Chapter 4

7 2 0
                                    

Weekend ngayon but Ryza decided to work. May meeting sila with top management.
Kailangan nilang magtrabaho during Christmas break para saluhin ang mga staff nilang hindi
agad naset-up-an ng devices dahil inabot na ng lockdown. Kailangan niyang matapos ang
backlogs ng mga ito para hindi siya mag cram next week dahil madami siyang deadlines para
sa year-end reports. Thrice a week lang naman ang pasok nila. Flexible days din. Kung kailan
nila maisipang pumasok ay pwede pero magleleave pa rin siya dahil birthday na niya sa
Monday.

Nilingon niya ang natutulog niyang ex-slash-new-friend sa mahabang couch. Nakaupo lang ito at nakapatong ang likod ng ulo sa ibabaw ng sandalan at may yakap na throw pillow. Nagkukwentuhan lang sila kanina habang nagtatrabaho siya nang maya-maya ay tumahimik ito, iyon pala ay nakatulog na. Sobrang pagod siguro at wala pa rin itong tulog. Iniisip pa niya kung gigisingin ito nang makarinig siya ng mahinang tunog galing sa cellphone nitong nagvivibrate sa ibabaw ng mesa. Demir calling. Sino naman ito? Tinignan niya si Jayson pero mukhang mahimbing ang tulog nito. Hindi niya kilala ang Demir na iyon. Ito kaya ang girlfriend ng ex niya? Eh ano naman ngayon sa akin? Binalewala na lamang niya at hindi na pinansin pa ang tumatawag.

Tinignan niya ang oras sa laptop. Ala una na ng hapon pero hindi pa siya naglalunch kaya't tumayo na siya para maghanda ng tanghalian pero napahinto siya sa harap ni Jayson. Natutukso siyang pagmasdan ito. Bahagyang nakabuka ang mga bibig nito at medyo nangingitim ang ilalim ng mata. Puyat na puyat si loko ah. Napangisi siya. Her eyes were tracing the fine lines on his forehead and eyes.

Malaki na ang pinagbago ng itsura ni Jayson. He looked mature unlike before na binatang binata ang itsura pero gwapo pa rin naman ito ngayon, iyun nga lang ay pang dad material na. He has a well-defined built, para bang ang tigas ng mga muscle nito at kayang-kaya mag-alaga ng batang makulit tulad ni Cloud. Mukhang sanay na sanay rin ito sa gawaing bahay. Dati ay hindi ito marunong kahit mag hiwa man lang ng prutas pero kanina ay nagulat siya ng balatan nito ang mansanas, samantalang ang utos lang naman niya ay hiwain ito. Ang alam kasi niya ay hindi ito marunong. Iniisip nga niya kanina kung may anak at asawa na ito eh. Pero wala naman itong suot na wedding ring. Pero may possibility pa rin na may anak na ito. Kailangan niyang ayusin ang pakikitungo sa ex dahil baka isang araw ay may sumusugod sa kanyang finacee or legal wife. Nakakahiya pag nagkataon.

Natauhan siya nang bahagyang kumunot ang noo nito at umayos ng pagkakasandal pero nakapikit pa din ito. Umalis na siya doon at nagtungo sa kusina dahil baka mahuli pa siya nitong nakatitig.

Heto na naman siya at hindi alam ang kakainin. Inuna na niya ang pagsasaing matapos nun ay nagbukas siya ng dalawang lata ng sardinas. Inilabas na niya ang ibang sangkap na gagamitin sana niya sa birthday, pero nahihiya naman siya sa bisita kung pakakainin lang ng plain na sardinas. Igigisa niya lang naman ito pero dadagdagan ng tomato sauce at titimplahin para magkaroon ng ibang lasa ang sarsa. Tamang-tama ito dahil makulimlim ang panahon.

Matapos ang halos isang oras ay nakaluto na siya pero nang silipin ang bisita ay tulog pa din ito. But she was surprised to see him already lying on the couch. Wow, feel at home si koya. May apat na oras pa lamang itong natutulog kaya nagpasiya siyang huwag muna itong gisingin. Kumain siya mag-isa at nagsimulang bumuhos ang ulan.

Nang makaligpit na siya sa kusina ay bumalik na siya sa sala. Palipatin ko kaya 'tong kumag na 'to sa guest room? Namamaluktot sa couch, eh ang haba ng katawan niya. Napangisi na naman siya dahil pinagtitripan niya ito sa isip. Nakakatawa kasi ang itsura nito na pilit pinagkakasya ang sarili sa couch. Pero hinayaan na lamang niya itong matulog.

Ilang sandali pa ay bumalik siya sa pagtatrabaho. Paminsan-minsan ay nakakarinig siya ng mahihinang hilik pero saglit lamang at hihinto na ulit ito. Natapos na lahat ang meeting nila
ay tulog pa rin ito at hindi man lamang nagising sa ingay niya kapag nagsasalita siya. Hanggang sa mag-aalas kwatro na ay tulog pa din ito. Maghapon na silang magkasama. Hindi ba ito hinahanap ng girlfriend nito? Hindi na naman ulit tumawag ang Demir eh. She got it off her mind. Mamaya na niya iisipin 'yon. She decided to wake him up dahil hindi pa rin ito nanananghalian. Ngunit nang tapikin niya ang braso nito ay bahagyang napaso siya. Her eyes widened. Nilalagnat si Jayson. Kaya pala kanina pa ito tulog.

Modus OperandiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon