Chapter 9.

2.2K 57 3
                                    

MALAPIT NG MAG-ALAS OTSO NG MAGISING SYA. Wala na sa tabi nya ang kaibigan. Inayos nya muna ang sarili bago lumabas at nagtungo sa kusina. She saw her parents there and her bestfriend.

Napatingin sa kanya ang kanyang Mommy na binigyan sya ng matamis na ngiti.  Lumapit sya at hinalikan sa pisngi ang kanyang ina. Ganun din sa kanyang ama na mataman syang tinitigan. Hinalikan rin nya ang kaibigan sa pisngi at tumabi rito sa pagkakaupo.

Tahimik syang ginalaw ang kanyang pagkain.

"Hindi kaba magpapasubo?" Her Dad asked.

Napatingin sya rito at saka ito nginitian at umiling.

"Umiyak ka ba?" Tanong ulit nito.

Umiling sya kahit mayroong namumuong luha sa mga mata nya. Masakit parin kahit tinulugan nya na iyon. Hindi parin mawala sa isip nya ang text ni Drayson. Nakatatak parin sa isip nya at mahirap iyong burahin.

Pero hindi sya susuko. Text lang iyon! Kahit alam nyang masasaktan pa sya kung ipagpapatuloy nya ang panliligaw. Atleast she tried to win him.

Napabuntong hininga ang kanyang ama na tahimik na kumakain at paminsan-minsan itong sumusulyap sa kanya.

Ngumiti sya at pilit na isinantabi ang sakit. She will not let that pain affect her family's bond.

Tumayo sya at lumapit sa kanyang ama at  ipinalibot nya ang kanyang mga braso sa leeg nito at niyakap. Nasalikod sya nito.

Pagkatapos nya itong yakapin. tumabi sya rito ng upo .

Ngumiti sya rito ng malaki.

"Subuan mo ko Daddy please?..."

Ngumiti ito sa kanya at napanguso pa.

Natawa ang kanyang ina sa kanyang ginawa at ibinigay sa Daddy nya ang plato nya.

Sinubuan sya ng kanyang ama gamit ang kutsara nito.

She knows her Dad. Kapag napapansin nitong wala sya sa mood o alam nitong nasasaktan sya. He will be silent at ayaw na ayaw nya iyon.

Magana silang kumain . Pagkatapos, kaagad silang tumambay sa sala at nanood na naman ng Koreanovela. Natatawang sinulyapan nya ang ama na umiirap at ngumunguso sa pinanonood.  Ayaw na ayaw talaga nito ang Koreanovela.

"Hindi mo ba bibisitahin ang nililigawan mo?" Her Dad asked.

Nagkatinginan sila ni Gehenna.

"I will stop courting him for the meantime. For now, I will be silent muna. " she said in a low tone voice.

" Bakit? Sinaktan ka nya?" Her Dad asked in a dangerous tone.

Umiling sya at ngumiti.

Ayaw nyang makialam ang Daddy nya. Kilala nya ito.

"I will stop muna kasi nagtatrabaho sya Dad. Ayoko naman na kulitin sya habang nagtatrabaho sya ." She lied.

Kahit naman nagtatrabaho si Drayson. Wala naman itong paki kahit nasa harap sya nito.

Tumaas ang kilay ng kanyang ama at saka ito nagpapalambing sa kanyang ina na palitan ang kanilang pinanonood.

She chuckled. Her Dad act like a kid most of the time pero alam nya kung ano ang kayang gawin ng ama nya.

Humilig sya sa balikat ng kaibigan at nagpatuloy sa panonood.

Nang matapos silang magtanghalian. Nagpaalam sila ni Gehenna na mamamasyal. Kaagad namang pumayag ang kanyang mga magulang pero may kondisyon ang Daddy nya. They will be guarded by eight civilian bodyguards. Like what the hell? Pumayag nalang sya at baka hindi pa sila payagan ng magaling nyang ama.

Aesthetic Desperation [COMPLETED][UNEDITED 🖋️] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon