Chapter 2

8 2 0
                                    

Ano, Ryza forever ka na lang mauupo diyan sa pintuan? Sabi niya sa sarili. She was stunned. Hindi niya ineexpect na sa ganitong pagkakataon sila magkikita. Ni hindi nga niya naisip na dito pa sa bahay nila sila magkikita or even at Jess's

"Sorry. Trespassing ako sa bakuran niyo. Jessie and Kit left the gate open pero sarado ang bahay nila. I tried the back door but it was also locked then I saw the lights are on here so I thought Loida was here. Itatanong ko lang sana kung nasan sila Kit." he explained in detail. Akala siguro nito ay pinag-iisipan niya ng masama. Hindi naman niya ito pinagbibintangan. Nagulat lang talaga siya kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapagsalita.

Umisquat si Jayson para magpantay ang muka nila. "Okay ka lang, Sophia?" nag-aalalang tanong nito. Para siyang nakuryente nang hawakan nito ang braso niya. Kaya't sa wakas ay nagbalik siya sa ulirat.

"A-ah oo. O-okay lang ako. Ahm, nagulat lang ako. Ako lang kasi ang tao dito. Wala din si Loida. Umuwi muna siya sa kanila." binawi na niya ang tingin at tumayo. "Pasok ka muna. Dito mo na sila hintayin." she swallowed. Why the hell she said that? Hawak-hawak pa din niya ang siyansi saka tumalikod papasok at hindi isinara ang pinto kaya sumunod ito sa loob. Ito na ang nagsara ng pinto.

"Ganun ba, sorry. Sumilip na nga ako dito kanina para hanapin sana si Loida. Pero nakita ko ikaw na pala ang tao dito. Pabalik na sana ako kila Kit nung lumabas ka. Magluluto ka ba?"

Her eyes widened upon hearing that. Una ay dahil may hawak pa din siyang siyansi. Nakakahiya! Pangalawa ay dahil napaisip siya kung kanina pa ito nakasilip. Shit! Haggard na ba siya? Kumakawala ang mga kulot niyang baby bangs mula sa pagkakapusod. Naka loose t-shirt lang siya at maong shorts.

Sakto namang ice breaker nang tumunog ang phone niya. It was Jessie calling. "A-ahm excuse me." paalam niya saka sinagot ang tawag.

"Hello? N-nasaan na kayo?" Naupo siya sa dining area dahil nanlalambot pa din ang tuhod niya. Ibilaba niya ang siyansi na basa na ng pawis sa palad niya.

"Ryz, I am really sorry kung nag-intay ka. Pauwi na sana kami eh. Kaya lang, grabe! Di namin inexpect na ganito kahigpit sa labas. Dumaan pa muna kami kila Mama dahil nagpabili siyang maintenance meds. The problem is, ayaw na kami palabasin sa village, inabutan kami ng curfew. Nakaluto ka na ba ng pagkain?" Kasalukuyan itong nasa bahay ng in-laws. Bigla namang nagliwanag ang bumbilya sa utak niya.

"Sinasabi ko na eh. Pinagtitripan niyo na naman ako ni Kit ano?" Pabulong niyang sabi dahil baka marinig ni Jayson. Alam na niya ang style nitong mag-asawang ito.

"What? Naluluka ka na ba sa gutom?" buong pagtatakang tanong nito. She could sense that from her tone.

"Why do I have the feeling na sinadya mong abutan ng curfew diyan? Nagpapunta kayo ng bisita sa inyo pero aalis naman pala kayo. Kilala mo na siguro sinasabi ko 'di ba? Jessie, look." Inilipat niya sa kabilang tainga ang phone. Napipikon siya sa pinsan. "It's not funny. What are you thinking again, huh?"

"Teka, teka. Wala akong nagets sa litanya mo eh. Ano ba ang iniiyak mo diyan?" Medyo nagtaas ng boses si Jessie. Ah gusto ba nitong makipagtagisan sila ng inis sa isa't isa?

"Nandito si J-jayson." tipid niyang sabi. She was hesitant to say his name. It felt awkward at baka nadidinig siya ng may-ari ng pangalan. Nadinig niyang napasinghap si Jessie sa kabilang linya.

"Wait, what? Anong ginagawa niya diyan?"

"Jessie, cut it off. Umuwi na kayo at tigilan niyo nang mag-asawa 'yang trip niyo. Napipikon na ako." pabulong pa din niyang sinabi kahit gusto na siyang sigawan ito. Hindi niya malingon si Jayson pero sa palagay niya ay nanatili itong nakasandal sa pinto.

Modus OperandiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon