Akisha Lorraine Fuentes
Nagising ako dahil halik ng halik si Ken sa batok ko. Ang aga-aga nang lalandi.
"Really Ken?"
Tanong ko sakaniya ng makaharap ako sakaniya.
"Ang ganda palagi ng gising ko kung ikaw kaagad yung bubungad."
Nakangiting sabi nito.
"Talaga lang. Bolero."
Sabi ko sakaniya dahilan para tumawa lang siya. Hindi na masyadong masakit yung ulo ko. Hindi naman ganon karami yung nainom ko.
"May headache ka parin?"
Tanong nito. Kung ito palagi ang bubungad sa umaga mo, panigurado mabubuhayan ka talaga. Medyo may pagka-manyak nga lang.
"Hindi na naman masyadong masakit."
Sabi ko dito.
"Magayos kana hahatid na kita sa bahay niyo."
Sabi nito sabay tayo. Ayaw ko pang umuwi wala rin akong ganang pumasok. Kamusta na kaya sila mama? Okay lang kaya sila?
"Ken."
Tawag ko sa pangalan niya habang busy siya sa pagsusuot ng damit.
"Why?"
"Ayaw ko."
Sabi ko sakaniya. Wala talaga akong gana hindi ko alam.
"Bakit? Okay ka lang ba?"
Nagaalalang tanong nito. Hindi ko alam kong okay lang ba talaga ako.
"Okay lang ako, tinatamad lang talaga ako. Dito na lang muna ako."
Sabi ko sakaniya.
"Sure ka?"
"Yup."
"Sige, dadalhan na lang kita ng pagkain."
"Thanks."
Pagpapasalamat ko sakaniya. Anong nangyayari sakin? Ilang minuto pa bago bumalik si Ken sa kwarto may dala siyang pagkain.
"Papasok kaba? Andyan na yung uniform mo, kung papasok ka lang naman."
Sabi nito pagkatapos niyang ilapag yung pagkain sa table niya.
"Papasok ako, samahan mo na lang akong kumain."
Sabi ko dito saka lumapit sa table. Kumain kami ng tahimik hindi na siya nagtanong, alam niya sigurong hindi ako okay. Hindi ko alam, minsan talaga hindi ko maintindihan yung sarili ko.
Natapos kami ng walang umiimik. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama. Maaga pa naman para magayos para pumasok.
"Ibaba ko lang to."
Sabi nito. Hindi ako sumagot. Wala talaga akong maintindihan.
Maya maya pa ay nararamdaman kong yumakap sakin si Ken.
"Okay ka lang?"
Tanong nito, tumungo lang ako bilang pagsagot. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Tell me what is it. Is there something bothering you?"
Sabi nito.
"Na-ah. Its nothing, it's just my mood."
Sabo ko sakaniya. Siguro nga wala lang talaga ako sa mood.
"Okay, then let me stay here. Sasamahan kita kung wala ka sa mood."
YOU ARE READING
AKISHA LORRAINE FUENTES (On Going)
Teen FictionAKISHA LORRAINE FUENTES Basahin mo HAHAHAHAHA -MISS. MILKTEA