6 years ago...
"Putsi! Halika rito! Laro tayo!"
Tumakbo ito papunta sa 'kin habang ang kanyang dila ay nakalabas.
"Arf arf arf," tahol ni Putsi.
Ang cute-cute talaga ni Putsi! Gift sa' kin ni Tatay at Nanay nang mag-eighth birthday ako.
Si Putsi ay isang pomeranian dog. Kulay puti at fluffy! Siya ang madalas kong kalaro kasi wala naman gustong makilaro sa 'kin.
Buti pa si Kuya Unknown, madaming friends. Ako nga, si Putsi lang ang friend ko eh. Sa school nga, maraming nambu-bully sa' kin doon kasi iba daw ang mata ko sa kanila.
Kulay asul ang aking mga mata. Sabi ni Nanay, katulad ng kalangitan, minana ko ang kulay ng aking mata kay Tatay. Si Kuya Unknown, kulay luntian ang kanyang mga mata, kagaya ng mga magagandang puno at halaman, namana niya ito kay Nanay.
Tapos, minsan binubully nila ako kasi slow poke daw ako. Hindi ako madaling maka-cope up sa mga lessons kasi minsan, nag-iimagine ako ng mga bagay-bagay.
Pinat ko ang ibabaw ng ulo ni Putsi. Sabi ni Kuya Unknown, pangit daw ang ipinangalan ko sa aking napa-cute na aso. Puto sana ang kanyang pangalan pero, sabi ni Tatay, baka tuluyang maging puto si Putsi kaya naging Putsi ang pangalan niya para hindi na siya tuluyang maging Puto!
"Anak, Abbies. Tawag ka ng Nanay mo. Punta ka sa loob at nandoon ang 'yong Nanay at may bisitang kasama." sabi ni Mommy Milda nang ihatid niya ang pagkain ni Putsi.
Inilagay ni Mommy Milda ang dog food na nasa lalagyan sa damuhan, at si Putsi naman ay agad nilantakan ang pagkain.
Nakaluhod pa rin ako at tinitignan si Putsi na kinakain ang pagkaing hatid para sa kanya. Mukhang tataba pa lalo si Putsi ah!
Itinaas ko ang aking tingin papunta kay Mommy Milda at tumango ng may ngiti sa labi.
"Opo, Mommy Milda. Pero, pwede po bang samahan niyo ako papunta roon? Nahihiya po kasi ako dahil po may bisita." nahihiyang turan ko kay Mommy Milda.
Napailing ito nang ulo na may ngiting guhit sa mga labi at pagkatapos, marahang isinuyod ang aking buhok gamit ang kanyang mga kamay.
" Oo naman, anak. Ako'y nababahala kung bakit ikaw ay tila nahihiya kapag may bisitang pumupunta sa ating bahay? Siguro dahil baby ka pa, at ayaw mo lang na may umaway sa iyo, ano?" tanong ni Mommy Milda habang marahan pa rin hinahaplos ang aking buhok.
Tumango ako sa tinuran ni Mommy Milda. At yumuko dahil baka pagtawanan ako sa aking ginawang pagtango. Pero, hindi nangyari iyon.
"Salamat, Mommy Milda! I love you po!"
YOU ARE READING
Diary Ng Umaasa
Romance"All this time, I'm hearing lies? Really?Coming from you? I thought it was happiness but lies and regrets, why?" "Please, let me explain. I'm begging you, please hear my words," lumuhod ito habang ang mga mata ko ay nagsimula nang lumuha. "I'm enoug...