02

6 0 0
                                    


Medyo bangag pa'ko nang makarating sa school dahil alas kwatro na ng madaling araw ako natapos sa kaka review ng mga destinasyon ng siargao at bukidnon.

Kinakabahan na'ko dahil ngayon na ang araw ng kompetisyon. Kabisado ko naman ang mga pinag aralan ko kaso di ako masyadong kampante pero tinibayan ko nalang ang loob ko.

Wala naman masyadong manonood dahil ang mga kalaban at mga hurado lang naman ang nasa loob mamaya.

Nakasuot lang ako ng plain white round-neck shirt, black guess pants, white Adidas sneakers at sun visor ko para magmukha talaga akong parang tour guide.

Pumasok na'ko sa loob at naroon na ang lahat ng kalaban ko. Halos babae lahat, tatlo palang kaming lalaki rito at wala pa si lance.

Minabuti kong tingnan at ikinabisa ang script na sasabihin ko mamaya para walang palya. Hinihintay ko nalang si ejay dahil ka team kami.

Mag te-ten o'clock na at wala parin siya! Tangina naman tol! 10:30 ang start ng kompetisyon at narito na ang ibang judges kaya baka pag nakompleto tong panel ay baka sisimulan nila ng mas maaga!

"Attention to all the participants, please have at least one representative per team here in front for the registration and para bumunot na'rin kung pang ilan kayo sasalang"

Siyempre dagil wala pa si ejay so ako nalang ang nag register ng pangalan namin at bumunot.

Sa kasamaang palad, pangalawa kami. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at natatae na sa kaba.

Pabalik na'ko sa upuan ko ng bumukas ang pinto at niluwa si ejay. Nakasuot siya ng plain black v-neck shirt, maong jag jeans, black fila, at puting plain cap. Ang..gwapo.

Agad kong inalis sa isip ko ang kalandiang unti-unting dumadaloy sa utak ko at umupo nalang ulit. Tumabi naman agad si ejay sakin na hinihingal pa. Tumakbo ata tong gagong ito.

"Antagal mo tol!" Inis kong sabi

"Sorry na, naflat kasi yung likod na gulong ng mio ko eh! Amputa anlayo pa tuloy ng nilakad ko patingong vulcanising shop!" Pagdadrama niya

"Tss"

"Seryoso nga" sabi niya ng natatawa. Ipinagkibit ko lang iyon ng balikat.

Maya maya'y dumating na ang huradong hinihintay. May bitbit pa itonf maleta at nakapang flight attendant na uniform ng isang airline na pangarap kong pag applayan! Shet. Balang araw.

"Makakatrabaho mo siguro yan balang araw" sabi ni ejay sabay siko sakin,

"Sana nga. Sarap namang isipin"

"Walang imposible!"

Nagsimula na ang kompetisyon. Mas lalong dumoble ang kaba ko dahil ang naunang team na sumalang ay maraming palya at nagka bulol bulol pa at halatang di napaghandaan. Ako tuloy yung biglang nahiya para sa kanila.

Natapos na ang unang team at kami na ang susunod. Kabadong kabado ako habang papalapit kami ng stage pero bigla ring nawala nang tingnan ko si ejay na relax na relax kaya't nahawa ako sa aura niya.

Nagsimula na kami sa pag pe-presenta at nasabi naman namin ng maayos ang mga imporpasyon sa bawat destinsasyon na ipinapakita.

Malaki ang ngiti ko nang bumaba galing sa stage dahil sa malakas na palakpak na nakuha namin kaya't agad kaming nagyakapan ni ejay.

"Sabi ko diba!?" Sabi ni ejay sabay malakas na tapik sa likod ko at sa likod ng ulo ko. Nagtawanan ulit kami dahil makakahinga na kami ng maayos! I just hope we'll win. But win or lose, as long as we've represented our team well and didn't embarrass them, it's already enough.

Lumabas kami AVR na nakangiti.

"Tara kain tayo! Let's celebrate!" Masayang sabi ni ejay sa harap ko.

Pagod akong ngumiti. Gusto ko sanang paunlakan iyon kaso parang mas gusto ko munang umuwi at matulog dahil kulang ako sa tulog. Babalik nalang siguro ako rito sa school mamayang alas syete dahil awarding.

"Gusto ko sana, kaso.. pwedeng uuwi muna ako? Gusto ko lang matulog muna eh"

"Ah ganun ba, sige sige si crystal nalang ayain ko. See you later?"

Tumango lang ako at umalis na rin si ejay matapos hampasin ang dibdib ko.

Umuwi nga ako sa bahay at pumasok agad ng kwarto at natulog.

Saktong ala sais nang magising ako kaya't naghanda agad ako para bumalik sa skwelahan.

6:53 nang nakarating ako sa school at dumiretso agad sa gym kung saan gaganapin ang awarding. Andaming tao at halos puno na ang bleachers dahil sa mga taga ibang course ang nakaupo. Nasa baba naman ang mga ka department at ka team ko.

Nakita kong kumaway ni jake sa'kin na ka team ko kaya't tumungo ako sa direksyon nila.

"Sup? Kamusta yung kanina?" Tanong ni jake. Tinutukoy ang naganap na kompetisyon kanina.

"Ayos lang. Nakaraos rin naman kahit papano"

"Sus! Kayo pa ba? Gold na yan!"

Palinga linga ako sa buong gym para hanapin si lance pero di ko siya makita. I texted him na nandito na'ko sa gym pero di pa siya nag rereply.

Nagsimula na ang program at ina-announce na ang mga winner bawat events. Halos gold ang ang nakukuha ng aming team kaya kinabahan agad ako dahil baka di man lang kami nakaplace ni ejay at kami lang ang makakapagbagsak sa team. Nakakahiya.

"San ka banda? Puntahan mo'ko sa may left side ng stage. Gold tayo."

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang text ni ejay! Tangina! Pinaprank ata ako neto eh! Nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa ng irereply sa kanya.

Pumunta agad ako sa left side ng stage at nakita ko siya do'n! Agad na lumiwanag ang mukha niya at tumakbo paunta sa direksyon ko para yakapin ako.

Binatukan ko siya pagkatapos bago kami natawa.

"Pag ito prank ipapagulpi kitang hayop ka" sabi ko kay ejay

"Gold nga! Abangan mo i a-announce na yan ngayon!" Sabi niya kaya't bumaling agad kami sa stage nang in-announce  ang winner sa virtual tour guiding.

Panalo nga kami. Nagbunyi ang buong team dahil overall champion kami. Talunan at sigawan ang nangyari. Ang saya lang na huling taon na namin ngayon at ito ang iiwan namin.

"Tara inom tayo!" Sigaw ng mga ka team ko.

"Pass muna kami." Sabi ni ejay sabay akbay sa'kin at hinila papunta sa mio niya sa labas ng gate. Kinunutan ko lang siya ng noo dahil gusto kong sumama sa selebrasyon na magaganap.

"Di tayo sasama dun?" Takang tanong ko.

"Wag na! Sa apartment nalang tayo uminom!" Sabi niya at binuhay ang mio niya.

Pinaikot ko nalang ang mata ko at umangkas na'rin sa mio niya.

Paano Kung' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon