-Zarina's POV-
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ng mga lalakeng yun. Ano bang nagawa ni Zin sa kanila at ganun nalang kung pagtripan nilang lima?
"Hey" biglang pasok ng isang babae sa kwarto ni Zin...roommate niya yata kasi ang kapal naman ng muka niya kung papasok nalang siya dito basta basta diba? Baka masampal ko pa siya.
"Zin sino siya?" baling ko kay Zin na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok.
Napangiti ako dahil nawala na ang salaming nakaharang sa mga mata niya nung una kaming magkita kagabi. Maganda kasi yung mata niya, kulay brown.
"Roommate ko siya, si Yvonne" sabi niya habang patuloy na sinusuklay ang hanggang bewang niyang buhok. Pati buhok niya maganda rin pag nasusuklay.
Tong bruhildang to kasi di naman nagsusuklay. Ang ganda niya siguro pag nag-ayos siya pero mukang wala siyang balak eh. Pero ako may balak na ayusan siya.
"Zin, okey ka na?" napakunot ang noo ko dahil sa tawag niya kay Zin. Eh kung sampalin ko kaya siya ng left to right, up and down, north south east west nuh? Kami lang ang pwedeng tumawag sa kaniya ng Zin, madamot ako.
"Bakit Zin ang tinawag mo sa kaniya?" mataray na tanong ko sa kaniya.
"Cause that's her name" sagot niya saka ako inirapan.
Napangiti ako at tumingin sa kaniya saka siya inasar.
"Kawawa ka naman. Pangalan ng roommate mo di ko matandaan? Baka mamaya makalimutan mo ding magsuot ng undies niyan" naalala ko kasi na sinabi sakin ni Zin na ako lang at si Maxylle ang nagtatawag sa kaniya sa second name niya.
"What?!" inis na sigaw niya sakin.
"For your information miss bird, her name is Aedice and you shouldn't call her Zin. Clear? Or you want me to clear your existence here on earth?" tanong ko sa kaniya habang nakangiti. Halata namang naasar siya dahil sa sinabi ko.
"I know, ginaya lang kita kanina. Aedice are you alright?" plastic kang babae ka.
"Oo. Tinulungan naman ako nila kuya saka ni Rina" a lie.
Wala naman kaming naitulong sa kaniya kanina dahil pagdating namin, napatumba niya na yung mga nang-aaway sa kaniya. Ang lakas pala ng babaeng to. Siguro mahina lang siya kapag galing sa malayo ang kalaban niya tulad ng nangyari sa kaniya sa likod ng building nila. Malayo ang pumana sa kaniya ng gabing yun kaya wala siyang nagawa.
"Okey na siya. May gagawin ka pa dito? Mawalang galang na pero pwede bang pumasok ka na sa klase mo kasi ayaw naming nakakaistorbo ng iba" sabi ko pero ang totoo eh naiinis lang talaga ko sa presence ng babaeng to.
Kumukulo ang dugo ko sa babaeng to. Sarap niya sunugin kaso wag nalang, baka mangamoy. Plastic pa naman.
"Sige Aedice aalis na ko. Magpagaling ka ha? Kaso mahirap mangyari yun kung...masama ang hangin" pang-asar na sabi niya saka tumingin sakin nung banggitin niya yung huling linya.
Ginawa ko? Sa tingin niyo magpapatalo ako? Never. Over my dead and gorgeous body. Lalo na diyan sa plastic na ibon na yan tsk sarap niya tanggalan ng pakpak. Ngumiti din ako sa kaniya saka tumayo at pinagkrus ang mga braso.
"Tama ka naman. Kaya nga kanina ka pa namin pinapaalis hindi ba?" sabay irap na sabi ko. Mas masama ka pa sa masamang hangin, bruha.
BINABASA MO ANG
She's Into That Mafia Boss with the Four Bad Boys at Montello High
RandomWhat will happen when a jolly person went to Montello High to study and met the mafia boss together with the four bad boys that are always bullying her? She's Into That Mafia Boss with the Four Bad Boys at Montello High is a mixture of different fam...