Chapter 12.

2.4K 61 1
                                    

KAAGAD NA NANGINIG SA GALIT si Drayson noong makita nya kung paano buhusan ng Mama nya ng red wine  si Dalisay. He's fuming mad! Kung hindi nya lang Ina ang babaeng nasa harap nya ngayon na pinagsasalitaan ng masama si Dalisay, baka kung ano pa ang nagawa nya.

He respect his mother. He loves his mother. He treasure his mother but his patience has a limit.

"WHAT THE HELL DID YOU DO?!" he shouted at his mother.

He was mad. Gusto nyang manapak pero pinipigilan nya ang sarili. Kilala nya ang ina nya. Hindi ito ang tipo na gumagawa ng eskandalo. But now? Hindi nya alam kung nasa tama bang pag-iisip ang Mama nya.

Kumapit sa braso nya si Dalisay at inilingan sya. Mas lalo syang nagalit dahil sa pulang likido na naging dahilan sa pagkamantya ng damit nito. Kita nya rin ang pisngi nito na may bahid ng pulang inumin at kaunting tumutulo sa buhok nito.

He stared at his mother with no emotion on his face. Kita nya kung paano natakot ang Ina nya sa kanya pero nagpatuloy ito.

"Ayaw ko sa babaeng 'yan anak! She's not good for you! Halatang pera ang habol nya sayo! Mayaman ka anak tapos isang cheap na babae ang girlfriend mo?!" He wanted to strangle his Mom's neck! Kung hindi lang malaki ang respeto nya sa kanyang Mama baka makagawa sya rito ng masama at pagsisisihan nya iyon kung sakali.

"You're my Mom but I don't really like this shit you did." Nagtatagis sa galit na bulong nya. He wanted to punch someone because of his burning anger.

"I don't like her for you son! I don't like her! She's cheap!" Grabe na ang eskandalong ginagawa ng ina nya. Hindi ba ito nahihiya sa pinag-gagawa nito?

Pansin nya ang panginginig ng kamay ni Dalisay na kumapit sa braso nya. Halatang pinipigilan din sya nito kung ano pa ang masabi nya sa kanyang ina.

"Then do not like her! "He fired.

Lumapit sa kanya ang kanyang mga matatalik na kaibigan at inaawat sya. Hindi dapat sya ang inaawat nito kundi ang ina nyang kung umasta akala mo walang pinag-aralan.

Kita nya kung paano nito tignan ng matalim si Dalisay na maslalong ikinasilab ng galit nya.

"I don't care if  you don't like her Ma!" Sigaw nya ulit rito.

"T-tama na please."nanginginig na bulong ni Dalisay na ikinasulyap nya rito.

Why the hell did you let my mother do this to you? Why the hell did you not fight back?  Gusto nyang itanong iyon kay Dalisay pero mas kinain sya ng galit para sa kanyang ina.

"Wala kang mapapala sa babaeng 'yan anak! Alam kong pera lang ang habol nya sayo! She's cheap! A very cheap gold digger! And I do not like her for that! Hindi ko sya matatanggap sa pamilya natin!" Sigaw nito.

Gusto nyang sigawan ang Papa nyang hindi sapat ang pagpigil sa eskandalong ginagawa ng Mama nya. Gusto nyang magwala! Gusto nyang manuntok!

"Fuck?! Why the hell the great Hurricane Mallari is here?" Bulong ni Black habang nakatingin ito sa kung saan.
Halata ang gulat sa mukha nito pero kaagad ring ngumisi na para bang may panonoorin itong napakagandang pilikula.

" AND I DON'T ACCEPT YOU TO MY FAMILY EITHER!" A mad voice thundered making everyone gasps and shut their mouth because of that mad voice.

Kita nya kung paano lumapit sa kinaroroonan nila ang mga lalaking nakablack suit. Hula nya, hindi bababa sa sampu ang mga lalaking iyon.  At Ang lalaking nasa unahan ay naiiba. He can sense the overflowing authority, the power and how ruthless that man can be.

"Dad..." bulong ni Dalisay na ikinasulyap nya rito. Titig na titig ito sa  lalaking nasa unahan na may madilim na aura.

"Shit...you wouldn't like to cross path with that man." Black whispered under his breath na dinig na dinig nya. Sa uri ng boses ni Black. Parang kilang-kilala nito si Hurricane Mallari. Napansin nya pa ang pagtango ni Hurricane kay Black. Must be business partners. Sa isip nya.

Aesthetic Desperation [COMPLETED][UNEDITED 🖋️] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon