08

3 0 0
                                    


"Kung kaya ko lang ibalik ang mga oras, sana di ko nalang pinatulan si crystal. Sana di lang ako nagpadala sa tampo ko sayo at sinabi ang tunay na nararamdaman ko para sayo pero tanginang buhay to" sising sisiing sabi ni ejay habang nakatingala. Pinagmasdan ko lang siya dahil pinoproseso pa ng utak ko ang mga pangyayari.

"Kaya ko namang buhayin ang bata pero di ko alam kung kaya kong makasama ang isang taong di ko naman mahal" dagdag niya. Napabuntong hininga lang ako.

Tumigil na'rin ang pag iyak naming dalawa.

"I'm sorry" mahinang sabi ko saka siya napabaling sakin. Nagkatitigan kami.

"Tss. Okay lang" sabi niya habang di pa'rin tina tanggal ang tingin sa'kin.

Ang ganda pala talaga ng mata niya kapag kumikislap dahil sa luha. Napakaperpekto naman nitong taong kaharap ko kaya nakakapanghinayang na pinagdadaanan niya ang mga bagay na ganito.

Malungot ko lang siyang tinignan at lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit at binaon ang mukha sa kanyang balikat ganoon rin siya sa akin. 

Humagulgol bigla si ejay kaya hinimas himas ko ang likod niya para patahanin dahil nagbabadya na naman ang mga luha sa aking mata.

"Tahan na"

Patuloy pa'rin siya sa paghagulgol kaya binigyan ko lang siya ng oras para ilabas lahat ng iyon at di muna bumitiw sa yakap.

Nang mahimasmasan, bumiti siya sa yakap at nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't-isa. Hawak niya ang panga ko at hawak ko naman ang balikat niya.

"Pwede ba, kahit ngayon lang? Iparamdam mo sa'king mahal mo'ko?"  Sabi ni ejay

Malungot ko siyang tinignan.

"Mahal kita Ejay. At walang oras na di ko pinaramdam sayo na mahal kita"

Ngumiti lang siya at tumango.

"Pwede ba, kahit ngayon lang? Parang awa mo na" nahihirapang sabi niya.

"A-nong ibig mong-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumapat na ang labi niya sa labi ko at dahan dahan ginalaw.

Napapikit ako at ginantihan siya ng mas malalim pa na halik. Dahan dahan niya akong pinahiga sa couch at pumatong siya sa ibabaw ko habang di pinuputol ang halikan.

Tanging tunog ng leather sa couch at tunog ng aming halik lang ang naririnig ko ngayon kaya nagsisimula ng uminit ang katawan ko.

Naglakbay ang kamay ko sa dibdib niya patungo sa likod niya at binaon ang mga daliri ko para malaman niyang nasasarapan ako at gusto kong diinan niya pa lalo.

Nagsisimula na siya sa pagkiskis ng pagkalalaki namin at sumasabay narin ako sa ritmo na gusto niya habang nakapikit pa rin.

Naramdaman kong himiwalay siya sa halik kaya napadilat ako nakita siyang madiing nakatitig sa akin habang patuloy na gumagalaw sa ibabaw ko.

Sinuklian ko rin siya ng mas malalim na titig na tila nang aakit at sabay kagat ng aking pang ibabang labi. Napangisi siya at biglang diniinan ang pagkiskis sa pagkalalaki namin gaya ng ginawa niya nung nalasing kami.

"Shit!" Ungol ko habang di inaalis ang titig sa kanya.

"Memories?" Pang aasar niya

"Ahh! Puta!" Pabiglang ungol ko dahil binilisan niya bigla. Tumawa lang siya at agad hinagkan ang labi ko.

Tila naiinis ako sa tela sa gita namin kaya hinubad ko ang sa kanya ng mabilisan pati na ang sa akin. Hubad na kami pareho at pinagpatuloy ang kiskisan.

Bumaba ang halik si ejay sa leeg ko patungo sa mga utong ko hanggang sa puson ko dahilan ng pagbigat ng aking hininga hanggang sa tinapos namin ang gabi na nakatatlong rounds.

"Masakit paba pwet mo?" Tanong ni ejay matapos ang ikatlong round namin kaya uminit ang tenga ko sa hiya. Hinampas ko lang ang dibdib niya at sabay kaming napatawa.

Nakahiga na kami ngayon dito sa kama niya. Nakaunan ako sa braso niya at parehong wala paring saplot at nakatingala lang sa kisame.

Hindi ko inaakalang aabot kami sa ganitong sitwasyon na libre naming mahahagkan ang isa't - isa. Na pwede kaming maghalikan na walang humuhusga at iparamdam sa isa't-isa ang pagmamahal na nadarama.

Pero alam namin sa sarili namin na may limitasyon ang lahat at na hindi talaga kami pwede dahil may responsibilidad siya na kailangang balikan at atupagin at 'yun ay ang anak niya.

"Bakit ko pa kasi kinantot si crystal" pabirong sabi ni ejay kaya hinampas ko lang ang dibdib niya.

"Siraulo ka"

"Pero seryoso, pa'no kung sa simula palang inamin na natin sa isa't-isa yung nararamdaman natin?"

Nakungkot naman ako bigla at napatahimik. Oo nga. Minsan na'rin naman kasing pumasok sa isipan ko na aminin na sa kanya pero di mawawala ang takot roon. Mga pagdududa at ang mga "pano kung" na tumatakbo sa aking isipan.

"Sumagot ka naman diyan. Nangangamiy laway kana"

"Gago! Daig mo pa kasi ang aso kung makadura ka sa mukha ko kanina eh!" Ganti ko at tumawa lang siya.

"Ricky" seryoso niyang tawag nang humupa ang aming tawanan.

"Hmm?"

"Sana piliin mong maging masaya kahit di na tayo nagkikita"

"Di na ba talaga?" Balik kong tanong habang hinihimas ang dibdib niya.

"Siguro matagal pa. Aabutin pa siguro ng ilang taon."

"Nasa eroplano na'ko nu'n" pagbibiro ko

"Eh di mas mabuti. Dahil ibig sabihin you're living with your dreams and I couldn't be more happier. For you, always."

Takte! Naluluha na naman ako kaya humihikbi na'ko. Hinihimas niya lang ang braso ko para patahanin ako pero mas lalo lang naging emosyonal.

"Maging mabuti ka sanang ama" sabi ko sa gitna ng aking pag hikbi.

"Oo naman. Para sayo" sagot niya at hinalikan ako sa noo.

Umiling agad ako.

"Hindi para sa'kin. Para sa anak mo"

Dahil di dapat ako ang magiging basehan niya. Kung man niya magawang mahalin si crystal, kahit yung bata man lang. Dapat maramdaman nung bata na may ama siya.

"Pangako ricky."

Paano Kung' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon