-Sean's POV-
Kanina pa weird tong katabi ko. Mula nung lumabas kami sa canteen palagi na siyang na bablanko.
Napapansin ko rin na di siya nakikinig sa lectures namin. Kaya pagkatapos ng last subject ay lumapit kaagad ako sa kaniya at kinuha yung bag niya.
"Ae, ano bang iniisip mo?" tanong ko sa kaniya saka siya gulat na napatingin sakin at inilibot ang tingin sa buong classroom.
"Lunch na?" bulong niya pero sapat na yung lakas para madinig ko ang sinabi niya.
"Kanina pa kita napapansin. May problema?"
Inaamin kong ngayon ko lang siya kinausap ng ganito. Bakit? Dahil ngayon ko lang din siya nakita na parang may problema. Masayahin siyang tao. Laging active. Kaya ako, siyempre sasabayan ko yun saka ganito talaga ang ugali ko. Yeah makulit ako at maingay pero maaasahan ako sa ganitong sitwasyon...siguro.
"Sean" tawag niya sakin saka tumayo at mabagal na naglakad palabas kaya wala na kong nagawa kundi ang sundan siya.
"Natatakot ako" sabi niya sakin habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Natatakot saan?" tanong ko nang nakatuon lang ang mga mata sa daanan.
"Alam mo ang ugali ng mga estudyante dito. Lahat sila kalaban ang tingin sakin. Lahat sila gagawin ang lahat para malamangan ako at...alam mo din ang kaya kong gawin sa oras na di ko mapigilan ang paglabas galit ko"
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Delikado yata kung aalis kaming lahat na pumipigil sa kaniya. Pero wala akong magagawa. Kailangan kong puntahan si dad sa ospital, it's his birthday kaya hindi pwedeng di ako pumunta. Baka itakwil na nila ko sa pamilya.
"Si Maxylle" maiksing sabi ko sa kaniya saka siya napatingin sakin.
"He admitted that I'm stronger than him. Kahit siya natatakot kapag nilalabas ko ang galit ko. They shouldn't test my patience, sila din ang magsisisi" she's serious right now.
Sa pagkakataong to, hindi ko kausap ang Aedice na una kong nakilala but the other side of her. Mula nung pasukan, ngayon ko palang siya nakakausap ng ganito dahil madalas magulo ang pag-uusap namin. You know the reason why.
Siguro dapat na kong masanay sa kaniya. She's smart, innocent, a little bit childish and a cheerful girl. She's wearing that loose uniform and nerdy glasses with her hair not being tied up. Pero ngayon, she bunned her hair and left her broken eye glasses. Although her uniform's still loose.
Para sakin wala naman siyang pinagbago except of her looks, ganon pa rin ang ugali niya. Bigla bigla siyang nagiging seryoso out of her childish attitude but she's still Aedice Zin Leondale, the one that I chose to be my friend.
"Wala na tayong magagawa diyan Ae. Let them face the consequences" sabi ko sa kaniya saka siya tumango.
"Tama ka diyan Sean. Kung sakali mang may magawa ako sa kanila, pwedeng i-consider yun as self defense" sabi niya saka niya ko biglang hinila.
"Tara na nagugutom na ko" yeah right... she's back.
-Aedice' POV-
BINABASA MO ANG
She's Into That Mafia Boss with the Four Bad Boys at Montello High
AléatoireWhat will happen when a jolly person went to Montello High to study and met the mafia boss together with the four bad boys that are always bullying her? She's Into That Mafia Boss with the Four Bad Boys at Montello High is a mixture of different fam...