Chapter 3

8 2 1
                                    

Hindi siya makapagdecide kung ano ang uulamin sa araw na iyon. Puro delata at instant noodles na lamang ang natitira. Naubos na din niya ang isang buong manok na ibinigay ng president ng homeowners sa village nila. Tatlong araw na manok ang ulam niya, magkakaiba lang ng luto. Sana next week ay gulay naman at prutas ang ipamigay. Nalimutan din kasi niyang magpabili ng stocks niya kila Jessie noong lumabas sila at inabutan ng curfew. Tanging cereals at dalawang carton ng gatas na lamang ang natitira sa fridge. Kahit naman lumabas siya ay wala naman din siyang masasakyan at baka wala ding bukas na grocery store sa kalapit na village. Ilang araw na siyang nakakulong dito sa bahay at medyo nasasanay na din siya sa pag-iisa. Nagcelebrate nga siya ng Pasko mag-isa eh. Nagskype lang sila ni Jessie noon at ipinakita sa kanya ang mga hinandang putahe. Malamang sa birthday niya ay ganoon din ulit.

Nagulat siya nang biglang may nagdoor bell. "Wow! Sana grasya!" Dali-dali niyang nilabas ito. Isinuot muna niya ang face mask at gloves saka pinagbuksan ang mga tao sa labas. Ngunit isang tao lang pala ito pero at least ay mukhang grasya nga ang dala nito.

"Hello, Ma'am, good morning! Delivery po ng goods from your cousin." ibinaba nito ang facemask sa ilalim ng baba kaya sumungaw ang ngiti nito. Ang gwapo ng delivery guy na ito. Kayang-kaya nitong bumuo ng araw ng mga maharot na tulad niya just by his smile.

"Hey, good morning! Bakit ikaw na naman ang nagdala niyan? Paano ka nakakalabas-pasok sa village namin while lockdown?" Ang tagal din niyang hindi ito nakita. Noong Pasko pa ang huli. Ito kasi ang inutusan nila Jessie na magdala ng niluto nito. Hindi ito nagtagal noon dahil nagmamadali daw ito, mukhang may celebration sila ng pamilya o baka ng girlfriend, kung meron man, dahil bihis na bihis ito noon. Noong araw naman bago mag Pasko ay may pinakuha sila Jessie na gamit sa bahay. Sinamahan niya ito dahil nasa kanya ang spare keys. Nagmamadali din ito noon kaya hindi sila gaanong nakapag kwentuhan.

Bakit kaya si Jayson pa ang ginagawang utusan ng mag-asawa? Minsan tuloy ay siya na ang nahihiya kay Jayson dahil sa ginagawa ng mga ito. CEO pero inuutos-utusan lang nila. Grabe! But the tension between them was already gone. She was sure of that. Wala nang awkwardness. Sariwa na ang hangin whenever they were close to each other at nakakapagpalitan na nga din sila ng ngiti at jokes sa isa't isa.

Niluwagan niya ang bukas ng gate para papasukin si Jayson. Napakunot ang noo niya ng hindi pa ito agad tumitinag sa kinatatayuan. Kaya tinaasan niya ito ng mga kilay para magtanong.

"Two-meter physical distancing po, Ma'am." nakangisi ito. Natawa din naman siya dahil protocol nga pala ang malayong distansya sa isa't isa. Nasanay kasi siyang mag-isa at nasa loob lang ng bahay kaya nalimutan niya iyon. Lumayo siya ng bahagya para maipasok ni Jayson ang mga prutas at gulay sa loob ngunit hanggang doon lamang inilapag ang mga supot, sa unang baitang ng hagdan sa terrace. Madami-dami rin ito, aabot ng ilang araw at perfect sa diet niya.

"Gustuhin ko mang ipasok 'to sa loob kaya lang madami na kasi akong napuntahang lugar. It's not safe for you baka magkalat ako ng virus sa bahay mo. Okay lang ba 'to dito?" tukoy nito sa pinaglagyan ng mga dala nito.

"Ah okay lang. Keri ko na 'yan. Salamat ha? Gusto mo bang mag breakfast muna? Sobrang aga mo eh." Nag-aya ka ng breakfast eh ano naman ang ipapakain mo? Oo nga pala wala na siyang stocks.

"Hindi pa nga eh, pero bibili na lang siguro ako pag may nadaanan na drive-thru." Akmang lalabas na ito ng gate.

"Naku malayo pa ang fast food dito. Tara na, dito na lang tayo magbreakfast sa terrace." She couldn't understand pero ang gaan na ng pakiramdam niya kay Jayson. He was like an old friend. Iluluto na lang siguro niya ang spam dahil mayroon pa namang slice bread. Ngunit hindi pa rin sumagot si Jayson sa invitation niya. "Huy, what's wrong?" Sinilip niya ang mukha nito para makakuha ng sagot.

Modus OperandiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon