Chapter 6

381 18 0
                                    


Zaretcaia's POV

Disappointment crept on my veins when I saw Mr. Park, Keller's secretary and representative for the transaction. Ilang araw na bang hindi ko siya nakikita? It's been a week and all I could see was his secretary, representative of himself.

I am not a demanding woman and I do understand anything but for this moment, I want to see him and apologize, maybe?

I judged too hard without noticing it. Isa pa, hindi naman ito ang first time na may umamin sa'kin. Nong college nga ako pagpasok ko palang ng campus ay bubungad sa'kin ang mga manliligaw ko at sasabihin sa'kin kung ga'no nila ako kagusto. And then, I will just smile at them and say thank you.

Pero ngayon...

Arhg! I shouldn't let my guard down just because of a man but I couldn't help it! Shit!

"You look tense, you okay Caia?" Tanong sa'kin ni Nunzia at saka ko lang naalala na nandito pa pala kami sa VIP room at nakaalis na 'yong si Mr. Park, secretary ni Keller. "Mula nang dumating si Mr. Park ay naging tahimik ka na tapos hindi ka naman nakikinig sa pinag-uusapan namin. I thought you want to learn how to deal in some business?"

Napanguso ako, hindi alam ang isasagot. I lied to her. The truth was, I just want to see Keller negotiating some deals and also to talk to him but starting on that day he said I will never see him again, he was replaced by his secretary.

Nong una ay inintindi ko dahil baka may importante lang siyang ginagawa pero mag-iisang linggo na at si Mr. Park lang talaga ang nakikita ko.

I never ask Mr. Park where his boss was, I don't have the rights and I don't have want them to give a false hunch.

From this moment, I just want to talk to him and clear some things with him. Ewan ko ba, hindi na ako mapakali mula nang huling beses ko siyang nakita.

"Hey!" Nunzia snapped that made me back from my reverie.

I forced a smile. "Mauna na ako. Masama ang pakiramdam ko eh."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at lumabas na ng kwartong 'yon. Pumunta akong opisina ko at nagbihis.

Umalis ako ng casino ng walang nakakaalam kung saan ako pupunta. I just need to unwind. Hindi puwedeng ganito.

May sarili akong buhay at hindi magandang sa ibang tao ko ide-depende ang bawat emosyon ko.

Seryoso lang akong nagmamaneho ng motor ko nang makarinig ng putukan malapit sa lugar kung nasaan ako. Tinignan ko ang paligid.

Tahimik ang kalsada at walang halos dumadaan. Ambush kaya 'to? Shit! Ayokony madamay!

Ang isip ko ay dapat na akong umalis sa lugar na 'to bago pa ako madamay pero namalayan ko nalang na sinusundan ang palitan ng baril. Shit! Ano bang nangyayari sa'kin?! I can't control my body anymore!

I don't know how many curse I split out as the noise became more closer. Dapat talaga nagpapahinga na ako ngayon eh! Tsk.

Dinala ako sa isang abandonadong building. Naririnig ko pa rin ang palitan ng putok ng baril.

Baka naman pulis lang 'to tapos may operasyon sila? Shit! Baka sabihin pa nila na kasabwat ako ng suspek!

I should really get away from here!

Shit! Bakit ba ayaw makisama ng katawan ko?

Wala na akong nagawa kun'di ang bumaba ng motor ko na pinarada ko lang sa medyo madilim na parte ng lugar.

I tried my best to walk without any noise. Nagtagumpay naman ako nang makapasok sa loob ng building ng walang nakakasalubong na kahit ano.

I looked up when the noise came from the second floor. Mukhang doon sila umabot.

Monarchy Series 1: Keller RomanovTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon