Ika-labindalawang Kabanata

2.8K 167 13
                                    

-Chester's POV-

Kinuwento saakin lahat ni Zarina ang mga nangyari nung wala ako.

Sa lahat din ng narinig ko, isa lang ang nakaagaw ng atensiyon ko. Sanay na ko sa kwento na may nambubully at nakakaaway si Aedice pero yung kwentong 'nagseselos' si Eldon kay Evan?

I expected it.

Alam ko ang plano ng lalakeng yun. Alam ko na sinusubukan niya lang na mahulog ang loob sa kaniya ni Aedice which I'll make sure na hindi mangyayari. The opposite will happen.

Just the typical love story right? Paglalaruan ni Eldon si Aedice but in the end, mamahalin niya talaga ng totoo ang kapatid ko but I'll really make sure na hindi magkakagusto ang kapatid ko sa kaniya. He'll regret his plan, I'm positive with that.

"Kuya" biglang pagtawag sakin ni Aedice kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakakainit ng dugo.

Mula kasi nung araw na sinabi niya na 'nagseselos' siya eh palagi na siyang nakabuntot sa kapatid ko. Ako yung naiirita eh but I just realized that I need to be patient dahil alam ko na kung haharang ako sa plano niya, hindi matutuloy ang lahat ng nasa isip ko.

Bahala siyang mag-isip kung paano niya gagawin ang Operation Make Aedice Fall Inlove dahil unang-una, study first ang kapatid ko. Strikto din ako sa kaniya pero hindi muna ngayon. Gusto kong makita ang reaksiyon ni Eldon kapag nasaktan.

"Kuya crush mo ba si Eldon?"

"What the heck?!" biglang sigaw ko kaya naman napatingin ang ibang estudyante sa table namin.

"Yow wazzup" biglang bungad ni Sean, kaibigan ni Aedice, sabay upo.

"Anong meron?" tanong naman ni Zarina na kasunod lang ni Sean.

"Kuya, what's that guy doing here?" tanong ng kadarating lang din Maxylle.

Padami na kami ng padami dito,nasusuffocate na ko lalo na't may masamang hanging dala 'tong isang lalake dito.

"Aedice may gagawin ka mamaya?"

"Marami" ako na ang sumagot sa tanong ni Eldon sa kaniya.

Ewan ko kung kaya ko bang panindigan ang hindi pagtutol sa plano ng lalakeng to.

Pero may mabuti din namang dala ang plano niya. Unang-una na ang pagtatanggol niya kay Aedice sa mga nambubully sa kaniya kasama na sila Evan na madalas na namumuno sa pantitrip sa kapatid ko. Gago talaga.

"Woah may meeting kayo diyan?"

P*tangina susungalngalin ko ang bunganga ng Yanai na to.

Mainit ang dugo ko sa lahat ng miyembro ng Black Warrior lalo na sa mga leader leaderan nila, yung apat na gunggong.

"Ano yan pare pinopormahan mo?" nakangising tanong ni Mendoza sa kaibigan niyang siraulo.

She's Into That Mafia Boss with the Four Bad Boys at Montello HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon