Chapter 20.

2.5K 57 3
                                    


"TANGINA! HINDI HALATANG nagmamadali iyang future mo ah!" Singhal ng ama ni Dalisay na nakasimamgot habang hinahatid sya ng kanyang ina at ama nyang nakawheelchair pa sa altar. Magtatatlong linggo na ang nakakalipas nang magising ang kanyang ama at iyon din ang araw na sinabi ni Drayson na magpapakasal sila.

She was happy. Very happy. Sino ba namang babae ang hindi sasaya kapag inaya kang magpakasal ng lalaking kinababaliwan mo?

"Iyang bibig mo Hurricane! Nasa loob tayo ng simbahan." Bulong ng kanyang ina na pinandilatan ang kanyang ama na tumahimik na.

"Baby, magsabi kalang kay Daddy kapag gusto mong makipaghiwalay dyan sa future mo ha? Ako na ang bahala sa lahat." Bulong ng kanyang ama.

"Naririnig kita babe..." may banta sa boses ng kanyang ina.

Maayos na ang kalagayan ng kanyang ama. Kaya lang hindi pa pwedeng maggagalaw at baka mabinat kaya nakawheelchair pa ito.

Dahan-dahan silang naglalakad palapit sa altar kung nasaan naroroon ang kanyang mapapangasawa. Drayson was wearing a very expensive barong and she was wearing a beautiful filipiana wedding dress.

She wants her wedding like an old but elegant filipino style wedding. Mostly kasi na mga pilipinong nagpapakasal ay naka amerikana na.

While she walks down the aisle together with her parents. She stared at his future. Napakagwapo nito, at  pansin nya ang pasimpling pagpunas sa mga mata nito naiiyak sya. Finally, she's getting married to the man she desperately wants.

The soft melody of Way Back Home  was played in a piano by a famous singer while singing softly.

"Parang kahapon lang ipinanganak ka tapos ngayon ikakasal na ang baby ko." Madramang ani ng kanyang ama na may papunas pa sa mga mata.

"Well, she will always be our baby." Ani ng kanyang ina.

Nakarating sila sa harap ng altar at kaagad syang sinalubong ni Drayson.

"Don't hurt my daughter Jeminez." Ani ng kanyang ama sa boses na may pagbabanta. " I can make your life a living hell in a snap."

Tumango si Drayson.

"I will never hurt your daughter tito." Sagot ni Drayson.

"Good."

"Ikaw na ang bahala sa anak namin 'nak." Habilin ng kanyang ina kay Drayson.

"I will take care of her Mom." Sagot ni Drayson.

"Ahem..." ani ng pari kaya kaagad na ibinigay ng magulang nya ang kanyang kamay kay drayson at nagpaalam sa kanya at naupo habag  silang dalawa ni Drayson ay humarap sa altar.

NATAPOS ANG KASAL AT KAAGAD SILANG nagtungo sa reception. Ang pagkakadesinyo ng kanilang reception ay vintage style. Makaluma ngunit maganda.

Silang dalawa ni Dalisay ay nagpupunta sa bawat mesa para ientertain ang nga bisita nila.

"Congrats bro." Bati sa kanila ni Skyzer.

"Your happy." Puna sa kanya ni Zam habang pinagmamasdan silang dalawa ni Dalisay.

"I am." Aniya at hinalikan sa gilid ng noo si Dalisay.

"Parang kelan lang ibat-iba ang  babaeng kasama mo..." si Black na binigyan sya ng ngisi kaya binigyan nya ito ng middle finger.

"I changed." Sagot nya

"Well people change and feelings fade." Sabad ni Zamrex na ikinakulo ng dugo nya.

Natawa sina Black at Skyzer kaya pinukulan nya ng nasamang tingin ang kanyang mga kaibigan.

Halatang iniinis sya ng mga ito.

Aesthetic Desperation [COMPLETED][UNEDITED 🖋️] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon