Zaretcaia's POVAng motor ko. 'Yon lang ang naisip ko sa buong magdamag na nasa biyahe kami ni Keller gamit ang sasakyan niya. Syempre, nag-aalala ako sa sugat niya pero ngayon ko lang rin naalala ang motor kong naiwan dahil basta nalang akong sumunod sa kaniya.
I sighed deeply. Maybe I can go back after I treat his wound. Hindi naman siguro ako aabutin ng isang oras do'n dahil wala namang bala na bumaon. Daplis lang naman.
"What are you thinking?" Basag ng kasama ko sa katahimikan kaya medyo napaigtad ako sa gulat.
Akala ko hindi na siya magsasalita pa.
Umiling-iling ako. "Wala." Sagot ko at tumingin sa labas.
Ilang minuto pa naman simula nang umandar ang sasakyan niya pero feeling ko papunta na kaming baguio sa haba ng biyahe.
"Ouch." Daing ni Keller kaya mabilis akong napatingin sa kaniya at agad na tinignan ang sugat niya.
Napakagat ako ng labi nang makitang marami pa ring dugong umaagos kahit na may inilagay na siyang tela para hindi gaanong mabilis ang pag-agos.
Puno ng pag-aalalang tinignan ko siya na nakatingin na pala sa'kin. "Pumunta na kaya tayong hospital? Baka mawalan ka ng dugo."
Isang iling lang ang sinagot niya. "I can manage."
I started to get pissed on his reasons. Nonsense reasons to be exact. "Okay ka naman pala eh bakit pinapagamot mo pa sa'kin? So anong gagawin ko pala?"
He can manage naman pala may pa treat my wound treat my wound pa siya. Bahala siya sa buhay niya.
Tumikhim ito saka umayos ng upo na para bang nahihirapan siyang umupo kanina. "I can manage... with a little bit help from you."
Hindi na ako nagsalita pa. Kasi naman, nag-aalala talaga ako. It's not that I am the one who did that to him because I really felt guilty but because I am worried that because of protecting me, that happened to himself.
I sighed. Huminto ang sasakyan niya sa isang malaki at mamahaling condominium na mukhang hanggang langit ang taas.
He went out to his car and I followed. Namangha pa ako ng konti dahil may valet na naghihintay sa labas at doon niya binigay ang susi ng kotse niya. It's like we're in a hotel or something. Nice.
Akala ko iiwan na akong mag-isa ni Keller sa labas pero nagulat nalang ako nang hilahin niya ako papasok sa loob. We went on the elevator and he press 30 which means his room is on 30th floor. Wew.
I tried to get my hand away from his hand but failed to do so. When I tried 3 times, he just held my hand tightly, as if never letting go of it.
And that gesture makes my heart tump like crazy. My butterflies in my stomach came and had a party inside. Hindi ko rin alam kung bakit gusto kong mangiti sa simpleng aksyon na 'yon.
But I suppressed myself on becoming transparent. Hindi ko pinahalata ang mga epekto niya sa'kin at sa halip ay inisip ko nalang ang gagawin kong paliwanag pag uwi sa bahay.
Iba pa naman ang mga baliw kong kaibigan, sampung minuto lang maghanap pag nawala ang isang tao at tatawag na ng iba't ibang klase ng ahensiya mapa gobyerno o kasama man sa negosyo.
Napailing naman ako at saktong bumukas ang elevator. Nagulat pa ako nang makitang walang ibang pinto sa floor na 'yon kun'di 'yong nasa may unahan.
"This is my penthouse. This is where I live." Simple pero malalim na pahiwatig ni Keller habang binubuksan ang nag-iisang pintong nakita ko.
I gulped. Naisip ko lang kasi, he said, this is where he live but not home. So therefore, this is not his home. Eh saan talaga siya totoong nakatira?
BINABASA MO ANG
Monarchy Series 1: Keller Romanov
ActionKeller Romanov | Smite Book Cover credits to: @HOE4YAGO