Dear Diary, 1/18/17Hello, Diary! Hay! Alam mo, birthday ngayon ni Jackson. 15 na siya! Kanina nga, may kasama siyang girl na ka-same age lang niya eh! Hindi ba naman ako ininform! Iiyak sana ako kanina buti na lang andun si Juliana, ang pinaka-best friend ko! Inilabas ko sama ng loob ko kay Iana kanina, pero hindi lang ito nagsalita, in short NO Comment. Pero pinatawad ko naman si Jackson eh.. Hindi ko kayang magtampo sa kanya ng matagal, baka hindi na niya ako tuluyang pansinin.
Alam mo diary, crush na crush ko talaga si Jackson. Hindi nga lang niya alam. Sabi nga ni Kuya Unknown, hindi daw kami bagay ng bestfri----
Bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko at nakita kong si Tatay lang pala. Ang ulo lang niya ang nasa loob ng kwarto pero the rest of his body ay nasa labas. Itinabi ko ang diary sa study table na nasa gilid ko lang.
Napatawa naman ako dahil madalas itong gawin ni Tatay para gumaan ang nararamdaman ko. Ang baba ba ng kaligayahan ko? Asthmatic kasi ako eh. Anong konek?
Wait! For a while, let me introduce myself formally.
I'm Abbies Kayle Gutierrez! 13 years of age and I live at Quezon City, Philippines! At ako'y may kasabihan na kung maganda ako, sa'kin na lang 'yon!
Ay! Sorry, not sorry!
Sabi nga ni Nanay, bagay daw sa'kin sumali ng mga pageant, introduction ko pa lang, pang finale na! Tutol naman si Tatay kasi 13 years old pa lang ako at walang kamuwang-muwang sa mundo ng beauty pageant. At baka pagpiyestahan daw ako ng mga lalaki doon sa bata kong edad. Si Kuya Unknown naman, walang pakialam 'yun sa'kin. Kabarkada pa nito si Jackson, hindi na ako nagtaka kasi pareho naman silang mga bully!
"Darling, hindi ka pa ba tapos diyan sa isinusulat mo sa diary? Gabi na kasi, darling eh! Baka atakihin ka ng mga monsters, tapos tatakutin ka nila para hindi ka na makatulog! Sige ka!" pananakot ni Tatay sa'kin.
Napasimangot na lang ako bigla sa pananakot niya. "'Tay naman eh! Hindi na ako bata nu! Malapit na kaya akong mag-fourteen! It means po 'Tay, malapit na akong maging teenager. Inaasar at tinatakot mo pa rin ako na parang baby! Parehas kayo ni Kuya Unknown!"
Pumasok si Tatay at tinabihan ako sa higaan. Hinaplos niya ang buhok ko ng marahan habang nakangiti. Si Tatay, seryoso itong tao sabi ng mga empleyado sa company. Hindi ko naman alam kung ano ang empleyado!
Sinabi kasi ni Daddy Guardo sa'min 'yun, ang pinakamamahal naming driver.Ang alam ko lang kasi, binubuo ang company na may isang masungit na boss at employees na nagtatrabaho sa boss. Sabi kasi ni Tatay, dapat mag-aral kaming mabuti ni Kuya Unknown kasi paglaki namin, kami daw ang hahawak ng pinakamalaking food company sa bansa. Ang Gutierrez International Group of Companies.
Uhmmm... Foods! Hindi na kami nito magugutom! Tapos kung gutom si Jackson, kukuha ako ng food sa company ni Tatay. Kaso sabi ni Tatay, dogs ang mga consumers nila.
Naniwala naman ako kasi sinabi ni Tatay 'yun at, siyempre ni Nanay. Kaso bigla akong tinakot ni Kuya. Huwag daw akong maniwala na mostly dogs ang consumer nila.
"Ipapakain mo kay Jackson, dog food? Abbies, are you in your right mind? Aso ba para sa'yo ang kaibigan ko? *insert sarcasm daw*"
Ano kaya ang consumer? Baka name ng product. Hay! Kung kasing-talino ko lang si Kuya Unknown, baka hindi na nila ako tatawaging Slow poke.
Sabi nga ni Nanay at Tatay, 'wag mawalan ng pag-asa. Napangiti ako habang hinahaplos pa rin ni Tatay ang buhok ko ng marahan at kinakantahan ng lullaby song.

YOU ARE READING
Diary Ng Umaasa
Romance"All this time, I'm hearing lies? Really?Coming from you? I thought it was happiness but lies and regrets, why?" "Please, let me explain. I'm begging you, please hear my words," lumuhod ito habang ang mga mata ko ay nagsimula nang lumuha. "I'm enoug...