ramdam sa boses ko yung nginig yung takot yung boses na di mapakali. Madami akong tanong, naghahanap ako ng dahilan. Dahilan kung bakit kung kelan naman on the way na ang pag kimot e eto nanaman, ibabalik pa ako sa lugar na tinakasan ko.

Para bang yung preso sa kulungan na handa ng tumakas, na malapit na sa katotohanan pero nahuli pa rin at pinipilit na ibalik sa selda. Ibabalik sa lugar kung saan sya tumakas. Ang lugar ng pag iisa, lugar ng kalungkutan at lugar ng pagkakalugmok.

Bakit? Bakit ngayon pa?

"Hoy! Anu iniisip mo? Sabi ko mag empake ka na at maaga tayo bukas. Tska wag ka mag alala sa mga dekorasyon dahil dito sa Bagong Taon."

Ayun ilang araw lang kami dun.

Pero ilang araw pa rin yun. Madaming pwede mangyari. Pano kung mangyari ang pinakaayaw ko? Paano kung di ko na kayanin? Hindi pa ako handa!

I want to scream my lungs out!

Pero no choice ang bida nyo, kelangan sumunod. Kelangan mag impake. Kelangan umuwi at ang pinakamahirap kelangan tanggapin ang mga pwedeng mangyari.

Dahil sa hindi ako mapakali, tinawagan ko si Ian. Ang aking pampakalma.

"Hello Ian"

"Oh Ey?!"

"Big prob..."

"Ano yun?"

"Uuwi kami sa probinsya bukas!"

"Ano namang problema dun e ayos nga at makakasama mo ang pamilya mo."

"Ano ba Ian, hindi mo ba makita yung problema??

May chance na makita ko si..."

"Si Joey??? Problema ba yun?? Edi kalimutan mo na kasi.."

"Hindi yun ganun kadali alam mo yan! Ilang buwan ko ng sinusubukan. Napakainsensitive mo ngayun! Haist!"

"Sorry naman. Oh sya anu gusto mu gawin ko? Sumama pauwi?"

"Bright idea my one and only bff!", this time nabawasan ang kaba ko at ang inis na naramdaman ko kanina dahil sa pagiging insensitive nya.

Ian never failed to make my day fine. Bakit nga ba hindi ako nainlove sakanya e total package na sya. Kung ganyan lang sana ang mga nagiging boyfriend ko. Kung ganyan lang sana si Joey. Buti na lang at walang jowa si Ian kaya wala syang pinagkakabusyhan.

"Sige na, mag ayos ka na ng gamit at matulig ka na. Kita kits bukas. Thank u!"

Whooh nakahinga ako ng konti. Goodluck na lang sa akin.

--------------------------

A/N:

Wew! NKKLK naman talaga ang mga nangyari. Ano kaya ang gagawin ni Eyan? Makakaya nya kaya ang mga mangyayari? Makikita nya ba ang mga hindi dapat? At kelan kaya mag kakaroon ng lakas ng loob si Ian na sabihin ang tunay nyang nararamdaman? Ang pag uwi ba nila ang makakapag pabago ng ikot ng istorya?

Abangan :))))

Please keep updated, kahit medyo di ako laging nakakaupdate hehe :))) its been a while but I promise babawi ako.

Please leave a comment. Dont forget to vote.

Thanks guys!

(Like the new cover?)

-Roxie Grace ❤❤❤❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"One-Sided"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon