13 - Surprises

54 6 25
                                    

Napatda siya sa pinagtapat ni Ricky. Lihim na nagdiwang ang puso niya nang dahil doon. Unti-unti na sanang kukurba ang ngiti sa labi niya pero bigla naman itong tumawa nang malakas.

"Joke lang 'yon!"

Bigla siyang tinalikuran ni Ricky at sa pagtalikod nito, unti-unting umagos ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

"Baki pati feelings ng tao kaya mong paglaruan? Ano bang kasalanan ko sa'yo huh?" singhal ni Alina at hinablot ang braso ni Ricky kaya nilingon siya nito kaagad.

"Bakit ka naman maaapektuhan sa joke ko? Si Sir June ang crush mo 'di ba?"
Nakaaninag ng bahagyang pag-asa si Ricky dahil sa reaksyon ni Alina. Posible kayang mutuals ang feeling nila sa isa't isa?

"Kasi mahal kita!" lakas-loob na pag-amin ni Alina na nagpaliwanag naman sa mukha ni Ricky. "Really? Infatuation lang 'yan Alina. Si Sir June ang gusto mo 'di ba? At hinding-hindi mo ako magugustuhan dahil guwapo lang ako."

"Pero, basta nagustuhan na lang kita! Masama ba 'yon? Na nami-miss kita simula nang umalis ka? Na bigla kong na-appreciate ang kabaitan mo?" garalgal ang tinig ni Alina at pinunasan niya kaagad ang luha gamit ang panyo na nasa bulsa.

"Okay, confirmed. Mahal mo nga ako."Ricky grinned confidently.

"Huh?"

"Kasi kung hindi mo ako mahal, itatapon mo 'yang panyo na hawak mo," tukoy niya sa panyo na talagang pag-aari niya at pinahiram lang noon sa dalaga.

Hinapit niya si Alina palapit sa kanya at niyakap ito. "Kaso bawal pa sabi ni Nanay Remmy. Baka hindi pa tayo sure sa isa't isa. Maghintay pa tayo," sambit niya.

"So, mahal mo talaga ako?" usal ni Alina.

Sana oo, sana oo.

"Noong una pa lang na magkita tayo, mahal na kita." He kissed her on the forehead.

"Pero may pangako ka kay Nanay Remmy, unahin mo muna ang pag-aaral mo."

"So, hihintayin mo ako?" humigpit ang yakap ni Alina kay Ricky.

"Payag ka ba na hintayin kita?"

"Oo," sambit niya at marahang tumango.








****









Isang araw lang ang pagpapahinga ni Alina at naka-recover na rin siya sa trangkaso. Ganado siyang pumasok sa school at dumiretso muna sa library. Napangiti siya dahil solo na naman niya ang lugar na 'yon. May dalawang oras pa kasi siyang hihintayin bago magsimula ang klase niya sa mathematics.

"Ayos 'to. Tahimik na naman," mahinang sabi niya at tinunton ang shelf na pakay niya. May asignatura pa kasi siya financial management.

She was about to take down notes when a music played again, it's a love song from Justin Timberlake. Kahit pa malumanay ang kantang tumutugtog ay nadi-distract pa rin siya.

Napatayo tuloy siya at hinanap na naman ang pinagmulan ng tugtog. Ilang beses na niyang naranasan na tila may nananadya sa library na mang-trip sa pamamagitan ng pagtugtog pero wala naman siyang makitang librarian. Saan kaya iyon sumusuot?

[Said all I want from you
Is to see you tomorrow
And every tomorrow
Maybe you'll let me borrow, your heart
And is it too much to ask for every Sunday?
An while we're at it throw in every other day to start

I know people make promises all the time
Then they turn right around and break them
When someone cuts your heart open with a knife and you're bleeding
But I could be that guy to heal it over time
And I won't stop until you believe it
'Cause baby you're worth it...]

Pamilyar ang kantang iyon para kay Alina. Minsan kasi madalas niyang marinig na mag-soundtrip sina Randell at Ricky sa mansyon. And every lyrics hit her heart.

Napasinghap siya at nagsalita nang malakas. "Puwede po bang pakipatay ng music? May nagre-research po kasi."

And to her surprise,  the music didn't stop and it only gets loud when the chorus part has started.

[So don't act like it's a bad thing to fall in love with me
Cause you might look around and find your dreams come true with me
Spend all your time and your money just to find out that my love was free
So don't act like it's a bad thing to fall in love with me, me
It's not a bad thing to fall in love…]

"Sir or Maam, kung nasaan ka man sana pakihinaan mo na lang ang music mo please? Saka libre namang magpatugtog sa labas ng campus," iritable niyang sigaw at bumalik na lang muli sa kanyang puwesto.










****








Napahawak sa dibdib si Alina nang mamataan sa front seat ang mga kinaiinisan niyang kaklase. Nginitian niya ang apat na magkakaibigan na nasa iisang row lang bago siya dumiretso sa likod kung saan siya laging umuupo.

"For sure masaya ka na naman Ms. Alina, dahil makikita mo na naman ang fave prof mo," bakas ang sarkasmo sa tinig ni Ryza, the one who's loudest of their group.

Huh? Inyo na 'yan si Sir June, may bago na ako.

Pinili niyang huwag patulan ang mga magkakaibigan. Nagkunwari siyang busy sa pagbabasa ng notes at ilang saglit pa ay dumating na nga ang professor nilang si June at history ang subject nito.

Nakagat ni Alina ang ibabang labi habang pinagmamasdan sa 'di kalayuan si June. Natutuwa siyang makita ito pero hindi na gaya nang dati na parang maiihi siya sa kilig. Parang normal na lang na tao ang tingin niya sa guro at masasabi niyang tuluyan na ngang naglaho ang feelings na pinakaingatan niya para rito sa loob ng ilang taon. Si Ricky lang pala ang tumapos.

"Good morning,"pormal na bati ni June sa lahat at hinanap kaagad ng mata niya si Alina. Bahagya itong ngumiti nang magtama ang paningin nilang dalawa. She also smiled back at him.

Wala na, normal na lang talaga ang tingin ko sa kanya. Pero guwapo pa rin talaga si Sir June. Sobrang guwapo.

"Good morning Sir Ybañez!" pabalik na bati ng lahat bago magsiupo.

"Today, kasama ko ang assistant ko, I mean— colleague ko na gustong-gusto n'yo ring makilala. Siya kasi ang pinakiusapan kong mag-check ng test ninyo last meeting at siya rin ang bubunot ng index cards ninyo for recitation." June cleared his throat after uttering an important announcement.

"Please welcome my friend Ricardo Milagroso,"pagkasabi ay bumukas ang pinto na nagpaawang sa bibig ni Alina. Lumukso sa di maipaliwanag na tuwa at gulat ang puso niya nang mamukhaan ang assistant ni June.

Ricky? Ikaw si Ricardo o Cardo ns pinag-uusapan nila?

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon