Chapter 7.

2.1K 61 2
                                    


DINIG NA DINIG NYA SA LABAS ANG TILI ng babaeng baliw na 'yon sa loob ng opisina nya. Halatang nanonood pa iyon ng TV.  That crazy woman!

Napalingon ito sa kanya ng pumasok sya at pabagsak nyang isinarado ang pintuan at galit na hinarap nya ito.

"How's your meeting?" She innocently asked na para bang wala itong kabaliwang ginawa sa kanya.

"Alam mo ba ang hiya ko sa kabaliwang ginawa mo?" He asked in a serious voice.

Pwede bang ipatapon sa ibang planeta ang babaeng baliw na ito?

Tumawa ito ng napakalas na ikinatitig nya rito. She laughed like nobody's business. Titig na titig sya rito habang tumatawa ito. At ang galit nya rito ay biglang nawala dahil sa tawa nito.

Fuck me! Parang ginayuma ako ng babaeng ito ah!

"Bored na bored na kasi ako dito sa opisina mo. Hehehe." She cutely said while pouting.

Gusto nyang halikan ang baliw na babaeng ito pero pinipigilan nya ang kanyang sarili.

"Bored?" He asked full of sarcasm. "Baliw ka!" Singhal nya rito.

"Yeah, baliw na baliw sayo." Banat nito.

Padabog syang nagtungo sa kusina at ininit ang dala nitong ulam at kanin.

Sinundan naman sya nito at napangulambabang pinagmamasdan sya. Ramdam nya ang titig nito.

"Bakit ang gwapo mo?" She asked.

Nakatalikod sya rito kaya hindi nito nakita na napangiti sya.

"Tanongin mo sa magulang ko." He answered sarcastically.

Humarap sya rito at inilagay sa harap nito ang dala nitong pagkain na ininit nya.

Naupo naman sya sa harapan nito at sya na mismo ang kumuha ng kanin para rito.

"Alam mo bang sinusubuan pa 'ko ng Daddy at Mommy ko?" She said out of the blue habang ngumunguya.

"Share mo lang?" He asked sarcastically.

Pinukulan naman sya nito ng masamang titig na ikinataas ng sulok ng labi nya. She's cute.

"Gusto kong subuan mo ko." Anito na nakanguso at nagpapacute pa.

Don't let yourself fall for that cute faces of hers Dray. Baka mahulog ka ng hindi mo napapansin.

"May kamay ka naman. Use that to feed yourself." Aniya rito habang kumakain.

Nagme-make face naman ito na ikinangiti nya.

"Ngumiti ka!" She exclaimed habang nakaturo sa kanya ang hintuturo nito.

"When?" He asked.

"Ngumiti ka kani-kanina lang eh! I saw it. Yeihhh...aminin! Ngumiti ka! "

Ang saya nito and he can't stop himself from staring  at her.

"Kailan mo ba ko sasagutin?" Tanong nito.

"Bakit atat na atat kang sagutin kita?" Balik tanong nya

"Eh kasi naman eh! Pahard to get ka!" nagpapadyak pa ito . "Tatlong araw na kitang nililigawan! Tapos wala parin!"

"Eh di sa iba ka manligaw. I'm sure sasagutin ka kaagad nila."

"Eh ikaw ang gusto ko eh." Para itong bata.

Natapos silang kumain kaya bumalik sya sa pagtatrabaho. From time to time tinititigan nya ito ng hindi nito napapansin.

Aesthetic Desperation [COMPLETED][UNEDITED 🖋️] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon