CHAPTER VIII

4 3 0
                                    

Akisha Lorraine Fuentes

Kakatapos ko lang maglinis ng katawan, matutulog ako ng maaga para magising ako ng umaga first day of school pa naman bukas.

Hihiga na sana ako ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Kakabili lang sakin nito ni Tita Natasha kanina pag-uwi niya. Unknown number? Pwera kay Tita wala pa namang nakakaalam ng number ko.

"Hello?"

Tanong ko dito sa kabilang linya.

"Ma'am kayo po ba si Akisha?"

Tanong nito sakin. Bakit kilala ako nito?

"Ako nga po, may kailan po kayo?"

"Pake sundo na lang po si Sir Kenneth dito sa bar mukhang lasing na lasing na po ea."

Ea? Anong gagawin ko? Baka hanapin ako ni Tita dito sa kwarto ko. Hay nakao Kenneth!!! Humanda ka lang talaga sakin bukas.

"Sige po saang bar po ba yan?"

"Ite-text ko na lang po yung address salamat!"

"Salamat din po."

Sabi ko dito at saka binaba ang tawag. Wow ha? Ang bait ko ako pa yung nag pasalamat. Mayamaya pa ay na tanggap ko na yung address. Ayoko ko ngang mag drive ea. Ken!! Papatayin talaga kita. Nagpalit ako ng t-shirt na plain kulay gray at saka naka maong na short. Yan lang ang suot ko.

"Ya, pupunta lang po ako kila Kenneth kapag po hinanap ako ni Tita Natasha paki sabi na lang po."

Sinulat ko lang yan sa papel at saka dinikit sa ref. Mababasa yan katulong namin bukas ng umaga.

Buti na lang iniiwan yung susi ng sasakyan dito sa labas. Mabilis kong pinaandar ang kotse saka nagtungo sa bar na iyon.

Ilang minuto din bago ako makarating sa bar. Nasa labas pa lang ako sobrang ingay na saan ko hahanipin si Ken? Ang daming tao. Mayamaya pa ay may lumapit sakin na lalaki mukhang crew ata dito.

"Ma'am si sir Kenneth po nasa second floor hatid ko na lang po kayo."

"Sige po salamat."

Sabi ko saka ito sinundan. Nakarating kami sa kinaroroonan ni Ken. Mukhang lasing na lasing nga si gago.

"Thanks."

Sabi ko sa crew. Gusto kitang patayin Ken kahit napaka-gwapo mong nilalang.

"Hoy! Ken!"

Sigaw ko sakaniya sobrang ingay kasi. Nonsense din yung pagsigaw ko mukhang hindi naman ito magigising ea. Inakbay ko kaliwang kamay niya sa balikat ko saka dumaan sa fire exit. Buti na lang hindi kami dadaan sa madaming tao, pasuroy-suroy pa naman kaming maglakad. Mabilis kaming nakarating sa parking lot. Sinakay kona kaagad siya sasakyan.

Fuck! Hindi ko alam kung saan nakatira si gago. Pumunta ako sa dalawang bouncer sa pintuan saka nag tanong. Impusible namang hindi nila alam mukhang regular na customer naman dito si Ken.

"Kuya alam niyo po ba kung saan nakatira si Kenneth Ruby Garcia?"

Tanong ko dito. Mabilis na nag sulat sa papel yung pinagtanungan ko saka inabot sakin yung papel. Ay, bawal silang mag salita? Ede wag.

"Salamat po."

Sabi ko sakanila at umalis din agad. Attitude ng mga kuyang iyon.

"Ken alam mo gusto kitang patayin ngayon."

AKISHA LORRAINE FUENTES (On Going) Where stories live. Discover now