01

5 0 0
                                    


"Ready ka'na ba para sa Virtual Tour Guiding Competition bukas?" Tanong ni Ejay

Napabuntong hininga tuloy ako. "Hindi pa nga pare eh, destinations ng samal pa lang yung napag-aralan at kabisado ko! Wala pa sa siargao at sa bukidnon! Amputa naman!" Inis kong sabi habang kumakamot sa ulo ko at mahigpit na nakahawak sa papel para sa virtual tour guiding competition.

Tourism students kasi kami ni Ejay. 4th year na kami kaya kami ang inaasahan ng team namin para sa kompetisyong iyon.

Every February kasi ay dinadaraos ang Festival of talents and skills expo ng department of Hospitality and Tourism Education which is department namin.

Taon taon ito ginaganap at since graduating kami, panghuling expo na namin to kaya big deal to sa'min. Sana nalang pala pumayag ako sa pageant ilagay kesa dito!

"Sabi ng sa wine parade nalang tayo oh di kaya sa cultural dance eh para di na tayo namomroblema para rito!" Inis kong dagdag.

Umakbay lang si Ejay sa'kin kaya't bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Amputa naman! Mag aapat na taon ko na siyang gusto pero di niya alam! Hay buhay! Whoah!

"Ano ka ba naman kasi, masyado kang seryoso para diyan."

Tiningnan ko lang siya saglit at binalik ang tingin sa papel na hawak ko. Ang gwapo talaga ng puta! Nababakla tuloy ako lalo.

"Eh pa'nong di seseryosohin? Eh ang laki ng puntos nito sa team natin! Tapos ka na ba?"

"Bukidnon nalang yung kulang."

Tiningnan ko siya ng masama pero agad ring naglaho ng tiningnan niya rin ako ng nakangiti. Ay pucha ang rupok ko!

"Sana all" walang kwentang sabi ko.

Patuloy lang ako sa pagbabasa pero walang pumapasok sa utak ko kaya't pa balik balik lang ang basa ko sa isang pahina!

"Wala ka namang binabasa diyan eh! Akin na nga yan'!" Sabi ni Ejay at agad hinablot ang papel na hawak ko at tumayo.

"Akin na nga pre" pagmamakaawa ko habang inaabot sa kamay niya ang papel.

Di ko masyadong maabot dahil mas matangkad siya sa'kin. 5'11 siya at 5'9 lang ako. Kaya tumatalon ako para maabot 'yon pero tumatalon rin siya tuwing tumatalon ako. Para tuloy kaming magjowa. Ulol! Gustong gusto ko naman!

Napagod rin ako sa kakatalon at tawa lang siya ng tawa kaya sumumo na'ko.

"Tara na kasi" inis na sabi ni enay

"Sa'n ba tayo?"

"Lodge gusto mo?" Gagong sagot niya. Sinapak ko nga.

"Ulol!" Inis kong sabi sabay kagat ng ibabang labi ko habang naglalakad na palayo sa kanya.

Naririnig ko ang mga mabibilis niyang hakbang sa likod ko, hula ko'y tumatakbo para maabutan ako at inakbayan na naman ako.

"Tara kain, libre ko." Sabi niya habang nakaakbay parin at iginigiya palabas ng gate kung sa'n nakapark ang mio niya.

"Greenwich tayo ah. Sawa na'ko sa barbeque sa trade center!" Suhestyon ko at sumakay sa mio niya.

Tinupad niya naman ang gusto ko at pinarada na niya agad ang mio sa labas ng greenwich at nauna na'kong pumasok sa loob.

"Ikaw na ang umorder, cr lang ako saglit" sabi niya at dumiretso na sa CR

I ordered 12inches Hawaiian pizza paired with two pineapple slush. Matapos magbayad gamit ang pera ni ejay ay naghanap na'ko ng pwedeng maupuan.

6pm na kaya maraming kumakain. Paakyat na sana ako sa itaas dahil wala akong mahanap na bakanteng mesa na pang dalawahan nang makita ko si Ejay na nakikipagtawanan kay Crystal, ang kababata niya.

Maganda si crystal, maputi, mahaba ang buhok, makinis, matangos ang ilong at higit sa lahat mayaman. Nakasuot pa ito ng kanilang asul na uniporme dahil sa kabilang universidad siya nag aaral dito sa Tagum.

Napabaling ang atensyon ni crystal sa'kin kaya't napagpasyahan ko na sanang umakyat kaso tinawag niya ang pangalan ko.

"Ricky!" Sigaw niya dahilan ng pagbaling rin ni ejay sa'kin.

Huminga lang ako ng malalim bago pumunta sa kinaroroonan nila.

"Uy musta crystal, ang ganda mo lalo"

Nakita kong dumako ang paningin ni ejay sa'kin. Seryoso niya'kong pinagmamasdan kaya't iniwas ko agad ang tingin.

"Asus nambola pa! Ikaw nga ang gwapo mo na'rin lalo! Tumangkad ka'rin ng konti" sabi ni crystal sabay tawa. Hilaw lang akong ngumiti.

Nagkakilala lang naman kami dahil kababata siya ni ejay at minsan na'rin akong naipakilala ni ejay sa kanya.

"Ikaw lang mag isa?" Tanong ko habang tinitingnan ang isang bakanteng silya sa harapan niya.

"Oh no, I'm waiting for blessie,my block-mate."

Tumango lang ako.

"Ah mauna na kami taltal, sa taas na siguro kami uupo dahil wala namang baknte rito" paalam ni ejay at hinalikan si crystal sa pisngi. Nakita ko agad ang pagpula ng kanyang pisngi at malanding haplos sa dibdib ni ejay. Umiwas agad ako ng tingin.

Alam ko naman na wala talaga kaming pag asa ni ejay eh kaya wala akong karapatang mag selos kaso di ko lang talaga maiwasan. Mabuti nalang at ilang buwan na'lang ay gagraduate na kami so may oras na'ko para makalimutan siya ng dahan dahan. Tangina ang drama.!

Umakyat na nga kami sa itaas at kalaunan ay hinatid na ng service crew ang inorder namin.

"Sukli mo" sabi ko kay Ejay sabay abot ng 250 pesos sa kanya. 500 kasi yung binigay niya.

"Sayo na'yan." Sabi niya habang busy sa pag sa-slice ng pisa at binigay yun sa'kin. Nagulat tuloy ako.

"Ah okay. Salamat."

"Ganda ni crystal no?" Biglaan niyang sabi habang ngumunguya ng pizza.

Napabaling agad ako sa kanya.

"Oo naman. Swerte ng magiging boyfriend nun siguro."

"Tss."

"Bakit?"

"Wala lang. gusto mo ba siya?" Tanong niyang nakapagpahinto sa'kin sa pagnguya.

"Huh? Pinagsasasabi mo diyan? Di no" sagot ko dahil di naman talaga! Kung alam mo lang sino ang gusto ko!

"Mabuti naman"

Sumakit tuloy ng konti ang dibdib ko. Pero di ko pinahalata at patuloy lang sa pagkain.

Playboy si ejay kaya't sanay na'kong makita siyang may kalandian na mga magagandang babae kaya't di na'ko magtataka kung maging sila ni crystal.

Natapos kaming kumain at hinatid na'ko ni ejay sa bahay. Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin ngayon at magpapaalam na sana ako kay ejay.

"Ricky" tawag niya

"Oh?"

Nakita kong umigting ang panga niya habang nakahawak sa helmet niya saka siya bumaling sa'kin.

"Wala. Good luck para bukas" sabi niya at pinaandar na ang kanyang mio.

"Ikaw rin. Ingat sa pag uwi."

Inangat niya lang ang kamay at pinaharurot na ang kanyang mio.

Paano Kung' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon