Chapter 6

6 2 0
                                    

Gumising ng maaga si Ryza para mag-linis ng bahay. It was New Year's Eve. Nag-ayos siya ng mga gamit. Pinaglipat-lipat niya ang pwesto ng furnitures. Hindi naman siya naniniwala sa Feng Shui, wala lang, trip niya lang baguhin para maiba naman. Ilang taon nang ganun ang itsura ng bahay nila dahil madalang umuwi ang mga nakatira. Pero bigla siyang nagsisi ng masimulan ang ginagawa. Hindi pala madali. Kaya iniwan muna niya ang ibaba at nagsimula sa taas.

Mas magaan ang gamit doon lalo sa guess room kaya inuna niya iyon. Nakita pa niyang nandoon pa rin ang mga ginamit ni Jayson noong nagkasakit. Iniligpit niya ang mga iyon at isinilid sa laundry basket ang comforter para malabhan. Matapos ang ilang sandali ay nalinis na niya ang tatlong kwarto. Sa master's bedroom ay sari-saring ala-ala ang nagbalik. She used to sleep there with Jayson. Matagal niyang hindi pinasok ang kwartong 'yon kaya naman ngayon ay napapangiti siya dahil sa mga ala-alang 'yon. But those were just memories. Pinakalinis linis niya iyon para naman mawala ang negative energy doon. Sandali lang siyang naglinis sa taas dahil twice a month naman kung maglinis ang kasambahay nila Jess doon. Pinalitan niya din ang mga comforter, punda ng unan at kurtina. Ang hirap din pala minsan maiwan mag-isa sa malaking bahay pero iisa lang ang nakatira. Isa-isa niyang ibinaba ang mga laundry basket. Kapag may oras pa ay lalabhan niya ang mga ito.

Nagsimula na siya sa stockroom. Isinalansan at pinagsama-sama ang mga magkakauring grocery items doon saka nagwalis at nagpunas.Ganun din ang ginawa niya sa kusina, dining area, at mini bar. Napansin niyang ang bawas na bote ng alak doon na kinuha niya sa bahay nila Jessie, napangiti siya. Iinumin niya 'yun mamaya pag salubong sa bagong taon. Mag aalas dos na noong matapos siya sa paglilinis kaya't napatingin siya sa labas. Mainit pa para mag mow ng damo kaya sa sala muna siya. Binalikan niya ang mga ginulong upuan at nang hindi na maintindihan ang gagawin ay napagpasiyahang ibinalik na lang din sa dati ang puwesto ng mga ito. May nadinig siyang mahihinang mga yabag mula sa pinto. Nang lingunin ay nakita si Jayson na papalapit sa kanya at madilim ang mukha. May mga bitbit na naman itong groceries. Pero this time ay napakarami, parang pang-fiesta.

Nagpamewang siya nang makalapit ito sa kanya. "Margones, may tanong ako." sabi niya.

"Oh?" tanong nito habang nililibot ang mga mata sa mga couch na magulo ang pwesto. Nakakunot ang mga noo nito at hindi ngumingiti.

"May lahi ka bang kabute? Bigla ka nalang sumusulpot." seryosong tanong niya. Hindi siya prepared dahil haggard na ang itsura niya. Pakiramdam nga niya ay ang asim na niya dahil kanina pa siya pawis na pawis. Hindi man lang ito nagsabi na pupunta. "Inabala ka na naman nila Jess. Sabi ko naman sa 'yo matuto kang tumanggi."

He smirked. "Sabi ko din naman sa 'yo, Okay nga lang sa akin. And if you were only answering your phone, edi sana hindi ka nabibigla sa pagdating ko." he said sarcastically. Tinignan siya nito pero agad sumako ang mata nito sa leeg niyang pawis na pawis. Naalala niyang nasa kwarto nga pala ang phone niya. Ang sungit nito ngayon. Mukhang may dalaw–may dalaw ng topak.

"Naku, bahala nga kayong tatlo. Sige na paki pasok na lang sa stockroom ang mga iyan. Thanks. Teka, naligo ka ba? Galing ka sa labas eh." Tanong niya dahil nasasanay na siya sa pagpapaalala nito na naligo ito tuwing didikit ito sa kanya. Hindi ito sumagot bagkus ay sumunod lamang ito sa inutos niya pero parang naguguluhan pa rin ito na tumingin sa mga couch. Magulo naman talaga iyon, aware siya doon dahil kahit siya ay naguguluhan na din. Pag balik nito ay may dala na itong isang baso ng tubig saka inabot sa kanya. She didn't expect that gesture from him. Pagkaabot ay ipinatong nito ang mga kamay sa sandalan ng couch at tinitigan lamang siya. Hindi pa rin ngumingiti. 'Di lang nasagot ang tawag uma-attitude na. Nagkunwari siyang umiinom kahit idinidikit lang naman niya ng labi sa tubig.

"Kanina ka pa ba naglilinis? Pawis na pawis ka na." nakita niya itong nakatingin sa dibdib niya kaya dali dali niyang sinundan ang mga mata nito. Tumutulo pa ang pawis niya sa leeg at ang neckline ng t-shirt ay basang-basa din. Literal na naliligo na siya sa pawis. Medyo mababa ang neckline at may kanipisan ang bagsak na tela nun kaya humahapit ito sa cleavage niya. Bakat na din ang bra niya kaya tuluyan siyang napalunok ng tubig. Nagside-view siya para maiiwas ang dibdib niya mula sa mga mata nito. Puti pa man din ang damit niya. Pero umiling-iling si Jayson habang sa likod naman niya nakatingin. "Magpalit ka muna ng t-shirt. Ano ba ang balak mo dito? Ako na ang gagawa." tukoy nito sa mga couch. Something touched her heart. Concern ba ito sa kanya? Kung alam lang niyang tatawag ito ay dinala sana niya ang phone sa baba.

Modus OperandiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon