Ikaanim na Kabanata

3.3K 164 5
                                    

-Aedice' POV-

Ilang araw na rin ang makalipas mula nung nagsimulang ma-wrong sent nung spirit pero mukang nagsunod sunod na yata dahik hanggang ngayon eh patulog pa rin yung pagtetext niya sakin.

From: Evil Spirit
  Good morning princess, already ate your breakfast?

Lechugas sabi na ngang di ako si princess eh tsk. Kaaga-aga ay.

To: Evil Spirit
  Kuya hindi po ako si Princess. Di ko din po siya kilala kaya kung pwede tigilan mo na po ko 😊

~sent

Hayan may emoji na yan ah? Baka magtext ka pa rin.

~1 new message

Galing nanaman sa kaniya sabi na ngang hindi ako si Princess eh *pout*

From: Evil Spirit
  Aedice Zin Leondale

Napakunot ang noo ko dahil sa message niya. Kilala niya ko? Pero princess kaya yunh nakalagay sa mga message niya.

To: Evil Spirit
  Please lang pakisabi nalang kung sino ka hindi yung pa-mysterious effect ka pa kuya dali na para maturuan na din kitang magsalita

~sent

Bumuntong hininga ako saka kinuha na yung bag ko. Papasok na ko bago pa ko mastress sa mysterious texter achuchu na to baka sumakit lang ulo ko hays.

Naglalakad na ko sa hallway nang makita ko yung baklang si Evan na nakasandal sa pader. Bat naman nandito tong isang to?

Nakalagay ang isang kamay niya sa bulsa habang hawak hawak ng isang kamay niya yung cellphone niya. Nagcross arms nalang ako saka hinintay kung anong gagawin niya para na rin makalayas na siya.

Mahirap na baka patirin nanaman ako dahil trip niya lang. Lakas ng tama neto.

Maya-maya pa ay nakita kong may tinype siya sa cellphone niya at ikinagulat ko yung pagvibrate ng cellphone ko kasabay ng dahan-dahan niyang pagbaba ng cellphone niya saka tumalikod at naglakad paalis.

~1 new message

S-si Evan? Hindi hindi coinsident lang naman siguro yun.

From: Evil Spirit
  It's me. Kung naaalala mo pa ko, Lhor

Oh diba? Sabi ko sa inyo hindi si Evan yung nagtext eh. Pero sino naman to? Wala naman akong naaalalang Lhor ah. Kahit sa dati kong school eh wala din namang Lhor ang pangalan.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makasalubong ko si Yvonne.

"Hello my dear roommate" sabi niya saka pasimpleng umirap na kitang kita ko naman saka niya ko nilagpasan.

Erkey may nakasalubong akong kalat along the way. Waaaah masamang mag-isip ng masama sa kapwa. Sabi yun ni mommy eh *pout*

"Hey" isang salita palang alam ko na kung sino ang maaabutan ko pag pinagpatuloy ko ang paglalakad dito.

Boses mo nanaman ang narinig ko sabaterong Yanai.

Ewan ko pero kahit boses lang nila ang marinig ko eh kilala ko na kung sino. Eh araw araw ba naman nila akong pinagtitripan diba? Tumitigil lang naman sila sa panggu-goodtime sakin kapag dumadating si Evan pero ang ending, si Evan rin yung napagbibintangan ni kuya.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit si kuya sa kaniya pero sigurado ako na may malalim yun na dahilan. Parang yung kabitteran ni kuya,may malalim din yung dahilan.

She's Into That Mafia Boss with the Four Bad Boys at Montello HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon