Diary 6

21 1 0
                                    

A bright flash appeared... And disappeared after a blink. Ano 'yon? I keep seeing bright flashes and unreal stuffs.

I grabbed my phone and checked kung sino ang tumawag sa'kin. It's an unknown caller, base on what I heard from the call it was a guy. Hay! Sa sobrang stress ko siguro, nabubuang na ako.

I called Kuya Unknown to check if he has the same voice sa tumawag sa'kin but nah, hindi sila parehas.

I ignored na lang kasi marami pa akong gagawin. I decided to have a call meeting with my friends Leanna and Heaven. May project na naman kasi kami.

And good news! Dad already allowed me to go to Jackson's friendly date kuno.

...

Tumunog bigla ang intercom ko sa kwarto, si Mommy Milda pala.

"Anak, baba na. Tayo'y maglu-lunch na."

Hindi ko namalayan na gabi na pala, 12 o' clock in the afternoon. I was busy processing sa mga nangyari sa'kin kanina. It was very very odd!

I'll write na lang sa diary ko. I decided to clean up first before going down.

I saw Nanay and Tatay on the table with  Kuya Unknown. Hindi naman sila nag-uusap, nagtitinginan lang. Weird naman hahaha!

When I was about to take a seat, nagsimula nang mag-usap sila ni Nanay at Tatay.  Binibigyan pa ako ng tingin.

Hmmm ....

Sila naman oh! Nagtatampo na naman sila.

Tumayo muna ako saglit at lumapit kay Nanay at Tatay para hagkan silang dalawa.

"Nay, Tay. Ako pa rin 'to! Ang nag-iisang prinsesa niyo, si Abbies! Nagtatampo na naman kayo eh." sabi ko sa kanila.

"Nagtatampo kami nang Nanay mo kasi magda-date ka na. Ang only girl ng family namin,dalaga na!" pagkatapos ay umacting na umiiyak. Tinawanan na lang namin ang ginawang pag-iyak ni Tatay.

Pagkatapos ay ako na nag-lead ng dinner's prayer at masaya kaming kumain ng magkasama.

...

Pagkatapos kong kumain ay nag-toothbrush na ako sa main cr sa baba. I kept seeing weird things these past few days and I can't explain kung bakit nangyayari sa akin iyon.

Napakamot na lang ako sa ulo and I talked to myself on the mirror.

"Nabubuang ka lang talaga Abbies. O baka excited lang ako dahil may date kami ni Jackson?Oh... nevermind."

Hindi ko maiwasan na isipin kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ako nagde-delusion lang,kagaya nang nagyari noong last time hindi sila gumalaw.

Ipinilig ko na lang ang aking ulo habang nagtu-toothbrush. Marami pa akong school works na dapat alalahanin at tapusin,and may upcoming friendly date pa ako kasama si Jackson.

Pagkatapos kong mag-toothbrush ay umakyat na ako sa second floor ng bahay papunta sa aking kwarto.

Pagkapasok ay inihagis ko na ang aking katawan sa kama at ipinikit ang aking mga mata para umidlip.

...

Third Person's POV

"Hoooyyyy! Gising na! Pinapatawag ka na ni Ginang Celena!"

Matinis na tinig ang naririnig ni Carter na nagpapagising sa mahimbing niyang iglip. Malapit itong tinig sa kanyang tainga kaya tinampal niya ito para tumigil na sa kakagambala ng tulog.

" Ahhhhhh! Salbahe ka talaga Carter! Isusumbong kita kay Ginang Celena mamaya!"

Napatawa siyang nagising at binuksan ang nakakuyom na kamao,senyales na upang pumunta si Bibu,ang cute na kasama ni Carter,sa kanyang palad.

"Bibu naman kasi eh! Ano pa bang kailangan ni Madame Celena? Nagawa ko na ang pinapagawa niya noong isang araw lang," saad ni Carter habang kamot-kamot ang ulo.

Binatukan ni Bibu si Carter gamit ang kanyang mga maliliit na paa,na katumbas ng isang kamay ang lakas.

"Aray naman, Bibu!"

"Bagay lang talaga sa iyo iyan Carter! Ilang beses ba naman kitang tinawag para gumising at maghanda sa pagdiriwang ng Araw ng Halimuyak ni Ginang Cielena!" naka-pameywang pa nitong sabi kay Carter.

Kumunot ang nuo ni Carter at hindi na nag-dalawang isip na magtanong kay Bibu.

"May ginawa na namang halimuyak si Ginang? Akala ko ba'y titigilan muna natin siya?"

Napaiwas ng tingin si Bibu.

" Hindi ko alam,Carter. Kahit ako ay nahihirapan na sa mga misyon na ibinigay sa iyo ni Ginang Celena. Basta isinugo niya lang ako para gisingin ka kasi may piyesta ngayon..."

Napailing na lang si Carter. Hindi niya alam kung anong rason na naman ngayon ni Ginang Celena kung bakit may ginawa na naman siyang bagong halimuyak.

Kanino niya naman ito gagamitin?

"Iparating mo itong mga sasabihin ko,pupunta na ko." Tumango na lang si Bibu.

Tumayo na si Carter sa pagkakaupo sa kanyang higaan. At nagsimula na siyang mag-ayos.

Hindi niya pa alam kung saan na naman gagamitin ang bagong halimuyak na gawa ni Ginang Celena,pero may hinala siya na sa taong misyon nito gagamitin.

....
Nagdidiriwang ang lahat sa maliit na lugar ng Araw ng Halimuyak kung ang pinakamagaling na taga-gawa ng mga mahiwagang bagay ay gumawa ng  halimuyak.
....

#dnu ❤️

Diary Ng UmaasaWhere stories live. Discover now