August Cadein Reyes
"Akala mo naman kung sino siyang maganda!"
Padabog sa sabi ni Patricia na kakarating lang dito sa hideout namin.
"Asaan si Akisha at si Kenneth?"
Biglang tanong ni Ivoe. Malamang magkasama na naman silang dalawa.
"Sino yung kasama ni Kenneth?"
Tanong samin ni Ailona.
"Akisha Lorraine Fuentes. May problema ka?"
Tanong ko sakaniya. Wala na ba talaga silang ibang gawin kundi ang mang lait ng iba?
"Ako wala, pero si Patricia? Ewan ko na lang."
Sabi ni Ailona. Ailona Gill Harris anak ng kilalang fashion designer. Patricia Collins daughter of the CEO. And lastly si Ryan Davies anak ng nagmamayari ng Davies Hotels.
"Si Patricia lang naman ang takot mawala si Cadein."
Ryan. Magkakaibigan kaming lahat at si Patricia siya ang may gusto sakin. Pero wala akong gusto sakaniya, kaya pasensya.
"So nakita niyo sila?"
Christian.
"Oo. Akala mo naman kung sino siyang maganda. Mahirap na nga lang, pinag-aaral pa ni Tita Natasha."
Sabi ni Patricia dahilan para mapatingin kaming lahat sakaniya. Pinag-aaral siya ni Tita Natasha?
"Ano naman ngayon kung pinag-aaral siya ni Tita Natasha?"
Ruiz.
"Duh! Wake up Ruiz! Mag de-debut na siya sa October tapos niyaya siya ni Kenneth na siya daw yung first dance niya and guest what? Ang sabi niya hindi niya daw afford yung ganong klaseng birthday party."
Patricia.
"Kung wala kang magandang sasabihin tungkol sakaniya tumahimik kana lang."
Pagkatapos kong sabihin iyon tatayo na sana ako ng bigla akong hinawakan ni Patricia sa kamay.
"Cadein!"
"Tigilan mo ko."
Sabi ko sakaniya saka inalis yung pag kakahawak niya sa kamay ko. Maka alis na nga lang.
Akisha Lorraine Fuentes
Nasa loob ako ng kwarto ko ayaw ko munang lumabas. Dark blue ang theme ng kwarto ko hindi ko nga alam kung bakit alam ni Tita Natasha yung paborito kong kulay. May king size bed. May malawak na walk in closet. Ang nakakapagtaka pa dun ang dami kong baby picture. Stalker kaya si Tita?
"Miss. Aki?"
Tawag sakin ng katulong ni Tita.
"Po?"
Sabi ko sakaniya habang papalapit sa pinto.
"Andyan na po yung mga gagamitin ninyo para sa pasukan."
Sabi nito agad sakin. Ano daw? Yung mga gagamitin ko?
"Akin po ba talaga iyan?"
"Opo. Pinag-shopping po kami ni Madame."
"Ea? Sige po salamat!"
Sabi ko sakaniya at saka bumaba. Nasa hagdanan pa alang ako kita ko na kung gaano karami yung mga pinamila nila. Ganto ba talaga kapag mayaman ka? Samantalang noong nasa probinsya ako kailangan ko munang mag trabaho kapag bakasyon para makabili ng mga gagamitin tapos dito? Yung iba naman diyan sa pina-mili nila hindi ko naman magagamit ea. Limang paper bag na school supplies, limang box ng school shoes, limang pirasong set ng school uniform.
YOU ARE READING
AKISHA LORRAINE FUENTES (On Going)
Novela JuvenilAKISHA LORRAINE FUENTES Basahin mo HAHAHAHAHA -MISS. MILKTEA