Chapter 6
“Kahit gaano pa kasakit ang dumating mananatili paring matibay ang taong nagmamahal.”
Sana ito nalang mangyayari sa lahat ng taong nakararanas ngayon ng pagkabigo ng dahil sa pag-ibig.
At sana ‘wag silang mawalan ng pag-asa na darating din ang panahon na makakamit din nila ang pag-ibig na nais nila sa isang taong mahal nila.
Inaamin ko sa inyo aking mga mambabasa na ako’y napaluha na rin ng dahil sa pag-ibig masakit talaga ito kaya naiintindihan ko kung ano man ngayon ang pakiramdam ni Melvin.
Kaya naman nating itago ang sakit na ating nararamdaman, maaari itong itago sa ating mga ngiti at tawa ngunit ito’y panandalian lamang dahil daratimg talaga sa point na ika’y luluha.
Kahit anong pigil mo ay hindi mo talaga mapipigilan ang pag-agos ng iyong mga luha.
Melvin’s (POV)
Dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko nung sabihin sakin ni raymond na sila na nga ni Jennifer ay nagpasya na akong umalis upang hindi nila mahalata na nasasaktan na ako.
Ginawa ko nalang excuse na hinahanap ako ni Mama upang makaalis ako.
Pero ang totoo ay umalis ako ng walang deresksyon, tila pa wala ako sa aking sarili at hindi ko alam kong saan ako pupunta.
Hirap na hirap na talaga ang damdamin ko sa mga oras na iyon, nais kong ilabas ang lahat ng sakit, ngunit batid ko na hindi sapat ang aking mga luha upang maalis ang sakit na aking nadarama.
Pakiramdam ko na walang nag-mamahal sa akin (except sa mama ko), pakiramdam ko ay naiwan ako sa eri ng walang kasama at luhaan.
Ahhhhhh!!!!!ahhhhh!!!!! ang tanga! Tanga mo talaga Melvin..sh***t.. damn me!!!,,,
Galit na sabi ko sa aking sarili habang nagda-drive ako, ..
After a while my nakita akong isang bar, hininto ko ang kotse ko at nagpasyang pumasok sa bar.
Uminom ako ng uminom hanggang sa malasing ako ng sobra at dumating sa punto na natumba ako dahil sa kalasingan. Nawalan ako ng malay at hindi ko na nalaman ang mga sumunod pang-pangyayari. Nagising nalang akong nakahiga sa loob aking kotse.
Kaya naman nag drive na naman ako muli kahit na lasing pa ako at medyo nadudoling pa ang aking paningin, na puno parin ng mga luha.
“yan na ang napala mo Melvin, it’s all your fault, dahil sa sobrang ka duwagan mo ay nawala na ang taong pinakamamahal mo,..
BINABASA MO ANG
"Heartthrob vs. Famous Girl"
Teen FictionAng storyang ito ay tungkol sa isang tao na umibig sa isang babae na sikat sa kanilang skwelahan. Gusto talaga niya ang babaeng ito, ngunit namamayani na sa kanyang puso ang sakit na muling masaktan ng dahil sa pag-ibig kaya naman ay pinili na laman...