"Hoy, gising na!" sigaw ng hindi ko kilalang tinig.
Minulat ko ang aking mga mata at tinignan kung sinong hangal ang gumigising sa akin.
Wala akong may nakita, at baka guni-guni ko lang iyon o kaya pinaprank ako.
Bumangon ako at kinuha ko agad ang aking cellphone na nasa gilid lang, tinignan ko nang mariin ang aking cellphone habang tina-type ko pa ang mahaba kong pangalan, bilang password ko.
Hinanap ko ang calendar na app sa aking phone at inalam kung anong petsa na ngayon.
May nagsabi ba sa inyo na sukot ang istoryang ito? Walang patutunguhan itong storyang ito kasi, ang pangit! Kung ako sa iyo, huwag mong basahin!
At kung may nagbabasa pa neto, THANK YOU PO!January 20, 2017 ang petsa ngayon. Nagising pa ako nang maaga kasi kahapon, ang dami ng mga ginawa ko. Pagkauwi namin galing simbahan ay nag-ayos na lang ako at natulog, hindi na ako nag-abala pang kumain ng hapunan.
Meron pa akong isang oras para mag-ayos ng sarili, 5:59 am na at ang oras ng pasok ko ay 7:30 am. Naglakad ako papunta sa gilid ng pintuan at pinindot ang intercom para matawagan si Mommy Milda.
Pagka-pindot ko pa lang ng button ng intercom ay narinig ko na agad ang boses ni Ate Kyeuti, bago naming kasambahay.
"Good morning ma'am/sir, what can I do for you?"
Natawa naman ako sa kasiglahan ni Ate Kyeuti. Pinindot ko ulit ang button para makasagot.
"Good morning, Ate Kyeuti! Pwede po padala sa kwarto ko ang breakfast?"
Hindi na ako bababa kasi nakakatamad na. Uubusin ko na lang ang aking enerhiya sa pagbaba mamaya pagkatapos kong mag-ayos.
"Ay, good morning bebe gurl! Oo naman! Ano bang gusto mong i-breakfast?"
Nag-isip ako ng mabilisan kung anong ipapaluto para sa breakfast. Hmmmm....
Napatawa ako bigla dahil may naisip akong kalokohan.
Kumuha muna ako ng hangin at, ibinugha ito.
"Ate Kyeuti, pwede siya?"
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Ate Kyeuti. Kung wala lang siguro si Mommy Milda na nag-uutos sa background, baka kanina ko pa narinig ang malakas na halakhak ni Ate Kyeuti.
Nagpaluto na lang ako nang bacon at hotdog, tiyaka sinangag para sa pang-breakfast ko. Habang hinihintay ang breakfast sa food elevator, kinuha ko muna ang aking journal at ipinagpatuloy ang isinusulat ko kahapon.
Napabuntong-hininga ako sa aking mga isinusulat. Tila ba'y patuloy pa rin ang kaguluhan sa aking utak dahil sa mga nangyari kahapon.
Dear Diary,
1/19/17Hi diary! May sasabihin sana ako sa'yo.... Alam mo, confused pa rin ako. Hindi ko pa natatanong si Tatay kung agree ba siya sa anyaya sa akin ni Jackson na date. Si Jackson ang umaya sa akin, hindi ko naman mahindian.
'Yung pinoproblema ko lang ay kung ano ang magaganap sa friendly date na iyon. Siguro naman ay magiging maganda ang paanyayang date kuno ni Jackson. Isa pa diary, pinoproblema ko din 'yung nangyari noong isang araw. Nag-away sila ni Kuya Unknown at Jackson kahapon, ang awkward nga eh.
Wala na masyado akong maisusulatt dito, diary. Marami na akong pinoproblema sa school, dumagdag pa sila. Malapit naman akong mag-14, baka umoo naman si Tatay. Diary, baka dito lang muna ako ah...
Unknown's POV
"Unknown, anak! Tawag ka nang Tatay mo," rinig kong sigaw ni Mommy Milda.
Kanina pa ako nanonood ng Stranger Things sa Netflix. Pinatay ko na lang ang TV habang inaayos ang hinigaan kong sofa. Ang mga nagkakagulong pillows ay inayos ko at pagkatapos noon ay pinuntahan ko na si Mommy Milda sa kusina. Dala-dala ko ang bowl na kanina'y may chips pa.
Nang nakita ko si Mommy Milda ay medyo ginulat ko siya.
"Naku kang bata ka! Nanggugulat ka pa, akala mo sa akin siguro ay tineydyer pa."
" 'Yung iba, 'pag nanggugulat natatawa pa, ikaw mukha kang pinagsuklaban ng langit na bata ka!"
Bakit naman ako matatawa, hindi naman nakakatawa mukha ni Mommy Milda. Bumalik na lang ako sa aking kuwarto. Magmumuni-muni muna ako doon.
Pagkahiga ko ay may naramdaman ako sa may ilalim ng kumot. Tamad ko itong kinuha habang nakahiga.
A folded paper.
Hindi ko na binuksan kasi baka basura lang. I tried reaching my phone under my pillows, sobrang bored ko na. And took my airpods para magsenti.
Author's POV
Kinuha ni Unknown ang kanyang phone sa ibabaw ng kanyang study table at nagpatugtog.
He closed his eyes, mind and lips. He wants to feel the melody coming from the song he's listening to.
Kyiara Benshaun.
He suddenly opened his eyes because of that thought.
"Kyia...." he whispered under his breath.
-end-
....
"Abbies, asan ang Kuya Unknown mo?" tanong ni Tatay sa'kin.
"Nasa kuwarto niya siguro 'Tay. Hindi ko lang sure," sagot ko kay Tatay habang nagtatahi.
Tumango naman sa'kin si Tatay at umakyat na sa hagdanan. Nasa sala kasi ako. Pagkatapos kong magsulat ng thoughts ko kanina sa diary ay bumaba na ako para tapusin ang tinatahi kong scrunchies.
Malapit na kasi ang birthday ni Heaven, and as a gift for her, I'll just give her the scrunchies I made. Nagtahi na din ako nang panyo para kay Jackson if ever na matutuloy ang date namin.
*ring*
May tumatawag!Agad kong tinignan kung sino at nakita ko na Unknown Caller ang tumatawag sa'kin. I declined it baka kung ano 'yun. My phone rang again,hindi na ko tumingin kung sinong tumatawag baka si Heaven lang 'to or si Leanna.
"Hi..." A guy with a baritone voice said.
Kinilabutan ako.I tried to end the call but I can't. Ilang saglit ay nahilo ako bigla at ang liwanag na nakita ko nung last time ay bumalik na naman.
My jaw dropped with what I've seen.
-End-

YOU ARE READING
Diary Ng Umaasa
Roman d'amour"All this time, I'm hearing lies? Really?Coming from you? I thought it was happiness but lies and regrets, why?" "Please, let me explain. I'm begging you, please hear my words," lumuhod ito habang ang mga mata ko ay nagsimula nang lumuha. "I'm enoug...