Dalawang buwan na ang nakakalipas matapos ang nangyari sa apartment ni ejay at graduation na namin sa sabado. Naaalala ko pa pagkauwi ko nu'n, sobrang kabadong kabado at di mapakali at hindi na'rin nagawang makatulog dahil sa pabalik balik na pag-iisip sa nangyari. Nandidiri at nagagalit ako sa sarili ko dahil doon.Para akong taong may ni-rape at iniwan ang biktima sa damuhan at tumakas. Ganoon ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Tinext pa nga niya ako kung bakit di na'raw ako doon natulog sa apartment niya at iniwan ko pa'raw siya! Ang gago lang!
Iniiwasan ko na'rin si ejay sa school at kinakausap lang siya pag importante ang sasabihin.
"Tara kain tayo!" Masiglang sabi ni ejay matapos ang meeting para sa nalalapit na graduation.
"Ha? Ah di ako pwede eh, tumawag si mama" pagsisinungaling ko.
"Eh di dun nalang ako kakain sa in-"
"Wag na!" Inis kong putol sa kanya. Nakita kong sumeryoso ang mukha niya kaya naguilty tuloy ako.
"A-ano ejay. Wag na, dahil di rin naman kami sa bahay kakain." Pagsisinungaling ko ulit at di makatingin sa kanya ng diretso.
Seryoso parin niya akong pinagmamasdan at kalaunan ay tumango na lang at mabilis na naglakad palabas ng avr.
Isa lang iyon sa mga limitadong interaksyon ko sa kanya dahil di ko na'rin alam kung pano pa siya pakitinguhan matapos ang nangyari. Tangina naman kasi.
Isang araw umuwi ako ng bahay, naabutan ko si mama na nagluluto ng kare kare sa kusina. Nagmano muna ako at hinalikan siya sa pisngi bago unakyat sa kwarto.
"Ricky anak" tawag ni mama bago pa'ko makaapak sa isang baitang.
"Ma?" Sagot ko
"Pumunta rito si Ejay. Tinatanong kung nandito ka raw ba at magpapasama sana siya sa pagbili ng black leather shoes at slacks para sa graduation niyo"
Nanlaki ang nga mata ko at nagsilaglagan ang panga ko matapos marinig iyon kay mama. Kilala na nila si ejay dahil siya lang naman ang kaibigang dinadala ko rito sa bahay.
"Ah g-ganun ba ma, si-sige itetext ko" sagot ko at agad tumakbo paakyat ng hagdanan.
Agad kong sinarado ang pintuan at binaon ang mukha sa unan. Tangina lang at di ko na alam ang gagawin ko. Pero pinagpatuloy ko pa'rin ang pagiwas ko sa kanya.
Dumating na ang araw ng sabado at graduation na namin. I graduated as magna cumlaude at cumlaude naman si ejay. I'm so happy for him.
Matapos parangalan at sinabitan ng mga medalya ang binigyan ng mga certificates ay natapos rin ang seremonya at nag pipicturan na agad.
Nakita kong parang matamlay si ejay pero pinagkibit ko lang iyon ng balikat at patuloy parin sa pag ngiti tuwing natututukan ng camera.
Masaya dapat ako sa araw na ito dahil grumaduate ako na may latin honor pero alam ko na niloloko ko lang ang sarili ko. Tama nga ang sabi nila. Walang saysay ang mga materyal na bagay oh kung gaano karami ang medalyang nakuha mo kung hindi naman ito ang tunay na kasiyahang gusto mo.
Matapos ang batch picture ay kanya kanya na kami ng alis kasama ang mga parents namin. Sinalubong agad ako ni mama at papa ng mahigpit na yakap. Napaluha tuloy ako.
"Proud na proud ako sayo anak. Kami ng mama mo" mangiyak ngiyak na sabi ni papa kaya tinawanan nalang namin iyon para hindi masyadong madrama.
"Hindi mo ba babatiin si ejay muna anak? Pwede mo rin siyang ayain sa bahay pata kumain." Sabi ni mama na nagpalingon sakin sa direksyon ni ejay ngayon kasama ang ate niya.
Busy kasi palagi ang mama at papa niya dahil may malaking kompanyang pinapatakbo at inaalagaan sa davao pero ako yata ang nasasaktan sa sitwasyon niya ngayon dahil kahit konting oras man lang di maibigay ng kanyang mga magulang.
Di na'ko nag atubiling lumapit sa kanya. Alam ko na kelangan naming mag usap.
"Congrats Ej"
Napalingon siya sa direksyon ko at nakitaan ko pa ng gulat ang kanyang reaksyon."Akala ko di mo na ako babatiin ah,"
Niyakap ko nalang siya ng mahigpit habang hawak hawak ang plaque ko. Naluluha na tuloy ako dahil nakokonsensya ako sa mga pinag-gagagawa ko sa kanya simula sa pag iwas.
"Madami tayong pag uusapan" sabi niya matapos bumitiw sa yakap. Ngumiti lang ako habang tumatango.
"Ahh, kung okay lang sana sayo, sa bahay na tayo kumain. Sama ka na'rin ate maddy"
"Oh noo! I would love to but I have to go back to davao pa kasi eh, may i memeet lang na client."
"Naiintindihan ko. Ingat ka po"
Sinabay na nga namin si ejay sa sasakyan patungo sa bahay para doon na mag celebrate.
Masaya naman ang naging salo salo kahit apat lang kami. Nasa abroad kasi halos ang mga kamag anak namin. Yung mga pinsan ko naman ay cabin crew na sa mga iba't-ibang international airlines kaya di makadalo dahil sa busyng schedule.
"Tuloy pa'rin ba ang plano mo anak sa Railex International Pacific?" Tanong ni mama.
Noon pa man, plano ko na talagang mag apply sa airline na'yun dahil balita ko'y malaki ang sahod at maganda trumato ng mga empleyado.
"Kung papalarin naman mama."
"Eh ikaw ejay?" Si papa naman ngayon
"Ahh, mag e-enrol po sana ako sa pilot school sa Florida kaso mukhang di maturuloy eh" sagot ni ejay at awkward na napatawa. Napabaling rin ako sa kanya dahil biglang naging kuryoso bakit di siya maturuloy du'n.
"Bakit naman iho? Nako't sayang" sabi ni mama
"Personal reasons po tita. Siguro po next year na'ko mag e-enrol ro'n. Para naman makapagrelax ako ng isang taon bago sumabak ulit sa pag aaral diba" sagot ni ejay kaya napatawa na'rin kami.
Nagliligpit na'ko ngayon ng aming mga pinagkainan at tinutulungan ako ni ejay. Awakward pa'rin dahil matagal tagal ko'rin siyang di nakakausap.
"Nako ejay, ricky, ako na riyan! Magbihis ka nga muna roon at nakatoga ka'pa!" Sigaw ni mama
Natawa tuloy kaming dalawa at napansing nakatoga pa nga ako habang naka plain white shirt at black slacks na si ejay.
"Akyat lang muna ako" paalam ko kay ejay na agad niya namang tinanguan.
Umakyat ako sa kwarto at agad na nagbihis ng plain army green shirt, black adidas shorts at black slippers.
"Tara na" sabi ni ejay nang nakababa na'ko. Kumunot ang noo ko.
"Huh?"
"Naipagpaalam na kita. Punta tayong apartment." Sabi ni ejay sabay kindat at nauna ng lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Paano Kung'
Short StoryThey say love has no boundaries. It's supposed to be expressed and be felt by someone. Pero pano kung yung tao na'yon ay kaibigan mo? Will you still continue to pursue him? Or just stick with the "friendship field"?