Akisha Lorraine Fuentes
8:35 na natapos yung klase namin kaya ako na lang yung hinihintay nila sa parking lot. Nag overtime kasi yung last subject namin. Gabi na pero ang liwanag parin ng school. Medyo madami pang estudyante yung mga hindi pa umuuwi.
"So how's the first day of school?"
Tanong sakin ni Ruiz ng makarating ako sa parking lot. Nilagay ko yung bag ko sa loob at sumandal sa van gaya ng ginagawa nila, naka tingin lang kami sa mga estudyanteng palakadlakad.
"Okay naman."
Sagot ko dito. Mayamaya pa ay dumating sila Patricia, kanina pa ako hindi tinatantanan nitong babaeng to.
"Akisha girlfriend ko nga pala Ailona Gail Harris."
Sabi ni Christian. Parang hindi naman halata.
"Girlfriend your ass!"
Sigaw nito saka pumasok sa loob ng van. Magkakasama pala kaming lahat.
"Boyfriend ko si Ethan."
Sabi naman ni Ryan at pumasok nadin.
"See?"
Naka-ngiting sabi ni Ethan. Apat na lang kaming natira sa labas.
"Cadein is mine."
Sabi naman ni Patricia.
"Saksak mo sa baga mo!"
Sabi ko at pumasok na rin sa loob ng van. Tumabi sakin si Ken samantalang magkatabi naman sila ni Cadein at Patricia sa harap. Nasa bandang likod naman sila Ivoe. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Ken.
"Iiglip lang ako."
Pagsisinungaling ko sakaniya. Hindi naman talaga ako iiglip, gusto ko lang ipikit yung mga mata ko nandidiri ako sa mga nakikita ko. Kahit na sabihin pa nating madilim sa loob ng van ayaw ko talaga silang makita.
"Gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo."
Sabi nito. Hindi na ako sumagot, nagpanggap na lang ako na tulog talaga ako. Nakikinig lang ako ng mga usapan nila habang nasa byahe. Hanggang sa dumating kami. Naramdaman kong kinalabit ako ni Ken.
"Dito na tayo."
Sabi nito saka ako inalalayan palabas ng ban. Tumingin ako sa kabuohan ng penthouse ni Ken.
"Penthouse mo lang talaga to?"
Tanong ko sakaniya. Ang yayaman naman ng mga taong to.
"Apat yung condo ko, tatlong penthouse. Paminsan-minsan ko lang dinadalaw."
"Ang yaman mo ha."
"Not me, my parents."
Sabi nito. Hinawakan niya ang kamay ko bago kami pumasok sa loob.
"Done."
Sabi ni Ruiz nakakatapos lang magayos ng mga iinomin namin. Nasa tabi kami ng pool, nagtatampisaw ako ng biglang tumabi sakin si Ken sabay abot ng isang baso na may lamang alak.
"Is everything okay? Kanina kapa ganyan."
Tanong nito sakin ng tinanggap ko yung baso. May problema ba ako?
"Mukha ba akong hindi okay?"
Tanong ko sakaniya.
"Ewan ko. Ang tahimik mo kasi."
YOU ARE READING
AKISHA LORRAINE FUENTES (On Going)
Novela JuvenilAKISHA LORRAINE FUENTES Basahin mo HAHAHAHAHA -MISS. MILKTEA