6 - Mr. June

65 7 18
                                    

Excited nang makauwi sa mansyon si Ricky upang ibahagi ang magandang balita. Na-hire na kasi siya sa isang university bilang admin staff. Doon siya ni-refer ni Nanay Remmy sa tulong na rin ng pamangkin nitong si June.

"Sir, maraming salamat po sa opportunity na ibinigay ninyo," pagpapakumbaba ni Ricky nang magkadaupang-palad sila ni June. "Walang anuman, na-hire ka hindi dahil sa nirekomenda ka ni tita, nakapasa ka sa exams at maganda ang sagot mo sa interview," paliwanag naman ni June na isa sa mga respetadong professor sa San Antonio University— kilalang unibersidad sa kanilang lugar.

Kahit lalaki si Ricky, hindi niya maiwasang hangaan ang pagiging simpatiko ni June. He talks professionally and has a sense of fashion. At isa pang puntos, guwapo na talaga ang gurong ito. Siguro maraming babaeng estudyante na nagkakaroon ng paghanga sa kanya.

Sana balang araw maging katulad kita.

Nangingiti siya sa goal na 'yon. Sino ba namang hindi mangangarap na gumanda ang karera sa buhay? Masasabi niyang idolo na niya si June. Sobrang hardworking kasi nito at likas na matalino. Bukod sa matematika ay nagtuturo din si June ng agham at sining.

Naging volunteer din ito sa rural areas at may background sa martial arts. At the age of 27, ang dami nang naiambag na tulong ni June sa pagpapalawig ng edukasyon sa bansa. He's been awarded recently as one of outstanding professors. Si June din ang pinakabatang ginawaran ng parangal sa paaralan.

"Siya nga pala, kumusta naman si Tita Rems?" tanong ni June, referring to Nanay Remmy. "Maayos at malakas naman po siya kahit 70 years old, hindi po sakitin," turan ni Ricky kasabay ng mayuming ngiti.

"Pauwi ka na rin 'di ba? Balak ko sanang dumalaw ngayon sa kanila. Miss ko na si Nanay Remmy pati ang witty niyang mga kasambahay, lalo na si Alina." Nakalitaw ang biloy sa pisngi ni June habang sinasabi iyon.

Bigla namang napangiwi si Ricky. Anong mayro'n kay Alina at mami-miss ito ni June?

"Opo, pauwi na rin ako," pakli naman ni Ricky at itinago ang pagbusangot ng mukha.

"Baka mahintay mo naman ako? Puwede ka namang mag-ikot muna sa university. Walang sisita sa'yo dahil may pass ka naman. Mamayang 4 pa kasi matatapos ang klase ko," ani June at apologetic na nginitian si Ricky. Ayaw niya kasing may naghihintay na tao para sa kanya pero gusto niya ring ilibre man lang si Ricky ng meryenda bago sila pumunta sa mansyon.

"Ayos lang po, Sir June," pormal na sagot niya kay June. "What about, call me kuya June na lang? Magiging colleague din naman kita." Nilaparan ni June ang pagkakangiti kay Ricky.

"O-okay, Kuya June."









****







"Tita Rems!" masiglang pagsalubong ang natanggap ni June mula kay Nanay Remmy, saktong pagkababa pa lang nila ni Ricky sa kotse ay nakaabang ang lahat, naroon si Alina na halatang mas excited na makita siya.

"Welcome back!" bati ni Nanay Remmy nang yakapin si June.

"Wala pa rin kayong pinagbago, napakaganda n'yo pa rin," hirit ni June at niyakap pabalik ang tiyahin. Inisa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang mga taong sumalubong.

"Yayo, Kikay, Alina, Nanay Remmy. At nasaan si Martina?" nakakunot-noong tanong ni June.

Napatikhim agad si Nanay Remmy. "Hindi pa kasi nagsasawa si Martina na masulit ang married life kaya ayon, nagbakasyon muna sila ng asawa niya."

"Ah, mukhang masaya na si Martina ngayon. Mabuti na lang at natagpuan na niya ang para sa kanya. By the way, kayo ba may mga boyfriend o asawa na?" tinatanong niya ang tatlong kasambahay ni Nanay Remmy.

"Ako Sir, 3 years nang kasal," sagot ni Yayo. "Ako naman Sir, boyfriend pa lang," sabad naman ni Kikay. Hindi naman umimik si Alina at yumuko na lang. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya dahil muli silang nagkita ng una niyang pag-ibig. At saka nahihiya siyang salubungin ang tingin ni June, baka kasi matunaw siya anumang oras.

"Ikaw Alina? Mayro'n ka na sigurong boyfriend ano?" untag ni June.

"Huh?" her face has been slapped back to reality when she heard his calm voice. "W-wala pa po kuya," nahihiya niyang sagot.

"Imposible na wala kang manliligaw dahil gumanda ka ngayon," walang halong birong puna ni June. "Bawal pa kasing mag-boyfriend si Alina," sabad naman ni Nanay Remmy.

"Tama 'yan, nakaka-distract din minsan sa pag-aaral ang pakikipagrelasyon."
Parang sinaksak si Alina dahil sa nilabi ni June. But the guy has a point, being in a relationship is a distraction unless— ito ang magiging karelasyon niya.

"Tara na, pasok na tayo sa loob para maghapunan," yaya ni Nanay Remmy sa lahat at nagsipasok naman sila sa loob ng mansyon.

Sinadya ni Alina na magpahuli. Hindi niya mapakalma ang nagwawala niyang puso dulot ng muli nilang pagkikita ni June. Halos mapunit na siguro ang kanyang bibig sa kakangiti at hindi niya namalayang nasa unahan niya pala ang lalaking kinaiinisan.

"Anong mayro'n sa ngiting 'yan?"

Napaiwas siya ng tingin nang dahil sa tanong ni Ricky. Kanina pa siguro siya nito pinagmamasdan, which is— nakakainis at panira ng magandang mood. Ricky is always like that, parang siya lang ang nakikita nito at pinupuna kahit ini-ignore niya ang existence nito sa mansyon.

"Wala ka nang pakialam doon," nakairap na tugon ni Alina. "Crush mo si Sir June?"

Umiwas ng tingin si Alina dahil hindi niya maamin na may paghanga siya kay June lalo na kung kay Ricky siya aamin. Hindi naman sila close. Kaya napagpasyahan niyang lampasan sana ang binata pero hinarangan naman nito ang bawat daanan niya.

"Ano bang problema mo huh?" singhal niya kay Ricky.

"Tinatanong kasi kita tapos hindi ka naman sumagot. Silence means yes?" mapang-asar ang timbre ng tinig ni Ricky.

"Sa akin na lang 'yon," sikmat ni Alina.

"Okay. Pero alam mo, gusto ko lang ipaalam na hindi ka magugustuhan ni Sir June. Hindi kayo bagay," pang-aasar ulit ni Ricky na ikinalukot naman ng mukha ni Alina. Intensyon niyang asarin ito para malaman ang magiging reaksyon ni Alina. And by that frown on her face, confirmed na  umubra ang pambubuska ni Ricky. At confirmed din na may gusto si Alina kay June.

"So what? Paano kung biglang nag-iba ang ihip ng hangin?" di patatalong buwelta ni Alina.

"So gusto mo nga siya?"
Kahit nakangiti sa harap ni Alina, lihim namang na-disappoint si Ricky. But he can't blame her, June is an ideal guy of everyone. He got the looks, brain and a stable career.

"Bahala ka nang mag-isip."

Alina left him puzzled.

Nakakainis, hindi ko na idol si Sir— este, si June!

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon