Wakas

6 0 0
                                    



"Ladies and gentlemen we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. Railex International Pacific welcomes you to manila. We thank you for choosing our airline as your airline of choice. Thank you!" Masigla kong bati ng nakalapag na ang aming eroplano sa manila.

Pagod at halong saya ang nadarama ko dahil last flight ko na ito sa araw na ito at rest day ko bukas.

Lumabas na kami ng eroplano kasama ang flight deck crew sa flight na iyon. Bitbit ang aking itim na maleta palabas ng airport at naghigintay ng taxi na masasakyan.

Nilabas ko ang phone ko at nakitang 6:30 na pala ng gabi at napagpasyahang pumunta muna sa isang restaurant sa airport para doon na mag dinner bago umuwi sa condo.

Pagkapasok ko pa lang sa restaurant na pagkakainan ay may nakita akong isang matangkad na lalaking nakasuot ng itim na slacks, black leather shoes, white long sleeves na nakatupi hanggang siko at bukas ang tatlong butones at may hawak na phone sa tenga.

It's Ejay. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siya uli. It's been what, 5 years I guess nang huli kaming nagkita at nagkausap at naghiwalay ng landas.

Matapos ang nangyari sa'min sa apartmen niya ay pinagutan niya nga ang bata. Nag apply na'rin ako sa airline na gusto kong pasukan at natanggap kaya ngayon ay isa na'kong senior cabin crew.

Mabilis na lumipas ang panahon at ang dami kong napagtanto. May timing nga talaga para sa lahat ng bagay. Siguro magiging mahirap sa umpisa pero kalaunan ay dahan dahan mo na ring ma poproseso na ang bagay na hinihintay mo ay di basta bastang dumadating lang.

Masaya kaming naghiwalay ni ejay at tinahak ang kanya kanya naming mga daan sa buhay. Naging abala na rin ako simula nang pasukin ko ang aviation industry bilang isang flight steward. Nakapaglakbay at nakapunta sa iba't-ibang bansa, nakapag explore ng mga bagong kultura na naging sanhi ng pagkalimot ko sa kanya.

Wala namang sama ng loob dahil maayos namin iyong natapos. Mabuting tao si ejay kaya di na'ko masyadong nagkimkim mga bagay na hindi na kailangang isipin pa.

Umupo ako sa isang mesang pang dalawahan lang at nagtawag agad ng waiter. Nilagay ko ang maleta sa ilalim ng mesa para di sagabal sa mga waiter na nag se-serve.

Suot ko pa'rin ang uniform namin na dark blue coat, dark blue na slacks, black leather shoes, puting long sleeve sa loob at pulang necktie.

Tahimik akong kumakain habang pinagmamasdan si ejay minsan na hanggang ngayon ay nasa telepono pa'rin.

Nang matapos kumain ay nagtawag na'ko ng waiter para sa bill pero inilingan lang ako ng waiter at sinabing.

"No need na'po sir. Bayad na po lahat ng kinain niyo" masiglang sabi ng waiter kaya napakunot ang noo ko dahil nabitin sa ere ang wallet ko.

"Huh? Sinong nag bayad?"

"Ako"

Gulat akong tumingin sa likod ng waiter at nakita si ejay na nakangiti kaya di ko narin napigilang ngumiti at tumayo para yakapin siya.

Sinenyasan niya ang waiter na bumalik na sa trabaho at umupo siya sa harapan ko.

"It's been a long time! That uniform suits you!" Malaking ngiting sabi ni ejay.

"Salamat! At salamat sa libre!"

"Wala yun! Restaurant ko to eh!"

Laglag ang panga ko.

"H-ha?! Di nga?" Di makapaniwalang tanong ko at bakas ang gulat at saya sa mukha.

"Oo nga, pang 9th branch ko na'to"

Nag slow clap lang ako habang umiiling iling para asarin siya. Kaya humagalpak kaming dalawa.

"Congrats tol! Ang yaman mo na!" Pagbibiro ko

"Mayaman nga ang laki naman ng tax na binabayaran!"

Marami pa kaming napagwentuhan tungkol sa mga pinagdaanan namin bago naabot ang kung anong naabot namin ngayon.

Tawanan at pagbabalik tanaw halos lahat ng naganap kaya ang saya saya lang isipin na nasa tamang pwesto na kami ng aming buhay ngayon.

Abala kami sa pagtawa nang may biglang sumulpot na magandang batang babae kasama si crystal!

"Daddy!" Tawag ng bata.

Gulat akong napatingin sa makinis at maputing bata sa harapan ko ngayon na kinandong na ejay.

"Kanina pa'yan naghahanap sa'yo kaya dinala ko na rito" sabi ni crystal at bumaling sakin.

Nanlaki ang kanyang mga mata at ngumisi ng malaki sa'kin. Tumayo ako para yakapin siya at batiin.

"OMG!!! ANG TANGKAD MO AT GWAPO MO NA LALO!!!" Tili ni crystal.

"Ikaw din! Parang virgin parin" sabi ko kaya nakatanggap ako ng isang sapak bago kami umupo.

Nasa harap ko si crystal at ejay ngayon na kandong kandong ang kanilang anak.

"What's her name?" Tanong ko kay ejay.

"Oh! Her name's Camille" si crystal na ang sumagot.

"Hi camille. I'm Ricky" maligayang bati ko kay camille at naglahad ng kamay. Nakatingin lang siya sakin ngayon pero tinanggap pa'rin naman ang kamay ko.

"Who is he daddy?" Inosenteng tanong ng bata.

Uminom muna ako ng iced tea bago sumagot.

"Daddy's ex baby" sagot ni ejay.

Halos madura ko sa harapan nila ang iniinom kong iced tea at sinamaan si ejay ng tingin na humahagalpak na ngayon ng tawa pati si crystal.

"Wait, so you knew?" Takang tanong ko kay crystal na tumatawa parin ngayon.

"Every detail ricky. I know everything!"

Sinamaan ko lang si ejay ng tingin pero bigla ring natawa kalaunan. It's very surprising how time changed people.

Natapos ang dinner na masaya at magaan sa loob dahil madami akong nalaman nung wala ako dito masyado. Kasal na si ejay at crystal at may isa pa silang anak na 1 yr. old pero nasa bahay at pinapabantayan.

Totoo nga pala na pwede mong matututunan mahalin ang isang tao. That's how powerful love can be.

Matapos makapagpaalam at makapagsalamat kay ejay at crystal ay lumabas na'ko ng restaurant bitbit ang akong maleta.

I took my phone out at tinitingnan ang mga messages habang naglalakad nang mabunggo ng isang lalaking nagmamadali dahilan ng pagkatapon ng phone ko at nabasag ang screen.

Inis kong tinignan ang lalaki at nakitang nagulat rin siya sa nangyari. He's wearing a white gucci shirt, black pants, black sneakers at may bitbit na mga folder sa kamay. Matangkad ng konti sa'kin at maganda ang pangangatawan. Medyo chinito, narrow nose, kissable lips at may konting bigote.

"P-pasensya na. I just have to submit my reports to my boss. I-is it okay if I'll just give you my calling card? Here!" At dali dali siyang kumuha ng calling card sa kanyang wallet na may lamang maraming one thousand at tinanggap naman ang calling card na iyon.

"Anong gagawin ko rito?" Supladong tanong ko.

"A-ano, let's meet para mapalitan ko ang nabasag mong phone. I-im Lester by the way." Sabi niya at naglahad ng kamay at tinanggap ko naman.

"S-sorry I'm already late so I have to go" at tumakbo na paalis.

I smirked.

Paano Kung' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon