Nakarating na nga kami ni ejay sa apartment niya. Nagdadalawang isip pa'kong pumasok dahil biglang bumalik sa utak ko ang mga pangyayaring nagawa namin na di niya maalala.Nauna siyang pumasok at sumunod lang ako. Walang pinagbago, malinis pa'rin ang kanyang apartment.
Umupo muna ako sa leather couch niya at pumasok naman si ejay sa kwarto para ata magbihis.
Binuhay ko ang TV para di masyadong awkward at nag netflix. Ilang minuto ang nakalipas at lumabas na'rin si ejay sa kanyang kwarto na nakasuot ng plain white shirt at black boxer shorts.
Napalunok ako.
Ibinaling ko nalang ulit ang paningin ko sa tv. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na binuksan niya ang ref at may kinuhang isang box ng pizza at dalawang zagu.
Nilapag niya muna iyon sa coffee table sa harap ko at bumalik ulit ng ref at may kinuha na lasagna at nilagay sa harap ko ulit.
"Di mo naman sinabi na may pa fiesta ka pala ngayon" pabirong sabi ko habang tinitingnan ang mga pagkain sa harapan ko.
Ejay bit the insides if his cheek para pigilan ang tawa. Tangina ang gwapo talaga.
"Sira! Wala akong bisita. Ikaw lang" sagot niya at pumuntang kusina para kumuha ng platito at tinidor tsaka nilapag sa lamesa.
Busog na'ko dahil kakakain lang namin sa bahay pero dahil ayokong ma disappoint si ejay at para na 'rin makabawi ako, pinagbigyan ko na.
Kinuha ko ang isang platito ang kumuha ng lasagna na hinain ni ejay.
"Bakit wala parents mo kanina?" Tanong ko habang ngumunguya ng lasagna.
Nakita kong kumuha siya ng isang slice ng pizza at nilantakan iyon agad.
"Tss. Mas importante ang negosyo eh kesa sa'kin"
Malungkot kong tiningnan si Ejay. Alam ko na dinadaan niya lang sa biro ang lahat pero alam kong masakit parin yun sa kanya.
"Wag ka nga'ng magsalita ng ganyan. Importante ka. Walang taong di dapat binibigyan ng importansya"
Napabaling si Ejay sa'kin at malungkot na ngumiti.
"Ayos lang naman. Sanay na."
"Ikaw at ang ate mo naman kasi ang magmamana ng kompanya niyo, kaya isipin mo nalang na kung ano man ang ginagawa ng mga magulang mo ngayon, kayo rin ang makikinabang niyan sa huli"
"Opo nay" pagbibiro niya. Sinuntok ko nga ang braso niya. Tumawa lang ang gago.
"Seryoso nga kasi!" Inis kong sabi.
"Bakit mo nga pala ako iniiwasan sa loob ng dalawang buwan ricky? Kung walang graduation na mangyayari iisipin ko na talagang di na tayo mag uusap"
Nanigas bigla ang aking katawan at panga. Di'ko alam kung handa naba akong sabihin sa kanya ang lahat pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
"Anong iniiwasan? Busy lang tayo kaya di na tayo masyadong nakakapag-usap" pagsisinungaling ko.
"Tss. Mas kilala kita kesa sa sarili mo rick. Bakit nga" seryoso na siyang nakatingin sa'kin ngayon.
"Hindi nga kasi kita iniiwas-"
Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang hunablot ni ejay ang remote at pinatay ang TV at madiing nakatingin sa'kin ngayon habang umiigting ang panga.
"Bakit ricky?" Seryosong tanong niya.
Kumabog ng husto ang puso dahil sa titig niya. Binigyan ko lang siya ng mabigat na hininga at tumingin sa ibang direksyon.
"Ricky sagutin mo naman tanong ko!"
"Wala akong dapat isasagot diyan dahil hindi talaga kita iniiwasan!"
"Oh talaga lang? Pag aayain kitang kumain sasabihin mo may lakad kayo ng mama mo pero pag pinupuntahan kita sa inyo nandun sa sala niyo ang backpack mo at ang mama mo?! Tangina naman ricky eh" inis na sabi ni ejay at napahilamos na sa kanyang mukha.
Nanlaki ang mga mata ko at gulat siyang nilingon.
"P-pumupunta ka sa bahay?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Oo! Tangina! Text ako ng text sayo kung okay ka lang ba, kung may problema ba tayo, kung galit ka ba sa'kin! Tangina di mo ako pinapatulog ng maayos sa loob ng dalawang buwan ricky! Iniisip ko na baka yung kaibigan ko may sakit at ayaw lang sabihin sa'kin tangina!"
"Mahal Kita" deretsahang sabi ko at tumingin sa nakapatay na tv sa harap.
Ilang segundong katahimikan ang nangyari matapos kong sabihin ang nakakatakot na dalawang salita sa kanya. Tanging mabibigat na hininga namin lang ang naririnig.
"Alam ko"
Gulat ko ulit siyang nilingon.
"A-ano?!"
"Tangina alam ko ricky! Alam ko!"
"B-bakit? I mean, p-pano? Ba't di moko iniwasan?!"
"Dahil putangina mahal rin kita!"
Laglag na ang mga panga ko ngayon at di na makapagsalita. Shit! Mahal niya 'ko! Mahal ako ng taong mahal ko! Shit!
"K-kelan pa ejay?"
"Nung 3rd year college tayo. Pero sinubukan kong baliwalain dahil alam kong mali to! Pareho tayong lalaki! Pero putangina mas lalo lang lumala nong iniiwasan mo'na ako!"
"A-ano?" Halong gulat at saya ang nadarama ko.
"Akala mo ba di'ko natatandaan ang nangyari sa'tin dito sa apartment? Nung nanalo tayo sa tour guiding? Puta naman ricky tandang tanda ko 'yon! At matagal kong pinangarap 'yon!"
Wala na. Wala na talaga akong masasabi pa. Nakakahiya na nakakapanlumo na alam niya pala ang nangyari saming dalawa pero nagpanggap siyang wala siyang matandaan!
"Pero alam kong di tayo pwede. Di tayo pwede ricky." Mahinang sabi niya sa gitna ng mabibigat niyang hininga.
Tumatango lang ako ngayon at naluluha na sa mga pangyayaring ito. Alam ko namang imposibleng maging kami. Hindi ko rin maisip na magiging magkarelasyon kami. Kahit gaano ko kagusto, mukhang malabo pa'rin talaga. Mahirap baliin ang relasyon ng pagkakaibigan.
"A-alam ko" nahihirapang sagot ko dahil nagbabara na ang lalamunan ko.
"Magiging ama na'ko ricky"
Parang nabingi yata ako sa narinig ko. Sinusubukang irehistro ng utak ko ang mga narinig pero ni mismo utak ko ay ayaw itong papasukin.
Gulat kong tiningnan si ejay at nakita kong nakatingala ito habang umiigting ang mga panga habang may luhang dumadaloy sa pisngi.
Nang nakita ko ang mga luhang iyon ay napayuko nalang ako at nagsimulang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Ang sakit. Pero masaya ako para sa kanya pero ang sakit lang at ang hirap tanggapin. Ang sakit sakit tol ang sakit.
"K-kanino?" Tanong ko habang himuhikbi. Naririnig ko na'rin ang hikbi ni ejay.
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.
"Kay crystal"

BINABASA MO ANG
Paano Kung'
Short StoryThey say love has no boundaries. It's supposed to be expressed and be felt by someone. Pero pano kung yung tao na'yon ay kaibigan mo? Will you still continue to pursue him? Or just stick with the "friendship field"?