Chapter 15.

2.4K 51 6
                                    

Pinatili ni Drayson ang pagiging kalmado. Nasa harap nya ang ama ni Dalisay at walang emosyon sya nitong tinititigan.

Nasa study sila nito at nakaupo ito sa swivel chair  habang sya ay nakaupo sa visitors chair. Mariin sya nitong tinititigan.

" Mahal mo ba ang anak ko?" Seryosong tanong nito na ikinaayos ng pagkaupo nya.

Kasing laming ng yelo ang boses nito at maling isang pagkakamali lang na sagot nya siguradong sasalantahin sya nito ng malakas na bagyo.

"Yes sir. I  love your daughter." Seryoso at walang kakaba-kabang aniya.

Inaamin nya. Simula noong kinukulit sya ni Dalisay, alam nyang lumalalim ang nararamdaman nya rito. At noong hindi ito nagparamdam ng ilang araw. At alam nyang dahil 'yon sa text nya. Gusto nyang bugbugin ang sarili nun noong sobrang namimiss nya ang kakulitan at kapilyahan nito.

"I really love your daughter sir. "

Seryoso sya nitong tinitigan.

Kinakabahan man sya pero hindi nya iyon pinahalata.

"Alam kong babaero ka. "

Shit! Totoong babaero sya pero alam nyang nagbago na sya.  Hindi na nya nga nakikilala ang sarili sa tuwing kasama nya si Dalisay.

" Paano mo maiipapangako sa akin na hinding-hindi mo lolokohin ang anak ko?" Tanong nito.

Napalunok muna sya bago sumagot.

"Totoo pong marami akong  naging babae. Ni hindi ko na po mabilang ang mga babae ko dati. Until recently I have flings. Inaamin ko. Pero alam ko po sa sarili ko na nagbago ako dahil po sa anak nyo. Mahal ko po sya at hindi ko kaya na lokohin ang anak nyo. "

Nagsalubong ang kilay nito na maslalaong ikinakaba nya.

" Maipapangako mo sakin na hindi mo sasaktan at lolokohin ang anak ko?" Seryoso at malaming na tanong nito.

Tumango sya.

"Yes,sir. I will not hurt your daughter. I will not cheat on her. And I promise to love your daughter. Papakasalan ko po ang anak nyo dahil mahal na mahal ko sya at mababaliw ako kapag nawala sya sakin. "

Tumatango-tango ito na halatang nagustuhan ang sinabi nya bago sumeryoso.

" If you cheat and hurt my daughter I will not let it slide. I will destroy you. And you wouldn't like it when I go mad dog. " banta nito sa kanya.

Tumango sya. As if he'll do that. Kahit baliw si Dalisay alam nyang hindi nya kayang saktan at lokohin ito.

"As if I could do that to your daughter Sir. I will not do bad things to her. " aniya nya rito.

"Good." Biglang nagsalubong ang kilay nito na para bang may hindi ito nagustuhan sa sinabi nya.

May nasabi ba syang mali? Alin dun?

"Kanina ka pa sir ng sir sa akin. Tito Hurri ( pronounce as Ha-rry ) will do. "

Ngumiti sya rito at tumango.

"Okay Tito. "

Pinapangako nya sa kanyang sarili na hinding-hindi nya sasaktan o lolokohin si Dalisay. Naging babaero man sya, hinding-hindi nya itutulad si Dalisay sa mga babae nya. Iba si Dalisay. Pilya man at makulit. He loves that about her.

Dalawang linggo na silang magkasintahan ni Dalisay. At sa dalawang linggo na iyon. Maslalong nagiging pilya ang dalaga sa kanya. Marami itong kapilyahan na iniisip at kabastosan.

Aesthetic Desperation [COMPLETED][UNEDITED 🖋️] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon