Chapter 10.

2.4K 64 3
                                    

ILANG ARAW NG WALA SA MOOD SI Drayson at hindi nya alam kung bakit. He would shout at his employes kung may nakita syang kaunting mali sa ipinipresent o trabaho ng mga ito.

Parating magkasalubong ang kilay nya at minsan nya naring nasigawan ang pinsan nya na walang paki kung sisigawan nya ito.

"Ilang araw ka ng wala sa mood ah. Any problem?" His cousin asked.

Nasacouch sila sa opisina nya.

"Hindi ko alam. Ewan. " sagot nya rito na hindi man lang ito tinatapunan ng tingin. Tutok ang mata nya sa kanyang cellphone na para bang may hinihintay sya roon.

"Missed her?" Makahulugang tanong nito.

Tinitigan nya ito ng masama.

"Gago ka ba?"

Natawa ito sa kanya.

"Hmm...pansin kong may kaunti ka ng nararamdaman dun sa Dalisay. Aminin mo?"

Pinukulan nya ito ng masamang titig.

"Kung sana hindi mo sya pinadalhan ng ganoong mensahe edi sana nandito sya ngayon at kinukulit ka. " he tsked.

Tama si Dan. He's not in the mood because of that woman. Ilang araw itong hindi nagpapapansin. Walang regalo, sulat, bulaklak o kahit message o chat. At sya ang may kasalanan nun. Hindi nya lang naman gusto na baka maging ganun sya katulad ni Leo. Pero ang paghindi pagsulpot ni Dalisay ay nakakagalit. Namimiss nya ang presensya ng baliw na babaeng yun.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kanyang Ina.

Fuck! Why is she here?

Tumayo sya at sinalubong ang Ina at binigyan ito ng halik sa pisngi.

Naupo ito sa couch at pinasadahan ng tingin ang buong opisina nya.

"Kamusta ang preperation para sa Fashion Show na gaganapin?"tanong nito.

"We're working on it, Ma. I already approved the models and ofcourse our summer collection for this season. The Models will wear swimwear and outerwear for our summer collection."

Tumatango-tango ang kanyang ina.

"And ofcourse, the designers are very realiable. Maganda ang mga designs nila and for sure this will become a trend. " confident na aniya.

"Very good."

Napataas ang kilay nya. For sure hindi ang fashion show ang ipinunta nito. Kilala nya ang kanyang ina.

"Bakit ka nga pala napadalaw Ma?" He asked.

Sumimsim naman ito ng tsaa na tinimpla ni Dan.

"May dadaluhan akong social gathering  bukas. And most of my friends will going to attend and isasama nila ang kanilang mga anak na babae-

Parang alam na nya ang ipinunta ng kanyang Mama ah .

"I want you to come. "

"Magiging busy kami Ma kasi dalawang linggo nalang fashion show na natin. "

His Mom rolled her eyes.

"Son, h'wag mo kong pahiyain.  I already told them na sasama ka and don't bring a date kasi ang  sponsored ng event ay may anak na babae and I want you to introduce to her. Magiging maganda kung i-memerge ang kompanya nila at sa'tin dahil nasa Shoe Industry sila. It's a good combination with our clothing line. Mas lalago ang kompanya natin kung maglalaunch tayo ng bagong product and I think Shoes will be a good example. Kaya naman nating maglaunch ng sarili nating sapatos pero maimpluwensya ang mga Montoya dahil sa Shoe Company nila.  Kaya maganda kung mag-mi-merge ang TEC at Montoya SC.  " Anito sa isang seryosong boses bago ito umalis.

Aesthetic Desperation [COMPLETED][UNEDITED 🖋️] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon