Diary 7

24 0 0
                                    

Kaluwalhatian sa inyo! I'm back! Sorry sa hindi pag-update ng ilang months!♥️  Sana maenjoy niyo!lovelots ✨

***

Third Person's POV

"Ginang Celena,kaluwalhatian sa iyo.Ako po ay nandito dahil ako ay inyong ipinatawag," nakayuko ito habang sinasambit ang pagbati sa ginang.

Tumango si Ginang Celena at umupo sa isang napakagandang upuan gawa sa puno ng narra.

"Anak,ikaw ba ay may katanungan ukol sa mga misyong ibinigay ko sa iyo?"

Itinaas ni Carter ang ulo at kapagkuwan ay tinignan ang Ginang sa mata na puno ng pwersa.

Sambit ni Carter, "Hindi ko lang po maintindihan kung bakit kailangang gumawa ng bagong halimuyak. Hindi ako makahanap ng rason kung bakit kailangan kong gawin ang mga misyong ito."

Nakangiting tumango ang Ginang. Pruweba na nagagalak ang ginang sa mga katanungan ni Carter.

"Wala kang kamalayan na ang mga misyong ito ay magpapatungo sa landas na dapat mong tinatahak. Hindi kita masisi pero ang kahilingan ko lang ay gawin mo ang makakaya mo na mahalin ka nang batang nasa misyon mo."

Hindi pa rin maintindihan ni Carter. Anong landas ang dapat ko bang tahakin? Bakit kailangan kong isakripisyo ang aking oras para ako'y mahalin ng batang babae na nasa misyon ko?

Umiiling sa Carter pero ay napatigil nang may sinambit na mga salita si Ginang Celena na makakapagpabago sa takbo nang buhay ni Carter.

"Ang bagong halimuyak ay makakatulong sa iyo. Wari ko'y hinahanap mo ang iyong ina. Ito ay may kapangyarihan,at ito ay ang makasagot ng kahit anong kahilingan,kahit ang mga imposibleng hiling," paliwanag ni Ginang Celena.

Hindi makapaniwala ang sulterong lalake sa paliwanag ng Ginang.

....

Nagising si Abbies nang mga hapon na at bumaba galing sa kanyang kwarto.

Lumaki ang kanyang mga mata nang makita ang mga favorite foods niya sa hapag-kainan.

Nilapitan ni Abbies ang kanyang Mommy Milda na busy sa pag-aayos nang mesa.

"Mommy, bakit maaga pa tayo kakain?"

Tumingin ang Mommy Milda, "Anak, may pupuntahan ka raw. Kaya pinahanda na ito ni Tatay Kace at Nanay Hallie kahit papaano ay makakain pa tayo nang magkasama."

Maganang tumango si Abbies sa tinuran ng kanyang Mommy Milda. I love my family talaga!

....

Habang kumakain sa hapagkainan ang pamilyang Gutierrez, hindi mapakali si Abbies dahil kanina pa inoobserbahan ang bawat galaw niya.

Ang Tatay niya ay mariing nakatitig habang siya ay kumakain. Kuya Unknown niya naman ay busy sa binabasa nito habang kumakain at binabantayan din ang galaw niya. Sina Nanay at Mommy Milda naman ay parang naweweirduhan na sa mga ginagawa ng dalawang lalake sa bahay.

Hindi na matahimik ang Nanay ni Abbies at ito'y tumayo.

"TATAY. KUYA UNKNOWN. Anong ginagawa niyo? Hindi ko alam kung busy kayo sa mga ginagawa niyo but you're acting a little creepy on Abbies!" mahinang sabi ng ina.

Tahimik na napahalakhak si Abbies habang sinesermonan ang Tatay at Kuya Unknown niya.

I know they are just being protective. Awww...

*****

Abbies Kayle's POV

"Nanay,tama na po sa sermon. At Tatay,Kuya Unknown huwag kayong mag-alala, friendly date lang po ang gagawin namin ni Jackson. Just trust me!" ani ko.

Diary Ng UmaasaWhere stories live. Discover now